Gio
It's been a month when 'shit happens' in my life. I don't even know that stupid things would happened. Seeing my fiancé kissing another guy? Was a talksh*t. And worse it was my fvcking bestfriend.
When I caught them, I just quickly punched his face hard. And his nose began bleeding and I don't even care about it. They don't even know how it breaks my heart.
I want to forget all those hurts and betrayal in my life. But how can I do it? If every seconds and every minutes, I've always remember how my fiancé enjoying kissing that bastard! How do I forget her? How do I unlove her?
"Bro, tama na iyan. Nakakarami ka na. Baka hindi ka na makauwi niyan sa inyo" hindi ko nalang pinansin si Paul.
At nilagok ko ulit ang alak sa baso ko. Sa tingin ko pang-labing isa ko na ito, ay hindi pala pang-labing lima? Ay hindi baka pang-labing walo? Ay ewan. Hindi ko na alam. Basta alam ko, masakit ito. Masakit sa dibdib ang nararamdaman ko ngayon.
Kung tutuusin, ang tanga ko na hindi naniwala sa sinabi sakin ni Paul nung una. Ang maniwala sakanya na nahuli niyang may lalaki si Mia. Dahil mahal ko si Mia kaya nagawa kong mabulag sa katotohanan. Kahit ang dami ng ebidensyang nagsisilapana sa harapan ko, pinipilit ko sarili ko na ako lang mahal ni Mia. Pero hindi e, kaya pala kinakabahan ako kung tatanggapin ba niya alok na magpakasal kasi may iba na pala siyang gusto. Kaya pala iritado siya sa ginawa ko noon, kasi ayaw niyang magpakasal sakin. Kaya pala palagi siyang nakikipagtalo sakin tungkol sa pagpapakasal kasi ayaw niyang matali sakin. Kaya pala.
"Tama na yan. Iuuwi na kita. Hinahanap ka na ni Tita at--" huminto ito sa pagsasalita. Tinignan ko lang si Paul at inaantay sumagot.
"At gu-gusto ka daw makausap ni M-Mia" nagulat ako sa sinabi nito. Kaya nabuhayan ako ng loob.
Isang buwan din kami nagiwasan simula nung mangyari ang insidenteng iyon. Una akong lumayo, pero hindi ko siya natiis ay ako unang sumuyo. Kahit kasalanan niya, inako ko na din 'yun. Kasi mahal ko ang babaeng iyon. Pero ayaw niya makipagkita sakin, ni makausap kahit sandali ayaw. Gustung-gusto kong itanong tungkol sa kasal naming dalawa. Hindi ba pumayag sa alok ko? Kaya eto ako, nangangapa. Pero eto ngayon? Gusto na niya ako makausap.
Agad-agad akong tumayo at inalalayan naman ako ni Paul.
"Kapag si Mia talaga ang usapan, nabubuhayan ka ah" pang-aasar nito. Parang gago din ito e. Alam kong ayaw niya saming dalawa, pero siya pa itong nangungutsa saming dalawa.
At hindi nagtagal ay hinatid ako ni Paul samin pero sinabi kong kay Mia niya ako ihatid.
"Bro! Hindi ka pwedeng makipagusap kay Mia ng lasing ka!" Aniya nito.
"Bro! Hindi pwede! Baka makikipagbalikan na sakin ni Mia! Kailangan ko na siyang makausap!" pero dahil mas makulit sakin si Paul. Sa bahay ko niya ako hinatid at wala na akong nagawa dahil may tama na din ako.
×××
"Tita Xelin! Parang awa niyo na po! Gusto ko lang makausap si Gio! Ang laki po ng kasalanan ko sakanya!"
"Ija naman! Hindi naman pwede iyang gusto mo! Matapos lahat ng ginawa mo sa anak ko?"
Ang aga-aga may naririnig akong sigawan sa labas.
"Tita Xelin! Alam ko pong mali ginawa ko! Pinagsisihan ko na po 'yun!" rinig kong sabi nung babae. Familiar ang boses nito.
Kaya bumangon ako para tignan kung sino kasagutan ng mommy ko. Pagkabukas ko ng pintuan ay bumunggad sakin ang babaeng pinakakamahal ko--- si Mia.
"Anak! Anak bakit ka lumabas?" Bakas sa mukha ni mommy ang pangangamba nito. Hindi ko ito masisi, sapagkat isa si mommy sa kasandalan ko sa mga panahong nasasaktan ako. Si Daddy wala dito sa Pilipinas. Nasa New York siya para magtrabaho.
'Ano ginagawa niyo dito?' Hindi maalis sa isipan ko ang katanungan na iyan.
"Gi-Gio! Ba-babe!" aniya ni Mia. Halata sakanyang mata ang pagmamakaawa. Pero bigla kong naalala--- gusto pala ako kausapin ni Mia.
"Mom, I can manage" nagulat si Mommy sa ginawa ko. Alam kong hindi niya aasahang masasabi ko iyon sa kabila ng lahat na halos isumpa ko silang dalawa.
"Okay son. I trust you." At umalis na ito. Hinarap ko naman si Mia ay bakas mukha nito ang pagkagalak.
"What do you need?" cold kong tanong nito. Syempre sa kabila ng lahat ng pagtataksil at pagtataboy niya sakin, kailangan ko din magmatigas sa harap niya kahit sa kaloob-looban ko gustung-gusto ko siyang yakapin.
Nagulat ako ng bigla niyang pagluhod sa harapan ko. Hindi ko aasahang isang Miala Sebastian na magpapakumbaba. Oo, sa loob ng tatlong pagsasama namin ako ang palaging sumusuyo sakanya kahit kasalanan niya naman. Pero kahit ganon, tanggap ko si Mia.
"Babe, I-Im so-sorry. Na-natukso lang kami ni R-Ron. Kasalanan ko babe! W-wag kang magagalit kay R-Ron! Alam kong nasira ang pagkakaibigan niyo.. pero sana mapatawad mo siya Gio!" Naiiyak nitong sabi. God knows how much I loved this lady. Napangiti nalang ako. Kasi ito ang unang pagkakataong nagpakumbaba si Mia.
"B-bakit ka tumatawa?" Tanong nito.
Sa halip na sagutin ko siya at inalalayan ko siyang tumayo at pinagpag ang kanyang mga tuhod. At inayos ang kanyang suot na dress.
Tumingin ako sa kanyang mga mata. At hinawakan ang kanyang dalawang kamay.
"It's okay, babe. Napatawad na kita. Wag mo ng uulitin yung pagluhod mo okay? I even see your red panty" Biro ko sakanya.
"Pervert!" Hinampas naman niya ako. At bakas sakanya ang galak. At yinakap ako ng mahigpit.
Pagkakalas ng kanyang yakap ay tumingin ito sa mata ko. At ngumisi ito. Hindi ko alam kung ano binabalak niya. '
'Baliw talaga tong Miala ko.'
"Gio" seryosong pagkakabigkas nito. At bigla akong kinabahan sa inaasta niya, pero hindi ko ito pinahalata.
"Y-yes babe?" Tanong ko dito.
"Mukhang hindi masusunod ang gusto mo" at bigla siyang lumuhod at may nilabas na isang maliit na box. At doon ko na naiintindihan ang kanyang ibig sabihin. Nagugulat talaga ako sa kinikilos niya.
"Babe. Gio, will you marry me?" Daig ko pa ang malanding bakla sa kilig. Agad ko siyang tinayo at hinalikan sa labi. Mabilis lang ito.
"Dapat ako gumagawa niyan" sabi ko dito.
"E, nagawa mo naman dba? Para sigurado. Uulitin ko. Will you marry me?" Nakangiting saad nito. At tumango nalang ako. Para akong babae sa kinalalagyan ko. Sinuot naman niya ang singsing sakin at suot na niya 'yung singsing na binigay ko sakanya.
"I love you, Gio"
"I love you more than you do, Mrs. Montenegro"
BINABASA MO ANG
Sudden Love UNDER CONSTRUCTION
RomanceGENRE: Romance DATE CREATED: February 25, 2015 DATE ENDED: --- We promise ourselves that we wouldn't exchange our contact numbers and personal information to each other. We promise ourselves that we were only a good strangers to each other. Five d...