3

85 12 0
                                    

Gio

        Marrying someone whom you loved is profane inside the church and sacred beyond in the eye of God. It is a ritual with both traditional, social, legal and in most cases religious in importance and restrictions. 

        Am I stupid? Call me a martyr, a masochist or anything you wanted to. Until now, I'm expecting to her. I'm expecting that she will come back--again.

         Pagkatapos ng araw ng hindi niya pagsipot ay pinuntahan ko siya sakanilang bahay. Nagulat pa ang kanyang mga magulang kung ano daw ginagawa ko doon at sino daw ba ako. So totoo nga, hindi pa talaga ako pinapakilala ni Mia sa parents niya.  Sariwa pa din sakin ang sakit na ginawa sakin ni Mia.

        Tatlong araw na ako nagkukulong dito sa kwarto. Hindi ko alam kung paano haharapin ang mundo na walang Mia. Paano ko haharapin ang mundo na puno na pangungutya at kahihiyan na ginawa niya. Hindi ko alam pero kahit pigilan kong magalit sakanya, pero di ko magawa. Sumabog na nararamdaman ko sikip at sakit dito sa dibdib ko.

       Sobra na ang sakit. Gusto ko ng makalimot. Makalimot sa lahat lahat. Sobrang tanga ko lang at nagpabulag ako sa isang walang kwentang babae. Binaliwala niya ang pagmamahal ko, ang pagpapahalaga ko sakanya. Sinayang niya ang mga pagkakataong binigay ko sakanya.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Anak, anak. Dinalhan kita ng pagkain mo. Dalawang araw na, hindi ka pa kumakain, baka magkasakit na niyan" Buti nalang at may nanay ko tulad ni Mommy. Sobrang maalaga, sorbang magpahalaga at mapagmahal. Siguro sakanya ko namana ang ito.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Ah? Anak?"

        Tutal gutom na talaga ako, hindi na ako magiinarte pa. Alam kong lilipas din itong nararamdaman ko. Ilang araw din ako nagmukmok. Baka eto na oras para harapin ang realidad. Tumayo na ako at agad binuksan ang pintuan.

"Anak! Sa wakas! Nag-aalala talaga ako sayo!" Agad akong yinakap ni Mommy. I would like to thank god that he gave me this kind of mother.

       Ginantihan ko din ng yakap si Mommy. Namiss ko ito, sobra.

"Grabe! Nangayayat ka! Eto, pinagluto kita ng paborito mong kare-kare" sa sinabi ni Mommy ay nabubayan ako. Ang tagal ko na ding hindi nakakatikim ng luto ni mommy.

       At pinasok ni Mommy sa kwarto ko 'yung pagkain. At nakita ni Mommy na ang daming basag na bote sa kwarto ko.

"Haay. Ang Gio ko. Kumain ka na. At lilinisin ko pa tong kalat mo" yinakap ko bigla si Mommy.

"Thank you for everything, Mom" and she kissed me on my cheeks. I loved it when my mom doing it.

      At tumayo na si Mommy at sinumulan na pulutin ang kalat sa kwarto ko. Sinimulan ko na din ang pagkain ko. Ang sarap sarap talagang magluto ni Mommy. The best! Kahit papano naiibsan ang sakit dito sa dibdib ko sa ginawa ni Mia sakin.

        Nang matapos akong kumain ay pinaligpit na ni Mommy kay Yaya Leny ang pinagkainan ko at lumapit sakin si Mommy.

"Son can we talk?" Seryosong sabi ni Mom.

"About what?" Tanong ko dito.

"You're Dad... He already knew what happened between you and Mia"

      Alam kong malalamin din ni Dad 'yun. Pero nagulat din ako, kasi ang bilis malaman ni Dad. Pero alam kong hindi basta alam lang ni Dad iyon.

"And then? Papatay niya si Mia? Papakidnap? Ibablockmail?" Sakristo kong tanong kay Mom.

         Alam ko namang ganoon si Dad. Kapag naagrabiyado ang pamilya namin. Even my little sister, overprotective siya. Nasa New York na si Penelope-- little sister ko. Kinuha siya ni Dad. Gusto niya siya ang magbabantay dito.

"No! It's not like what you think. Your dad wanted you to forget. He only wants you to have a vacation. Out of town"

"NO" sagot ko dito. Oo nasaktan ako, pero hindi naman pwedeng mag-ibang bansa ako. Parang sinabi na din nilang, duwag ako.

"Anak, makakatulong sayo iyon! Para maibsan ang sakit diyan sa dibdib mo!"

"Mom! If I said no! And it's A BIG NO!"  And I walked out. End conversation. Ayoko talaga umalis ng bansa. Kasi alam ko.... alam kong babalik siya. Babalikan niya ako.

         It's already seven in the evening. Hindi pa din kami nagkikibuan ni Mom. To be honest? Mama's Boy ako. Mas close kami ni Mom kaysa kay Dad. Obviously, si Gailey ang gusto ni Dad kaysa sakin.

         Tutal kaysa maburo ako dito sa kwarto, ay binuksan ko nalang ang laptop ko at nag-log in sa Facebook.  At talaga naman kapag minamalas ka, trending sa Home Page ko ang hindi ko inaasahan.

           Miala Sebastian is engaged to Robert Sanglay. The Robert Sanglay-- Ang karibal niya sa academics nung college sila. Madaming naglikes sa relationship status ng dalawa. At talagang tinag pa ako sa mga nakakakilala sakin. May sari-saring comments na kesyo 'ang boring ko daw kaya pinagpalit ako sa hot at hearthrob' . Naglogout nalang ako at sinara ang laptop ko.

        Lalaki ako, pero seryoso ba ito? Umiiyak nanaman ako? And worse. Same person again. Kinuha ko ang jacket ko at nagpasyang maglakad-lakad muna sa labas ng village namin.

        While walking around in our village, my phone rang. Ibang number. Mukhang ibang bansa. Unregistered number.

"Hello?"

"Son"

       

        Nanigas ako sa narinig ko. Si Dad. Tumawag. First time itong tumawag sakin mismo sa number ko. Kadalasan kay Mom siya tumatawag at kapag gusto niya akong kausapin ay ipapaabot lang phone ni Mom sakin. At ito ang kauna-unahang tinawag niya akong 'Son'. Kung kadalasan ay tinatakwil niya ako. Pero ang sarap pala sa feeling na tawagin kang anak.

"I already know"

"Yeah"

"Son, I'm giving you three days vacation on Malaysia. I've already booked your ticket. Just tell me when is your flight and I wil reschedule it" seryoso si Dad sa sinabi niya.

        Nagugulahan pa ako. Kasi bihira lang si Dad mag-care sakin. Do I need to grab the chance? Malaysia is my dream country trip. At naalala ko nanaman ang nakita ko kanina lang. She is engaged with another man. Fvck! It kills me a lot!

"I think about it" and I ended the call.

       Simula ngayon, hindi na ako magpapadalos sa mga plano ko sa buhay. Nakakatakot na masaktan lalo. Buhay pa din dito ang ginawa ni Mia sakin. Kaya pala hindi siya sumipot... engaged na siya sa iba.

       Kinuha ko ang phone ko at dinial ko ang number niya.

"Paul. Prime. 9pm" at binababa ko na ang phone.

×××

       Hindi ko inaasahan na lahat sila pupunta dito. Ang tinawagan ko lang ay si Paul. Pero kumpleto ang barkada.

"Bro, Alam kong nakita mo na din" sabi ni Luigi.

"Hindi ko akalain na bukod sa ating dalawa, may isa pa siya" sabi ni Ron.

      Oo, hindi ko din akalaing nagawa ni Mia iyon. Ibang klaseng babae siya. She's also like her sister. Slut. Wore. Bitch. A big garbage in our life.

"Bro, alam namin naming masakit iyan. Iiyak mo lang!" Pangaasar ni Anton. At agad nang binatukan ito ni Paul.

"Panira ka talaga Tonton!" at nagsitawanan ang barkada.

"Ang baho ng Tonton! Pulpul!" Ganti nito.

         Buti nalang at may kaibigan akong kalahating hayop kalahating engkanto. At napapasaya nila ako ngayon. Kahit papaano ay naiibsan ang sakit na nararamdaman ko.

        Alam ko balang araw na malilimutan din kita, Miala.


Sudden Love UNDER CONSTRUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon