PROLOGUE

301 5 2
                                    

"Teacher,may I go to the restroom?"

"Okay you may go."

"Kat,samahan mo nga ako sa restroom."sambit ni Elizabeth sa best friend niyang si Kat.

Pasimple at tahimik naman silang lumabas sa classroom. At dahil sa third floor ang classroom nila bumaba sila sa groundfloor kung saan ang restroom.

Pababa palang sila malamig at malakas na ang simoy ng hangin.

Tiningnan saglit ni Kat ang wristwatch niya at 2:50 am na.

May night class kasi dito sa M-andM Academy,sa dami ng estudyanteng nagaaral dito,meron naring mga class ang nagaatend ng night class,at isa na nga rito ang klase nila Elizabeth at Kat, Grade-9 Colossians.

Habang malapit na sila sa restroom,parang may naririnig si Elizabeth na iyak ng baby.

"Naririnig mo yun Kat?"

"Ang alin,tayo lang naman ang andito ah,at ang tahimik kaya."

"Wala.baka nga antok lang ito."

"Sige,bilisan mo na,at baka mapansin na pati ako wala."medyo natatawang sabi ni Kat

"Hahaha!sige"

"Hintayin nalang kita dito sa labas ah.bilisan mo."

"sige."

Pumasok na si Elizabeth sa loob,at gaya nga,naghintay lang sa labas si Kat.

at siyempre dahil private school nga ito,maayos ang restroom.Meron itong puting mga tiles at dingding.

2:58

Lumabas saglit si Elizabeth at may kinuha...

Bumalik naman siya agad pagkatapos niya itong makuha.

3:00

"Ang tagal naman nung babaitang yun"-Kat

3:05

Wala parin at di pa lumalabas si Elizabeth,kaya naisipan na ni Kat na pumasok.

"Eli,tara na kanina pa tayo dito eh,baka hinahanap na tayo don."

. . .

Walang sumasagot

"Oyy,Elizabeth Perez...Asan kaba?Bilisan mo."

. . .

Wala paring sumasagot.

Naiinip na si Kat,kaya naisipan niyang buksan ang mga pintuan ng apat na room ng cubicle.

At mula sa pinakauna hanggang sa pangatlo,ay walang tao.

Subalit pagbukas niya ng pangapat...

. . .

Natulala at natahimik si Kat ng makita niyang walang malay at duguan si Elizabeth sa sahig

At ang pinagtatakahan niya ay kung bakit may nakaukit sa dingding na dugo at nakasulat ang isang...

.

.

.

.

letter "M"

MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon