Jeff's POV
Na-disaapoint ako dahil si Karen lang pala yung nagtext.Pero Feeling ko mamamatay na rin ako nang mabasa ko ang laman ng text.
"P..Pa ..PATAY NA SI ELIZABETH?!"
Paanong nangyari ang lahat ng ito?Hindi ako lubos na makapaniwala,nung isang araw,masaya't magkasama lang kami,tapos ngayon...bigla ko nalang mababalitaan na wala na siya..Wala na ang taong matagal at lubusan kong minahal.
Binasa ko pa ang ibang mga messages...Pinapapunta niya ako sa library?!...At dadalhin ko ang picture namin..Pano niya nalamang nasa akin ito?
Dali-dali kong isinuot ang aking tsinelas at kinuha ko narin ang picture frame,isinama ko narin ang aking cellphone..
Mamaya na kita babalikan Barbarian king.
Nasa labas nako ng bahay..Sasakay na sana ako sa kotse,subalit bigla kong naalala...malapit lang pala ang bahay namin sa school...
Habang mabilis akong tumatakbo..iniisip ko parin kung ano talaga ang nangyari..
Nang makarating na ako sa school,tumatakbo parin ako papunta sa library.
Bigla akong napatigil nang nag-ring ang cp ko.
Ms. 'Ay Kabayo Ka' calling...
Sinagot ko naman ito agad-agad.
"Jeff,andito ako sa library ah."
"Oo,sige, sige.Pupunta na ako diyan." sagot ko naman.
"Dalian mo ah,dalawa lang kami dito."
"Sinong kasama mo?Si Kat?" tanong ko naman habang nagpatuloy ako sa pagtakbo.
"Si Kenneth."
"Ha? Si KUYA?!"
_______________________
Karen's POV
Matapos sabihin sakin ni Kenneth ang mga hinaharap niya ngayon,mas lalo akong naaawa sa sitwasyon naming magkakaibigan...
Pero hindi pwedeng maging mahina ako,kailangan kong magpakatatag,kailangan kong lumaban,kailangan kong maghanap ng solusyon at hustisya.
Bigla na lamang nag-ring ang cp ko,nang tingnan ko ito,nag-text si Kat.
'Karen napa-alam mo na ba kay Jeff ang nangyari?'
Saka ko naalala,wala pa siyang reply,eh mahigit 10 messages na ata ang na-send ko sa kaniya.
Naisipan ko na siyang tawagan,pero bago ko gawin iyon,dumistansya muna ako kay Kenneth,bale naka-talikod ako sa kanya.
Nang idial Ko siya,agad-agad niya naman itong sinagot.
"Jeff,andito ako sa library ah."
"Oo,sige, sige.Pupunta na ako diyan." sambit niya na parang pagod na pagod. Mukhang alam niya na ang nangyari..
"Dalian mo ah,dalawa lang kami dito."
"Sinong kasama mo?Si Kat?" tanong niya.
"Si Kenneth."
"Ha? Si KUYA?!"
Speaking of Him,lumingon ako sa kaniya,pero paglingon ko,napansin ko, nagiisa na lamang ako dito sa library.