EPILOGUE

151 4 3
                                    

1:40am

THIRD PERSON'S POV

*RADIO TUNE*

"Nagbabaga..Naglalagablab..Umaariba ang mga balita dito sa FVM Radio.
Isang estudyanteng babae patay matapos matagpuang duguan sa banyo ng kanilang paaralan."

- - - - - -

"Uyy Pare,sa M-and-M Academy lang daw nangyari yan" ang sabi ni SPO1 Christian Atluna habang nakikinig sa radyo.

"Talaga pare?!Sino naman kaya ang pumatay?* tsk..tsk *" ang sabi naman ni SPO1 Geejay Tumaca habang umiinom ng mainit na kape.

*Wiwiwiwiwiwiwiw (Police Car Tune)*

"Pare,mukhang may bago nanaman tayong kasong aasikasuhin ah." sambit ni SPO1 Christian.

Mula sa kotse ay bumaba na si Mr. Marcelo habang nakaposas ang kanyang mga kamay at ipinunta sa Police Station.

"Makapangyarihan ako!!!"ang sigaw ni Mr. Marcelo

Sumunod namang dumating si Michaella.

At tila naglalagablab ang tingin ni Mr. Marcelo sa kanya.

"Patay ka na!Nakita ko,patay ka na!!" ang sigaw niya kay Michaella

Mula rito ay magkakatapat na sila sa Police office kasama ang mga pulis.

"Akala mo lang yun Sir,at ngayong buhay ako,ito na ang tamang oras para mapabagsak ko kayo."

"Wala kang ebidensya!Wala!"

"Meron!!Ako ang saksi!"ang sigaw ni Michaella

"Saksi?Saan?Tingin mo paniniwalaan ka nila?Wala kang sapat na ebidensya."Ang sabi ni Mr. Marcelo

"Ako!Saksi rin ako!!"ang sigaw ng isang sugatang si..
-

-

-

...Yaya...

*Radio tune*

"You were just a dream that I once knew.."

Biglang napatingin si SPO1 Geejay kay Yaya habang papalapit ito sa kanila.

- - -

"Teka Miss,sigurado kaba?"ang tanong ni SPO1 Christian

"Opo Ser!Kitang kita ng mga mata ko,rinig na rinig ng mga tenga ko ang mga nangyari sa bahay." palaban na sambit ni yaya

"Maglilinis na sana ako sa bodega pero nakita ko sina Mr. Marcelo at Madam Michaella don mukhang may masinsinang usapan,aalis na sana ako subalit sa di ko po sinasadyang pagkakataon,narinig ko ang pinaguusapan nila,dahilan upang mapatigil ako.Alam na alam po pala ni Sir na si Sir Mark Kenneth pala ang pumatay kay Madam Elizabeth,pero ayaw niya lang itong malaman ng iba.Pinapakiusapan niya si Madam Michaella na huwag sabihin sa iba,subalit hindi po sumangayon si Madam.Kaya dahil narin po siguro sa galit ay tinutukan niya ng baril si Madam Michaella.Lumaban po Si madam kaya lang naunahan siya ni Sir hanggang sa napalo ni sir si Michaella sa ulo dahilan upang mawalan siya ng malay.Gustong-gusto ko pong tulungan si madam,kaya lang baka po mahuli ako ni sir,kaya nagtago muna ako sa kwarto ko.Gusto ko na rin pong umalis at magsumbong sa mga pulis pero,gusto ko pong protektahan ang pamilya ko.....Hanggang sa sumapit na po ang gabi,habang nanonood ako ng "Forevermore",sa di inaasahang pagkakataon ay pumasok po si Sir Mark sa kwarto ko ng padabog at bigla akong tinutukan at pinaputukan ng baril..."

"Wait lang...Hindi kaba matahimik o makatawid sa kabilang buhay dahil ikaw ang isa sa mga saksi?Teka....Multo ka ba HAH?!"takot na takot na sambit ni SPO1 Christian.

Agad namang binatukan ni SPO1 Geejay si SPO1 Christian.

"Hindi po noh Sir!!Akala lang po siguro ni Sir Kenneth noon ay napatay niya ako.Pero mga Sir,hinang-hina na rin po talaga ako dahil sa tama ko.."

"Mukha malala nga ata ang tama mo,sige teka lang,tatawag kami ng Medics,Saglit lang.."

"Sige po.Pero teka.....Madam Michaella,Tutulungan ko na po sana kayo kanina kaya lang wala na po kayo don,pero pansin kong may malalim-lalim na hukay sa tabi na wala naman noon.Pero okay lang po ba kayo?Sino po ang nagligtas at tumulong sa inyo?"

Biglang napaisip si Michaella.

Agad rin namang may dumating na ambulansya.

Tinulungan ni SPO1 Geejay si Yaya sa paglalakad.

"Salamat Geejay,este Sir pala."

"Hehe.Hindi,okay lang,sige pagaling ka ah."

"Sige,Salamat."

Itinakbo na si Yaya sa hospital.

Nang pabalik na si SPO1 Geejay,bigla niyang napansing wala na ang isang babae kanina na tumayo bilang isang witness,si Michaella.

"Pare,asan yung babae kanina?

"May importante raw siyang pupuntahan,sabi ko ngang mamaya na eh,pero ayaw niya,hanggang ayun,umalis na kaagad."

- - - - - -

2:50 am

Michaella's POV

Masakit parin ang mga sugat,sugat sa aking mga katawan,mas lalo na ang sugat sa aking puso..

Naglalakad ako ngayon,naglalakad papunta sa malayong lugar,lugar kung saan pupuntahan ko ang taong tumulong sa akin.

Hindi ko man lang siya napasalamatan sa pagliligtas niya sa akin.

Niligtas niya ako,kahit hindi ko yun nagawa dati.

Buti nalang mali ang barkada,ang mga pulis.

Pati ako nagkamali..

Nakikita ko na siya.

Suot-suot niya ang hood na regalo sa kaniya ng Daddy niya.

Nakatakip yung mukha niya sa malalim na liwanag ng buwan.

"Anong nangyari sa kanya?"agad niyang tanong habang papalapit sa akin.

"Hindi na siya mahalaga..Ang importante nagawa ko yung dapat-napatay ko na si Mark."

Natahimik siya.Ganyan talaga siya kung nabibigla..

Sabi rin niya...

"Ganyan ka naman eh.Hindi mo ako naiintindihan ."

Isip bata talaga siya..

Habang papaluha na siya,yinakap ko siya sabay sabi...

"Wala na siya.Sorry.Wala na si Jeff, Elizabeth."

- - - - - -

*AUTHOR'S NOTE *

Thank You po sa lahat ng nagbasa :)

MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon