TRIXIE'S POV.
Nang pumasok ako ng kotse. Ibang aura agad ang naramdaman ko. Tahimik si kuya at seryoso siyang nagdadrive. Si Troy naman ay tulog na dahil ata sa pagod.
Napansin kong malapit na kami sa mansion namin. Bigla na lang ako nakaramdam ng bilis ng tibok ng puso. Napapikit ako sa sobrang takot.
Tumigil ang kotse at naramdaman ko na kinuha ni kuya si Troy. Idinilat ko ang mata ko at agad-agad akong dumiretso sa bahay. Iginala ko ang paningin ko. At doon ko ko nakita si Daddy. Nakatayo siya at pinagmamasdan ang buong bahay. Nakita niya ko at sinenyasan na lumapit sa kanya.
"Dad, I'm so sorry" nakatungo kong sabi habang palapit sa kinatatayuan niya. Bawat hakbang ko, sobrang bilis ng puso ko. Para bang ito na yung araw ng pagbibitay sa'kin.
"Dad, I'm really really sorry" hindi ko na namalayan na sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko. Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa niya sa akin.
*pak*
"How many times do I need to tell you!? I told you a million times already na hindi mo dapat inilalabas si Troy. But what did you do? You're a BIG DISAPPOINTMENT TRIXIE! You can leave this house. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Troy. Kasalanan mo 'to. Are you happy? Naging miserable ang buhay niya dahil sa ginawa mo!"
Patuloy niyang ipinapamukha sa'kin ang kasalanang hindi ko naman sinasadya.
ANG KASALANANG HABANG-BUHAY na lang ipapaalala sa'kin.
Wala na kong nagawa kundi tumayo. Umiyak. I know its all my fault. But to receive this kind of treatment? Wow!
Itinungo ko ang mata ko sa direksyon ni Dad. I saw him, na papasok na ng pinto. And for the last time, nilingon niya ko.
"I hate the world for giving me a daughter like you!"
Pumasok na siya at isinarado ng malakas ang pinto.
Agad-agad kong inayos ang sarili ko. Dali-daling pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang lahat ng damit ko. Ni-isa, sinigurado kong walang matitira. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na.
Nang pababa na ko ng hagdan naalala ko lahat ng nangyari noong araw na iyon.
Ang dahilan kung bakit naging ganyan si Troy.
*flash back
"Good morning mom. Good morning dad. And good morning to you baby Troy" bati ko sa kanila kasabay nun ang pagyakap ko kay Troy.
Pagkaupo ko sa upuan at ng makita ang nakahandang pagkain na sunnyside up, fried rice, bacon at hot choco, naramdaman kong kumulog ang tiyan ko.
"Trixie, may urgent meeting kami ng daddy mo kaya ikaw na lang ang kumuha ng card ni Troy" nagmamadaling sabi ni mommy habang kinukuha ang bag niya.
"Troy baby! Hindi na ko masusurprise sa grades mo. That's why I'm so proud of you" sabi ni daddy habang ngiting-ngiting nakatingin kay Troy. Nahurt tuloy ako. Kailan kaya ako maipagmamalaki ng magulang ko? Feeling ko kasi lagi nalang pagkakamali ko ang nakikita nila. Kailan kaya ako magiging tama sa paningin nila?
Napangiti na lang ako kasi nakita ko hinug nila si Troy. At nilampasan lang nila ako. Agad akong tumayo para kuhanin ang gamit ko at samahan si Troy na kunin ang card niya.
"Tara na ate? I'm so excited to show you the fruit of my hard work"
"Fruit of your hard work? What do you mean?" Naguguluhan kong tanong sa kanya
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Rival...
Teen FictionIt was too hard to live in a life that was full of hatreds and anger. Hindi mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan. Because you spent all your time hating the person that was once betrayed you. Forgive? Too hard. Forget? I can't. Because of that on...