Twinkle's POV
"Diba si Trixie yon?" tanong ni Miracle.
Nandito kami ngayon sa isang book caffe para mag relax dahil sa sobrang daming homeworks na naghihintay.
"Yes! Nako fressy magtago ka na! Baka sugurin ka pa niya!"
Nakatulala lang si Miracle habang sinasabi ko yon.
"Tinawag niya bang kuya yung lalaking kasama niya?" tanong niya.
"Oo, kuya niya siguro yun"
Miya-miya, dumating si Sean. At dumaretso sa pwesto nila Trixie. Gusto ko sana siyang tawagin kaya lang baka magalit si Fressy.
"Let's go! I don't wanna stay here"
Hinablot niya yung bag niya. Anong meron? Kanina lang mahihimatay na siya sa kakatawa tas ngayon parang siya naman yung makakapatay?
Sumunod naman agad ako sa kanya.
"Aisht! Fressy naman! Nagseselos ka ba? Diba sabi ko sa'yo hindi sila at walang sila"
Patuloy padin siya sa paglalakad.
"Miracle naman! Huwag kang masyadong high blood diyan! Nakakainis na kaya!" Inis kong sabi.
"Yung kinukwento ko sa'yong lalaki na minahal ko, siya 'yon. Yung kapatid ni Trixie"
"Seryoso ka? Gosh."
"Kaya tara na. Umuwi na tayo"
--------*Miracle's POV.
Nasa loob na ko ng kwarto nang mareceived ko ang text ni Sean. Gusto niyang makipag kita ngayong malalim ang gabi. Hindi naman ako makakatanggi bukod don, gusto ko rin ng kausap.
Napag desisyunan naming magkita sa Karoline Island. Kung saan tahimik, tanging alon lang ng tubig ang maririnig mo. At isa pa na curious din ako sa importanteng ipagtatapat niya.
Natatanaw ko na siya na ngayo'y pinagmamasdan ang nagaapoy na mga kahoy. Nakaupo siya na mukhang malalim ang iniisip.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya.
"Ano yung sasabihin mo?" Daretso kong tanong.
Hindi siya sumagot. Tinignan ko siya at nakita ko ang mga luhang hindi ko inaasahan.
Ayokong makakita ng lalaking umiiyak. Nadudurog ang puso ko.
"Life is so unfair. But we have to deal with it" I said.
"Tungkol kay...." Huminto siya sa pagsasalita.
"Tungkol kanino?"
Hindi na niya ko sinagot. Tumingin siya sa'kin kaya napatingin din ako sa kanya. Nagukat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ko at ramdam ko ang init ng katawan niya. Ang lungkot na nananalaytay sa kanya.
"I know this isn't the perfect time to say everything. But I'm lost. I don't know what would be the right thing to do"
"Ssshh. Iiyak mo lang yan. Kahit ako, hindi ko rin alam kung ano ba yung tamang gawin"
Nakayakap parin siya sa'kin at ilang minuto na nag daan. Ibang saya yung naramdaman ko sa pagkakataong 'to. Masaya ako tuwing nakikita, nakakausap, at nakakasama siya. Hindi ko alam pero gusto ko ang pakiramdam na 'to.
-----*
"Fressy, tingin mo ba gusto niya rin ako?"
Hindi ako magkandaugaga sa dami ng mga homeworks na gagawin. Graduating na kasi kaya ganito. Haist! Ilang oras na kong nasa harapan ng laptop ko pero hindi ko parin makita ang sinesearch ko. Isa pa sa bumabagabag sa isip ko si Sean at si
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Rival...
Teen FictionIt was too hard to live in a life that was full of hatreds and anger. Hindi mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan. Because you spent all your time hating the person that was once betrayed you. Forgive? Too hard. Forget? I can't. Because of that on...