SP-CHAPTER 1

7.3K 48 1
                                    

"Sir magandang gabi po"

bati ng isang pulis saakin habang ako ay nakasakay sa aking motor, kinabahan ako kasi unang-una wala akong dalang helmet gabi naman na ng mga sandaling iyon kaya malakas ang loob ko na walang sita.

"Magandang gabi din po" sagot ko dito

"Ah sir lisensya po at rehistro ng motor" sabi ng pulis

Bumaba ako sa motor at binuksan ang compartment ng aking motor kinuh ko agad ang mga dokumento na hiningi ng pulis

"Salamat sir  pero sir wala po kayo helmet sir, mag-issue po ako ng ticket sa inyo i-hold ko nadin muna ito lisensya nyo sa presinto nyo nalang po kuhanin pag nabayaran na ang multa" sabi ng pulis

"Ayos lang po" munting tugon ko

"Palagpasin ko na sana kayo sir kaso anjan si Hepe hehe. Sabay turo sa isang lalaki na nakatayo malapit sa mobile"

Isang pamilyar na muka ang nakita ko , hindi ako maaring magkamali nagkita na kami

Hindi ko nadin masyado inalala pa kung saan ko nakita ang pulis na iyon dahil kaylangan ko nang umalis dahil baka masaran nanaman ako ng Dorm na tinutuluyan ko dito sa maynila

Andito kasi ako ngayon dahil sa nature ng trabaho ko pero laking probinsya ako at doon ko pinipiling umuwi tuwing hindi busy okaya naman ay may long weekends.

Maaga ako nagising ngayon kahit wala naman ako pasok dahil balak ko umuwi muna sa probinsya kahit dalawang araw lang, pero kaylangan ko muna dumaan sa City Hall at sa station para tubusin ang aking drivers license.

Mag-aalas nuwebe ng umaga ng marating ko ang hall pumila ako sa mga nagbabayad ng violation tickets hindi lang pala ako ang pasaway ng gabing iyon napakarami pala namin medyo natawa ako habang naghihintay sa pila, mga 30 minuto ang nakalipas ng sawakas ay ako na ang magbabayad

"Tickets" sabi ng kahera

Binigay ko ito at nakita kong tumingin ito saakin

"Bayad na yan sabay sabi Next"

Ako naman na hindi makapaniwala sa sinabi niya

"Ah ate excuse lang hindi pa po ako nagbabayad" sabi ko

"Iho bayad na nga yan may nagbayad dito ang mabuti pa kuhanin mo na ang lisensya mo sa istasyon" masungit na pagkasabi nito

Nagtataka man kung sino ang nagbayad ay tumuloy parin ako sa istasyon ng pulis pagdating ko ay agad akong nagtanong sa front-desk

"Magandang umaga po saan po kinukuha ang nga na kuhang lisensya?" Tanong ko

"Bayad na po ba sir?" Tanong naman ulit ng babae na naka duty

"Opo daw sabi ng kahera sa munisipyo"

"Pangalan po" tanong niya

"Juztine Crz" Sabi ko

"Sir nasa taas po nakay chief po dun nyo po makukuha ang lisenaya nyo" sabi ng babae sabay tawag nito sa isa pang naka duty

"Buddy akyat mo si sir kay chief"

"Copy" sagot naman ng isang lalaking lespu

Nagtataka man ako ay sumama ako papunta sa hepe nila, kumatok muna ang lespu at doon ay pumasok ito, naiwan muna ako sa labas

Ilang minuto ang lumipas ya lumabas ang lespu na may kasama nang dalawa pang lespu at sinabihan ako na pumasok na.

Pumasok nga ako at magalang na bumati
Pero muntik nang malaglaga ang panga ko ng makita sa malapitan ang hepe nila tila isang artista sa kagwapuhan matangos ang ilong lalaking-lalaki ang mula malinis , walang bigote at maputi

"Ayos ka lang" tanong niya

Utal-utal man ay sumagot parin ako, pianupo niya ako at inalok pa ng inumin.

"Salamat po" sagot ko

"Ah sir ung lisensya ko po" hirit ko dito

"Ah eto oh" sabay abot niya saakin

"Salamat po" sagot ko tatayo na sana ako ng magsalita ito

"Saan ka pupunta Tine?

Ako na nagtataka dahil mulang pamilyar ang pagkatawag niya saakin, siya sin ung kagabi na mukang pamilya na muka

"Hindi mo naba ako naaalala?" Muling tanong niya

"Teka sir nagkita na po ba tayo?" Balik na tanong ko

"Haha sabi ko na nga ba hindi mo ko naaalala sa cadete ceremony Baguio City"
Sabi niya

Napatayo pako ng bangitin niya ang Ceremony sa Baguio"

MARKUZ ?  Malakas na pagkasabi ko

Sir yes Sir! Sagot niya

SA PILING NI MAMANG PULISWhere stories live. Discover now