Hindi ko makakalimutan ang araw nang una naming pagkikita ni Markuz.
5yrs ago nasa Baguio ako para mag bakasyon nasakto naman na may ganap sa isang sikat na lugar doon pero pili lang ang nakakapasok at pansin ko na isang Naka uniporme at isang kasama lang nila ang maaring maka pasok.
Kontento na sana ako na sa screen manonood pero may isang naka uniporme na nasa aking likuran ang narinig ko may kausap sa phone at tila nag aaway sila nito dahil hindi siya masasamahan.
"Okay sige ako nalang mag isa aatend dito"
Ang mga katagang narinig ko bago tuluyan niyang tapusin ang tawag
Hindi ko namalayan na nakaharap pala ako sa kanya kaya naman nagulat ako nung magsalita ito.
"Anong tinitingin mo?" Tanong niya
"Ahh sorry" sabi ko sabay talikod sa kanya
Pero bigla ako nito tinanong
"Gusto mo ba manuod sa loob?"
Ako naman ay biglang napaharap sa kanya na may ngiti
"OO OO!" Sabi ko
At doon nga ay bigla nalang niya ako hinawakan sa kamay at sabay kami naglakad patungo sa entrace gate.
"Goodmorning sir" Bati ng mga nasa entrace
"Relatioship to the Companion sir?" Tanong nung isang babae na nasa Computer.
"Brother ko sya" Ang sagot niya
Agad naman kami pumasok at naupo sa naka assign na upuan para sa amin.
Nanuod lang talaga ako dahil sobrang ganda ng presentation hindi ko siya pinansin dahil una nahihiya ako sa kanya at mukang wala sya sa mood kausap. Hanggang sa natapos na nga ang palabas tumingin ako sa kanya sabay sabi"Salamat sir"
"Okay" maikling tugon niya
"Aalis na ako sir baka may gagawin kapa" ang nasabi ko
Pero nagulat ako sa susunod niyang tanong
"Gusto mo ba kumain muna?"
"Ha?" Ako na medyo nabigla.
"Sabi ko gusto mo ba kumain"
"Okay" maikling tugon ko
Mabilis namin nilisan ang lugar at pumunta sa kanyang sasakyan hindi parin kami nag-iimikan ng mga oras na yoon.
Pero ang buong akala ko talaga sa mga sikat na kainan kami kakain pero laking gulat ko nung huminto kami sa isang condo building at nung nakarating na kami sa parking ay dito na sya nag salita.
"Sure ako madaming tao sa mga kainan ngayon kaya dito nalang tayo sa unit ko ipagluluto nalang kita"
"Ayos lang sir mas okay pa nga yan" sabi ko
Tumango lang ito.
Pag pasok namin sa unit niya ay naupo ako sa sala binuksan niya ang TV bago nag paalam na magluluto muna.
Sa totoo lang hindi ko alam bakit ako sumama sa kanya eh hindi ko naman siya kilala siguro dahil alam ko pulis siya kaya tiwala ako sa kanya at isa pa ayoko maging plastic sa inyo gwapo siya sobra.Lumipas ang 30-minuto at tinawag na nga niya ako para kumain, pumunta naman ako at laking gulat ko dahil andami niyang niluto.
"Bakit andami?" Tanong ko
"Ayaw mo ba?" Tanong niya
"Gusto" sagot ko
"Un naman pala maupo kana at kumain na tayo" sagot niya
Naupo ako at sinumulan namin kumain dito nako nag kalakas ng loob na tanungin siya
"Anong pangalan mo" Tanong ko
"Markuz kai Delcarmen "Mark nalang" ang sabi niya kasunod ng pagtanong din niya sa pangalan ko
"Justine Crz "Tine" nalang " sagot ko
At dito ay mas marami pa ako naitanong sa kanya very open naman ito sa pagsagot kahit very personal na tanong.
Dito ko nga nalaman na isa pala siyang opisyal at yung ceremony kanina ay ang kaniyang Graduation sa training. Nalaman ko din na May Girlfriend ito at siya dapat ang kasama niya kanina pero busy daw sa trabaho.
At sa haba nga nang aming kwentuhan ay inabot nako ng gabi sa condo nya." Mark mauuna na ako 10 na pala ng Gabi" paalam ko
" Saan kaba nag i-stay dito" Tanong niya
"Actully andito lang ako para mag unwind medyo toxic sa work, nasa isang transent house lang ako malapit sa S.Road" sagot ko
"Dito kana matulog ngayon" ang bigla sabi ni Mark
"Ahh hindi na uuwi nalang ako mag Grab nalang ako para hindi kana maabala " sagot ko
"Huwag na Dito na! huwag kanang makulit lubusin mo na ung pagsama mo sa special day ko" ang sabi ni Markuz sabay hawak nito sa kamay ko at tingin saaking mga mata
Well naawa ako sa kanya at special day naman niya kaya wala na ako nagawa kundi mag stay.
Nilabas niya ang pares ng damit at shorts ganun din ang twalya naghilamos ako at pagkatapos ay lumabas nadin ako sa CR alam ko kasi na gagamit din siya.
Naupo ako sa sofa bed malapit sa kama niya dahil one bedroom lang ang unit niya alam k na sa sofa ako ngayon gabi
Paglabas niya shet muntik nang malaglag ang puso ko dahil naka boxer lang ito at sando.
"Bakit may problema ba?" Ang tanong ni Mark sa akin
Hindi ko kasi napansin na nakatitig lang pala ako sa kanya.
"Ahh ehh wala naman cgue matulog na tayo" sabay higa ko sa sofa
"Hoyy anong ginagawa mo bakit ka dyan humiga doon ka sa kama kasama ko" ang sabi niya saakin
"Ayos lang ako dito malikot ako matulog baka maistorbo kita" Sagot ko naman
"Ayos lang kahit gano kapa kalikot basta doon ka sa bed ko" sagot niya
Sh**t! Kinilig ako doon , pero sympre alam ko na straight si sir kaya hindi ako nag overthink.
Nahiga nga ako sa bed katabi siya pinatay na niya ang ilaw at nag good night naman ako sa kanya ganun din siya saakin
Tahimik lang ang mga sumunod na sandali pero kahit ano gawin ko hindi ako makatulog. Nagulat nalang ako nang magsalita ito
"Hindi ka makatulog Tine?" Tanong ni Mark
Humarap ako sa kanya at laking gulat ko na nakaharap din pala ito saakin anlapit ng aming mga muka ramdam ko bawat hininga niya
"Pano mo nalaman na gising pa ako" tanong ko dito
"Alam ko ramdam ko at kanina pa kita pinagmamasdan" sagot niya
"Bakit? At bakit gising ka pa?" Tanong ko
"Iniisip kita" ang sagot niya sabay mabilis na angkin nito sa aking mga labi
Para akong nakuryente sa kaniyang ginawa at tila sasabog ang aking puso at isipan hindi ko alam kung tutugon ba ako sa mga halik niya o itutulak ko siya palayo.
(ITUTULOY)
YOU ARE READING
SA PILING NI MAMANG PULIS
RomanceDisclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to...