epilogue.
Crush ka na ba ni Kyungsoo?
"Bo! Bilisan mo naman at baka mainip pa si Kyung sa iyo!" sabi nina Chanyeol at Baekhyun habang madaling-madali na iniintay ka.
"Teka lang naman, normal lang naman na ma-late ang babae di ba?!" reklamo mo naman habang nagmamadali kang nagsuot ng sapatos.
Nung natapos ka na ay agad ka ng lumabas ng bahay at sumakay ka na sa sasakyan na dala nung dalawa. Excited ka ngayon, dalawang linggo kasi matapos umamin sa iyo ni Kyungsoo ay niyaya ka na rin niyang mag-date! Sa wakas!
Sa totoo lang, kinontrata mo pa talaga siya. Yayayain ka niyang mag-date kapag naka-ninety ka na average sa long test niyo sa math, at dahil nga desperate ka na ay nakuha mong mag-review ng matagalan para lang doon. Kasama mo pa nga rin si Kyungsoo na mag-review eh, at sa kabutihang palad ay mataas nga ang nakuha mo. In fact magkasunod nga lang kayo ni Kyungsoo ng score eh. Lamang lang siya ng isang problem.
Kahit naman excited ka ngayon ay medyo may tampo ka naman kay Kyungsoo. Paano ba naman kasi, papakiligin ka na liligawan ka na daw niya tapos nung sumunod na araw ay parang nabalik sa normal ang lahat?! Eh mas mahal pa kasi ni Kyungsoo ang grades niya kaysa sa iyo eh. Minsan tuloy nakakalimutan mo na nililigawan ka nga pala.
Kyungsoo's POV
Ang tagal naman ni Bo. Late na siya ng two minutes, at after fifteen seconds ay magiging three na iyon. Unang date pa naman namin ito.
"Oy Soo, gutom na kami. Ang tagal naman nung girlfriend mo" reklamo nila Xiumin hyung.
Teka—eh sino ba nang-imbita sa mga ito? Pagkakaalam ko date namin ito ni Bo, kaya bakit pati sila nandito sa meeting place namin? Lahat sila ay nandito maliban kila Chanyeol at Baek eh, tiyak kasama ni Bo yung dalawang yun.
"Una sa lahat, di ko pa girlfriend si Bo. At pangalawa, bakit ba nandito kayo ha?" tanong ko sa kanila.
"Magiging girlfriend mo rin naman mamaya si Bo eh, di ba sabi mo tatanungin mo na siya?" ngumisi naman itong si Jongin sa akin. Bwisit eto eh, napakadaldal. Akala ko mapagkakatiwalaan eh mukhang mas ayos pa na kay Lay hyung ako magsabi eh, para nakakalimutan.
Pero syempre malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Jongin dahil malaki yung naitulong niya para mapaamin ako. Syempre may mga panahon na parang gusto ko na lang siyang sapakin dahil ang lakas niyang landiin si Bo, tapos si Bo naman nagpapalandi kaya ayun. Pero ayos naman na ang lahat ngayon.
Tutal tama naman nga yung sinabi ni Jongin... mamaya ko na tatanungin si Bo kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend.
Alam kong hindi ako naging magaling na manliligaw pero gagawin ko ang best ko para maging the best na boyfriend para sa kanya.
Deserve yun ni Bo, dahil alam ko rin yung mga dinanas niya para sa akin. Alam kong gumigising siya ng madaling araw o kaya naman ay matutulog ng late para lang makapagluto siya ng ibibigay niya sa akin. Alam kong mahirap gumastos para doon sa lahat ng pina-print niyang pictures ko. Alam kong sinuhulan niya yung ilang kabarkada ko (si Baek at Chen lang talaga) para lang mapasahan siya ng mga selca ko na hindi ko pa rin alam kung paano nila nakukuha.
BINABASA MO ANG
Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)
FanfictionMga Dahilan Kung Bakit Di ka Crush ni Kyungsoo... 1. Turn off para sa kanya ang babaeng nagmumura. 2. Masyado kang maingay para sa kanya. 3. Top student siya, ikaw ay hindi. 4. Green-minded ka daw. 5. Pati mga kaibigan niya pinagnanasahan mo rin. 6...