chapter eight.
Inggit ka pre
Hindi mo alam kung maniniwala ka sa sinasabi ni Baekhyun. Hindi mo rin alam kung ano ang una mong paiiralin. Kilig ba o inis? Napagdesisyunan mo na lang na unahin ang inis.
Tumayo ka saka mo piningot ang tenga ni Baekhyun. "Putek, tinawag mo akong hoe?! Anong klase na bro code yan na hinalintulad niyo sa hoe ang babae?!" naiirita mong sinabi.
Tinapik naman ni Baekhyun palayo yung kamay mo saka ka ginantihan ng hampas sa braso. "Di naman yun literal eh" reklamo niya. "At takte mas importante pa ba yun eh kakabanggit ko lang na posibleng may gusto sayo si Kyung?!" tanong naman niya.
Napatigil ka naman ng sandali saka ka ngumiti ng malapad. "Tangina! Oo nga pala! Sheeeet! SooBo is real!" sigaw mo habang humawak ka sa braso ni Baekhyun saka mo siya tinulak tulak.
"Luka luka sabi ko posible at hindi pa yun sure" nakangiti niyang sinabi.
"Kahit na! Mygash kinikilig pa rin ako!" halos masakal mo na sa sobrang kilig etong si Baekhyun na medyo natutuwa naman para sa iyo. After all, dakilang fanboy yan ng SooBo eh.
"Wag kang malandi, nahihilo na ako" reklamo naman ni Baekhyun habang tinulak ka niya.
Ngiting-ngiti ka pa rin hanggang ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin? Kaso nga lang di pa rin mawala sa isip mo yang Bro Code na yan. Di rin naman pwede na lapitan mo na lang si Kai saka mo siya sabihan na wala siyang pag-asa sayo kasi technically may gusto ka rin naman kay Kai ang kaso, ibang lebel nga yung kay Kyungsoo kumbaga.
"Ano na gagawin mo?" tanong naman bigla ni Baekhyun sa iyo.
Napaisip ka ng sandali. Ano nga ba ang gagawin mo? "Di pa rin naman ako sure kay Kyungie eh. For now siguro di muna ako aasa. Baka pampagulo niya lang yang bro code na iyan. Back to normal na muna siguro" kahit na ba medyo labag sa kalooban mo ay wala ka naman rin na magagawa. Pero syempre sa tuwing maalala mo na nasa wallet ni Kyungsoo yung picture mo ay di mo pa rin maiwasan na ngumiti.
"Bo babes!!!" napalingon ka at agad mong inirapan ang tumawag sa iyo. Nandito na si abs—este Kai.
"Pakyu" sagot mo sa kanya at ngumisi lang siya saka niya ginulo yung buhok mo.
Tumawa si Kai. "Love you too" pinakyu sign mo lang siya kasi umagang-umaga ay mang-iinis na naman. Eto ang lalaking hindi marunong mailang at hindi nahihiyang ipahiwatig ang kalandian niya.
"Wala akong pagkain, lumayo ka sa akin" pang-iinis mo.
Kinurot naman niya yung dalawang pisngi mo. "Pasalamat ka talaga at good mood ako pagdating sayo" sabi niya at binelatan mo naman siya.
"Ah... iwanan ko na ba kayo?" tanong ni Baekhyun na mukhang hindi na komportableng kasama kayo.
"Iwanan mo muna kami Baek. Ayokong magkaroon ng witness habang pinapatay ko etong lalaking ito" sabi mo sa kanya.
Lumapit muna si Baekhyun sayo. "Maya na lang" bulong niya saka siya umalis. Napatingin naman si Kai sa iyo nung makaalis na si Baekhyun.
BINABASA MO ANG
Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)
FanfictionMga Dahilan Kung Bakit Di ka Crush ni Kyungsoo... 1. Turn off para sa kanya ang babaeng nagmumura. 2. Masyado kang maingay para sa kanya. 3. Top student siya, ikaw ay hindi. 4. Green-minded ka daw. 5. Pati mga kaibigan niya pinagnanasahan mo rin. 6...