SooBo

18.1K 971 790
                                    

chapter ten.

SooBo


          "Basta ako may gusto rin ako kay Bo. Wala akong pake kung kayo pa makakalaban ko"


            "Basta ako may gusto rin ako kay Bo. Wala akong pake kung kayo pa makakalaban ko"


            "Basta ako may gusto rin ako kay Bo. Wala akong pake kung kayo pa makakalaban ko"


            Para bang ang sarap ulit-ulitin sa isipan mo nung mga huling kataga na sinabi ni Kyungsoo. Nakahawak pa rin siya sa bisig mo at kulang na lang talaga ay himatayin ka na sa tuwa.


          "Totoo ba na may gusto ka kay Bo? Baka naman nakikigaya ka lang, sorry Kyung pero mas okay kung di ka na makiuso" dagdag naman ni Luhan para lalo pang mainis si Kyungsoo.

            "Eh ano ba ang di kapani-paniwala doon? Hindi porket ako yung huling umamin eh nagloloko lang ako. Sadyang pinaninindigan ko lang yung bro code natin" Aha! Confirmed na nga! May gusto nga talaga si Kyungsoo sayo! Emegesh!

            Muling napangiti ang lahat. "Oh? Di pa rin ba kayo naniniwala? Kailangan bang makigaya ako sa inyo na dapat yakapin ko muna si Bo para maniwala kayo?" tanong ni Kyungsoo. Hiniling mo na sana ay inisin pa nila lalo si Kyungsoo para maka-score ka ulit sa kanya. "Bakit ba ganyan kayong makangiti?" napipikon na tanong ni Kyungsoo.

            Nagtawanan naman silang lahat at di mo rin maiwasan na mangiti rin. "Akala namin di ka napipikon. Si Bo lang pala ang makakapagpapikon sa iyo" natatawang sinabi ni Baekhyun.

            "Pumapag-ibig si Soo!" dagdag naman ni Tao sabay heart sign.

            "Ha?" nagtatakang tanong ni Kyungsoo.

            "Planado lang itong lahat. Di totoong may gusto kami kay Bo, ginawa lang namin yun para mapaamin ka" sabi ni Suho. Mukha namang nalilito pa rin si Kyungsoo sa mga pangyayari.

            "Halata ka naman na kasi. Dati pa lang ay alam na namin na pakipot ka lang talaga kay Bonnie kaya ayan, buti naisip ni Baekhyun etong plano" paliwanag naman ni Xiumin.

            "NAGSABWATAN KAYONG LAHAT?!" malakas na tanong ni Kyungsoo. Mukha namang nabigla silang lahat sa reaksyon ni Kyungsoo. Nagulat ka rin kasi bigla siyang tumingin sa iyo ng masama. "Kasabwat ka dito?" tanong niya.

            "Hindi ah, excuse me inosente ako. Aminado akong may angking pagnanasa ako sa inyong lahat pero di ko naman sila sasabwatin na landiin ako no!" sabi mo naman sa kanya.


          Binitawan ni Kyungsoo ang pagkakahawak niya sa iyo. "Eh mga loko pala kayo eh!" sabi niya habang isa-isang niyang binatukan ang mga kaibigan niya maliban si Kai.

            "Kyungie naman... wag ka na ngang mag-react ng ganyan. Ang importante, umamin ka na rin na gusto mo ako. Mutual feelings na oh!" sabi mo naman habang hinila mo papalayo si Kyungsoo na para bang gustong paslangin ang mga kaibigan niya.

            "Mutual ka diyan. Naiinis ako kasi napaamin ako bigla. Paano na gagawin ko ngayon? Ako lang pala bale yung di tumupad sa bro code"

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon