chapter sixBro Code
Pagsisisi. Pagkainis. Pandidiri... hindi mo alam kung ano talaga ang mararamdaman mo sa nakita mo eh. Kung di mo tinulak si Kai eh di sana hindi niya nahalikan si Kyungsoo by accident. Mas okay ng ikaw ang nahalikan sana at hindi si Kyungsoo mo! Ayan napapala mo sa pagpapakipot mo eh.
Nung nagkalayo yung dalawa ay parehas silang pahid ng pahid sa labi nila, yung iba naman pinagtatawanan lang yung dalawa except kay Sehun at Tao na mukhang nandiri sa nakita. Wow, kung mandiri akala mong di naliligo ng sabay.
"Punyeta Bo, tingnan mo nagawa mo eh!" reklamo ni Kai. "Tangina first kiss ko pa man rin yun!" napatingin ka naman kay Kyungsoo na para bang may nilalabas na masamang aura. Tulala lang siya pero ramdam mo yung galit niya. Oh shet.
"Eh di ko naman sadya eh! Ang manyak mo kasi eh!" protesta mo naman.
"Ayos lang yan, lilipas rin yan" sabi naman ni Suho habang tumatawa siya.
"Lilipas rin? Ano ba pakiramdam ng mabigay mo first kiss mo sa kapwa lalaki?!" nagulantang naman kayong lahat ng si Kyungsoo na ang nagsalita.
"Ngayon alam niyo na naramdaman ko nung hinalikan ako ni Lay hyung" dagdag naman ni Sehun habang inaalala yung traumatizing pepero kiss nila ni Lay.
"Sorry talaga" sabi mo sa kanila. "Di ko sadya, kung gusto niyong makabawi halikan niyo na lang ako parehas" sabi mo pero pinandilatan ka lang nung dalawa. Ngek, mission failed. "Eh!!! Sorry naman na kasi, di ko naman sadya eh"
"Wag nga kayong OA, para namang dangal ang nawala sa inyo" sabi naman ni Chanyeol.
"Nakakabawas sa pogi points" nanlulumo na sinabi ni Kai. Kanina lang tinatangka rin niyang halikan etong si Kyungsoo eh, ayan natotoo ang puta.
"Bati na tayo please! Ano man ang mangyari tunay na lalaki pa rin kayo sa paningin ko" sabi mo naman. Pero wala ng mas malungkot pa sa makakita ka ng dalawang lalaki na aksidenteng naibigay ang first kiss sa isa't-isa.
"Bumawi ka na lang sa kanila Bo" sabi naman bigla ni Luhan.
"Paano naman?" tanong mo.
"Kay Kai madali kang makakabawi eh, ewan ko na lang kay Kyung" sagot niya. "Isang kiss lang naman kay Kai eh okay na"
Napatingin ka naman kay Kai na ngumuso lang sayo. Puta ang dali naman palang makarecover ng lalaking eto eh. "Ayoko nga" sabi mo.
"Eh pag di mo ibibigay eh magbibigti na lang ako para sa reputasyon ko. Mas okay ng magpakamatay kaysa ang makahalik ng kapwa lalaki" puta ang daming arte ng malanding ito.
"Oo na! Pero sa pisngi lang ha?" tumango naman si Kai sabay thumbs up. Napansin mo naman na napailing na lang si Baekhyun habang nakatingin kay Kyungsoo.
"Game na Bo!" sabi ni Kai.
Nilapit mo yung labi mo sa pisngi niya pero nagulat ka ng bahagya niyang ginalaw yung mukha niya kaya naman nadampi na rin sa labi niya yung labi mo. Pero gilid lang naman, hindi full katulad nung sa kanila ni Kyung.
BINABASA MO ANG
Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)
FanfictionMga Dahilan Kung Bakit Di ka Crush ni Kyungsoo... 1. Turn off para sa kanya ang babaeng nagmumura. 2. Masyado kang maingay para sa kanya. 3. Top student siya, ikaw ay hindi. 4. Green-minded ka daw. 5. Pati mga kaibigan niya pinagnanasahan mo rin. 6...