Crush

16K 932 843
                                    

chapter four.

Crush

 

          Natahimik ka sa buong byahe papunta sa inyo dahil sa sinabi ni Kyungsoo. Para bang nawalan ka ng gana na daldalin at kulitin siya. Hindi nagtagal at nakarating na kayo sa bahay niyo.

            "A-ah... gusto mong mag-dinner na dito? Late na rin lang kasi eh" pagyaya mo.

            "Naku, hindi na. Makakaabala pa ako, at baka hinahanap na ako sa amin eh" di mo na lang siya pinilit. Sadyang di buo ang loob mo na makipagkulitan sa kanya.

            Tiningnan mo na lang siya habang papalayo na siya sa bahay niyo. "Kyungie!" sigaw mo habang hinabol mo siya. Napalingon naman siya sa iyo.

            "Bakit?" tanong niya.

            "Ingat ha? Baka ma-holdap ka o kaya naman baka masagasaan ka pa. I-promise mo na makikita pa kitang buhay bukas" sabi mo habang nilapit mo yung pinky finger mo sa kanya.

            Natawa naman siya ng mahina pero pinagdikit naman niya yung daliri niyo. "Promise ko yan sayo Bo, makikita mo pa ako bukas ng buhay" nginitian mo naman siya. "Ang cute mo talaga" parehas kayong napatigil bigla. Si Kyungsoo naman parang natauhan sa sinabi niya. Tinawag ka niyang cute!

            "Ah, sige. Alis na ako" mabilis niyang sinabi.

            "Ingat. See you. Bye. Salamat!" napakalapad ng ngiti mo habang kinakawayan mo siya.

            Nung nakasakay na siya sa tricycle ay saka ka palang pumasok na sa bahay niyo. Bawing-bawi nga naman! Kahit papaano naman ay naging masaya ka. "Mama, si ate may kalandian na pogi sa labas ng bahay" sabi ng kapatid mo pagpasok mo sa bahay. Tingnan mo nga naman etong kapatid mo, eight years old pa lang eh alam na kaagad ang term na kalandian. Tsk.

            "Bonnie, totoo ba ito? Sino yun?" tanong naman kaagad ng mama mo.

            "Wala ma, si Kyungie kasi hinatid ako" mukha namang nagulat yung dalawa sa sinabi mo. Alam nila na crush na crush mo ang lalaking yun eh.

            "Hinatid ka ni Kyungsoo? Paano naman yun nangyari?! Ginayuma mo ba?" tanong kaagad ng mama mo.

            "Gentleman lang talaga kaya hinatid ako" sagot mo naman.

            "Naku ate, nakita ko hanggang pinky swear lang kayo eh. Mahina ka, kung ako sa iyo sinunggaban ko na eh" binatukan mo naman etong kapatid mo.

            "Dun ka na nga, maharot ka!" sabi mo sa kanya pero tinawanan ka lang naman.

            Nakatulog ka ng masaya noong gabi na iyon. Ready na ready ka na para sa next day. Noong sumunod na araw ay mabilis kang nagbihis at nagpunta ka na sa school ng maaga.

            May dala ka naman kasing tarts ngayon para kay Kyungsoo. Alam mo naman kasi na hilig pumasok ng grupo nila nang maaga ng hindi man lang kumakain ng breakfast. Kumatok ka sa pinto at si Suho naman ang nagbukas nito.

           

            "Ang aga mo na naman Bo" sabi niya habang pinapasok ka.

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon