Chapter 2

10 1 0
                                    


Maya maya dumating na rin si Xyrille kaya medyo na wala ang pakainis ko at nawala na talaga ang inis ko nang may inilapag siyang fries sa harap namin at marami pang iba, pero ang fries 'yung una kong nilantakan.

"Xy mahilig ka din pala sa fries?" Tanong ko habang ngumunguya.

"Yes, paborito ko rin 'yan kapag pinarisan mo ng sundae" sagot niya at nagumpisa na ding kumain.

"Hindi ko bet pag may sundae gusto ko plain lang"

"Ano ba 'yan paborito nyo lang ang pinag uusapan nyo eh. Pwedeng paborito ko naman, parang ako lang 'yung naiiba eh" maktol ni Tiana habang tinutorture ang spaghetti sa harap niya. Kaya natawa na lang kaming dalawa ni Xy. Kawawang spaghetti.

"So saan kayo nang galing guys? I mean taga saan talaga kayo kasi napapansin ko Hindi naman kayo taga maynila." Basag si Xyrille sa katahimikan, kaya napatigil ako sa pagsubo gano'n din si Tiana.

"Gusto mo talaga malaman kung taga saan kami?" Paninigurado ni Tiana

"Yes. I'm serious. "

"Baka malaman mo lalayuan mo na kami dahil sa lugar na pinanggalingan namin" sabat ko naman.

"At maraming haka haka na marami daw na aswang sa lugar na pinanggalingan namin" sabi pa ni Tiana

"Which is not na hindi naman totoo na may aswang sa lugar namin." dugtong ko

"Mga sabi sabi lang 'yun na hindi naman totoo, mga chismosa"

"Guys straight to the point. Hindi 'yung paligoy ligoy pa kayo. So taga saan talaga kayo." Pikon na sabi ni Xy. Mukhang nainip na.

"Okay, taga Roxas City, Capiz kami" diretsong sabi ni Tiana.

Sandaling natulala si Xy, pero maya maya ngumiti na parang walang narinig o naalala sa mga sabi sabi sa lugar namin.

"So taga Roxas kayo, eh may kakilala ako do'n at hindi ako naniniwala na may maraming aswang doon at heller nakapunta na kaya ako doon no'ng vacation kasi nagplano kami na magpipinsan na magbalasyon sa hindi pa namin napupuntahan. Mahilig kaya magadventure ang mga pinsan ko hehe." Mahabang alintana niya sabay ngiti sa amin.

"So hindi ka takot saamin na galing kami sa Roxas?" Pagsisigurado ni Tiana

"No... Duhh never at alam ko namang mababait kayo and hindi kayo aswang nohhh..." Sabi ni Xy at nagsimula na ulit kumain.

"Okay sabi mo eh" sabi ni Tiana at nagsimula naring kumain kaya kumain nalang din ako ulit mahirap kayang magutom mag kakaulcer ka no'n. Namayani ulit ang katahimikan sa aming tatlo hanggang sa makatapos kami at naglakad lakad mamaya pa kasi ang next class namin eh.

"So bakit kayo dito nagtransfer sa maynila ang layo layo ng lugar nyo dito atsaka may mga school rin doon. So bakit nga ba?" Tanong ni Xy habang naglalakad kami, ako nagtitingin tingin lang alam ko namang si Tiana ang sasagot sa lahat ng katanungan ni Xyrille.

"Bakit nga ba? Sabihin nating gusto naming matupad ang pangarap namin at dito sa academy na ito ang isa sa mga pangarap namin. Dahil bukod sa sikat ito dito mo rin makikita na lahat ng tao dito ay magagaling at mahihilig sa mga musica, hindi ka naman makakapasok dito kung hindi ka magaling o marunong hindi ba?" Sagot ni Tiana sa tanong ni Xy

"Oo nga naman may point ka. So gusto nyong makapasok dito at matupad ang pangarap nyo?" Tanong nya ulit at tango lang ang naging sagot ni Tiana dito

"Auh okay"

"Kaya kahit mahirap lang kami pinagsikapan naming makapunta dito para makapag aral kahit scholars lang kami dito." Sabat ulit ni Tiana, at ako heto nakikinig lang sa kanila.

Today Was A Fairytale (Musical Series #1) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon