Chapter 1

19 2 4
                                    


"OMG!!!" Nagising ako bigla ng may narinig akong may sumigaw. Dali dali akong bumangon at lumabas ng kwarto ko para puntahan ang pinsan ko kung ano na ang nangyayari.

"Bakit?! Anong nangyari?! Napaano ka?! May magnanakaw ba?!" Tarantang tanong ko sa pinsan ko ng makarating ako sa labas ng kwarto ko.

"Ha? Wala. Hindi naman ako napaano at walang magnanakaw. Hello!... Eh wala naman tayong mamahaling gamit dito para nakawan tayo. Kapal nang mukha na siguro ang tawag do'n kung gano'n." Sabi nya sabay irap.

"Kung gano'n eh ano?" Takang tanong ko. Biglang nagiba ang emosyon niya ng magtanong ako.

"Omg!... Hulaan mo kung ano to?" Sabang pakita ng kulay blue na sobre. Nagtatakang tinigna ko siya habang siya eh ngiting ngiti ng  yung tipong mapupunit na ang bibig mo kakangiti.

"Paano ko huhulaan 'yan, eh wala nga akong ka ideya dyan sa sobre na 'yan" sabay turo sa sobreng hawak nya.

"Ay ano bayan ang slow mo talaga kahit kailan. Feel mo kanino galing itong sobre na ito na may kulay asul aber. Isipin mo nga kung saan to galing." Sabi nya na nakataas ang kilay saakin.

"Sabi ko nga wala akong ideya dyan at wala akong pakialam kung kanino galing 'yan" nakipaglabanan ako ng titig sa kanya at pinagcross ang mga braso ko.

"Ah gano'n walang pakialam pala ah, edi bahala ka sa buhay mo hindi ko nalang sasabihin sa iyo at...dito pa nakasasalalay ang kinabukasan mo. Bye..." Sabay talikod sa akin. Napakunot ang noo ko 'dito nakasalalay ang kinabukasan ko?' Nang marealize ko ang sinabi nya ay nanlaki ang mga mata ko at hinabol siya.

"Tiana sandali!!!" Habol ka sa kanya papuntang kusina.

"What my dear cousin?" Hinarap nya ako

"Dumating na ba?"

"Dumating ang alin?"

"Huwag ka ngang magmaangmaangan dyan alam mo ang tinutukoy ko"

"Ahhh.... Ewan ko" sabay talikod sa akin ulit

"Tiana naman eh" maktol ko "Huwag mo akong talikuran at huwag mo akong ma ewan ewan dyan, tadyakan kita eh" hinarap nya ako muli na may nakakalokong ngiti

"Ewan ko nga"

"Tiana isa 'wag mo akong pikunin"

"Ito naman Hindi mabiro. Joke lang hehe"

"Nasaan na? Sigurado akong iyong asul na sobre nayon ang laman ng resulta"

"Oo na po, ito na po" sabay kuha ng sobre sa bulsa nya

"Oh eto na ikaw na ang tumingin nakita ko na kanina pa ang resulta niyan" at binigay sa akin ang sobre. Dali dali kong binuksan ang sobre at binasa ang nakalagay sa papel. Nanlalaking mga mata na tinignan ko si Tiana na Hindi pa rin nawawala ang ngiti nya.

"Oh alam mo na?" Tanong niya at ako tulala pa rin at Hindi makapaniwala na nabasa.

"Hoy!!!.Tulala ka dyan" sigaw nya para bumalik ako sa huwisyo ko.

"Christiana Salcedo pasado ako, tayo!! " sigaw ko sabay yakap sa kanya

"Wow full name talaga Shanea Gallego" sabi nya at gumanti ng yakap sa akin

"Congrats sa atin"

"Congrats talaga sa atin kaya may tanong ako"

"Ano iyon?" sagot ko

"Natapos mo na ba ang kinocomposed mong kanta?"

Napangiti ako "Malapit nang matapos" at kumawala ako sa yakap naming dalawa.

Today Was A Fairytale (Musical Series #1) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon