This story is about musical, talent, dreams etc.'So ito po ang first story ko so sana magustuhan niyo and maraming wrong grammars po so pagpasensiyahan nyo na at kung gusto nyo ng perfect story 'wag na lang kayo dito kasi ang ayaw ko po sa lahat 'yong nilalait ang sarili Kong story. Okay friends lang po tayo;) <3
---------------------
-----------------------"Tiana, bilisan mo naman baka mapagtripan tayo dito"
"Oo na sandali lang magpapaalam lang ako" sabi nya at pumasok sa loob
Alam niyo kung nasaan kami? Nandito Lang naman kami sa bar, kasi sabi nya may pupuntahan lang siya na kakilala nya kaya sinamahan ko nalang, baka mapaano eh magkasama naman kami sa iisang apartment, kaya okay lang saakin. Ang babaeng 'yon ang sexy manamit.
"Oh, nandito naako. Tara na? " tanong niya kaya tumango nalang ako.
"Sino ba kasi ang pinuntahan mo sa bar nayan at tsaka bakit sa bar? Eh marami namang lugar na pwede kayong magkita" sabi ko at nag umpisa ng lumakad malapit kasi yung appartment namin dito eh kaya lakad nalang makakatipid kapa.
"Eh ewan ko do'n at nagtataka nga ako na bakit allowed yung mga batang katulad natin na pumasok do'n eh senior high pa lang tayo"
"Oo nga, baka mahuli ng mga pulis ang lugar na yan magpapasok ba naman ng mga estudyante"
"Ay ewan ko sa kanila bahala sila at tsaka kaibigan ko yun babae si Harmony 'yon kaibigan ko ipapakilala ko siya sa'yo sa susunod" sabay ngiti
"At kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan? eh kararating lang natin kahapon galing probinsya" sabi ko at tinaasan siya ng kilay
"Eh kasi po kilala ko na siya noon pa, noong kindergarden pa ako kaso lumuwas sila ng maynila ng pamilya nya kaya dito na siya nag aaral at simula noon wala na kaming koneksyon, swerte na nga lang uso 'yung Facebook kaya na add nya ako. Gets mo na? "
Magsasalita pa sana ako ng may dalawang lasing na humarang sa amin feel ko galing sila sa bar na pinanggalingan namin.
"Hi mga miss beautiful, ano ang mga pangalan niyo? "
"At bakit naman namin sasabihin sa iyo aber?" Sabi ni Tiana habang nakataas ang kilay at nakacross arm. Maldita talaga
"Bakit bawal bang magtanong?" Sabi naman no'ng kasama ng isang lasing. Ako tahimik lang, nakatingin sa kanila
"Oo bawal, umalis nga kayo sa dadaanan namin at. Ewww amoy alak kayo" sabi ni Tiana sabay takip ng ilong
"Abah! Ang yabang mo ah! Gusto mo turuan ka namin ng leksyon?! " hahawakan niya sana si Tiana ng maunahan ko siya at hinila si Tiana papuntang likod ko
"Hoy anong ginagawa mo Sha? 'Wag mong patulan pareho tayong bugbog dito mamaya, ayaw ko pang pumangit" bulong sa akin ni Tiana pero hindi ako nakinig.
"Abah....feeling superhero, ipagtanggol ba naman? Hahaha pare-pareho lang kayong mahihina kasi mga babae lang kayo, mahihina hahahaha diba pre" sabay tawa nilang dalawa, inuubos talaga ng mga ito ang pasensya ko
"Ano? Hindi ka magsasalita? Gusto nyo dalhin ko kayo sa langit eh..hahahaha" susutukin ko sana sya kaso may biglang sumigaw kaya napatingin kaming lahat sa direksiyon nya
"Hoy! Anong ginagawa nyo? Kayo na naman? Tsk, pati babae pinapatulan nyo, ang babakla nyo" mukhang nagulat ang dalawa at nakita kong namutla sila ng makita ang lalaking sumulpot na lang kung saan.
"Ah wala nag uusap lang kami Russell" sabi no'ng isa habang namumutla padin. Bakit sila natatakot? Eh ang gwapo kaya ng lalaking 'to.
"Nag uusap? Ang sabihin nyo nanakot na naman kayo!! Hindi nyo ako mauuto sa mga palusot nyo! Alis!! Tadyakan ko kayo dyan eh.." Sabi no'ng lalaki at umambang tatadyakan sila kaso tumakbo na sila
Tatawa tawa siyang bumaling saamin "Ayos lang kayo? Pasensya na kayo gano'n ang mga yun sa mga taong bago sa paningin nila lagi kasi silang nandito kaya kilala nila ang mga pumupunta dito at tinatakot nila ang mga bagohan" sabi nya at ngumiti ng matamis.
"Ay okay lang kami, salamat na din" sabi ko at ngumiti nadin
"Dami mong sinabi" bulong ni Tiana sa gilid ko kaya siniko ko siya at pinandilatan pero umirap lang siya.
"Wala yun, wala naman akong nagawa tinakot ko lang at tsaka gano'n ang mga gwapo ipinagtatanggol ang mga magagandang binibini sa mga panget hahaha"
'Hay salamat hindi niya narinig '
"Auh basta salamat na lang"
"Mmm.... Okay, bay the way I'm Russell Formosa" sabay lahat ng kamay
"Shanea" at nakipagkamay
"And you are?" Sabay tungin kay Tiana
"Bakit ko naman sasabihin?" Sabay taas ng kilay
"Ay ang taray, niligtas ko na nga kayo eh" sabay ngisi ng nakakaloko sa pinsan ko
"Hindi ko naman sinabing kailangan ko ng tulong mo"
"Dude! Anong nangyayari?" May biglang sumulpot na isang lalaki na mas matangkad pa kay Russell.
"Dude tintarayan ako eh niligtas ko na nga sila ng kasama niya"
"Tsk ayan ka na naman, babae na lang ang nasa utak mo"
"Hoy hindi na auh grabi ka sa Akin, hindi na ngayon"
"Kailan pa? Kapag tumanda kana? Tsk"
"Hindi, no'ng nakita ko siya ngayon, feeling ko nagbago na ang pananaw ko sa buhay" sabay kindat kay Tiana.
"Ewww ayaw ko sa iyo, I know na babaero ka at ayaw ko ng gano'n"
"Oh kita mo na pre ayaw sa iyo" sabi ng kasama ni Russell
"Oy hindi auh good boy kaya ako" sabi ni Russell
"Hep hep hep!!" Agaw pansin ko sa kanila kaya napatingin sila pati na din iyong lalaki "Excuse lang po mister hindi porket niligtas mo kami ay popormahan mo na pinsan ko? No hindi pwede at mukhang babaero ka naman at iyang kasama mo" sabay turo sa kasama niya
"Grabi naman 'to, hindi na ngayon at teka. Hahahaha. Dude babaero ka daw? Hahaha babaero sa instrumento. Music na yata syota mo eh" sabay tawa uli kaya nagtatakang tingnan ko sila
"Excuse me miss whoever you are, hindi ako babaero katulad ng kaibigan ko at tsaka bago kang manghusga kilalanin mo muna ako" sabi niya at matiim na nakatingin sa kanya
Napatahimk ako sa sinabi nya kaya ang sinabi ko na lang sa kanya ay "Pake mo!!! Tseee!!" Sabay hila kay Tiana at naririnig ko Pa ang pagtawa ng Russell na iyon. Nakakainis.
"Oh ano yun Sha natameme hahahaha" pang iinis ng pinsan ko.
"Shut up! " pero ang gaga tawa pa din nga tawa. Bagay silang itali ni Russell pareho silang baliw. Bwisit na lalaking iyun, ipahiya ba naman ako sa harap ng Russell na iyon at ni Tiana. Humada siya sakin pagnagkita kami ulit at 'wag siya magpapakita dahil babalian ko sya ng buto iniinis nya tlaga ako arghhh!!!
---------------------------------------
-----------------------------------------------A/N: hi guys sorry at marami wrong grammars kasi nga unang story ko po ito and this story is about musical so marami kayong mababasang lyrics ng kanta na kinakanta ng mga character. So that's it, I hope you like it hehe.....! :)<3

BINABASA MO ANG
Today Was A Fairytale (Musical Series #1) (On-going)
RomanceMusical Series #1 FAIRYTALES ,THEY'RE ONLY MEANT TO BE READ. IT WILL NEVER BECOME PART OF OUR REALITY. BECAUSE ONCE, YOU DREAMED OF IT... IT'LL ALWAYS STAY AS ONCE UPON A TIME STORY. -------------------------------------- ...