Chapter 3

8 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa locker ko kumakuha ng libro ng may biglang kumalabog akong narinig,  kaya nagtatakang nagpalingalinga ako ng tingin kung saan nanggaling ang ingay na iyon, at nang umingay nanaman dahan dahan kung sinara ang locker ko at maingat na humakbang papunta sa pinanggalingan ng kalabog.

Nang malapit na ako lalong lumalakas ang kalabog. Nang makarating na ako sa stock room ay sobrang dilim pero may nakita akong liwanag sa isang pinto dito sa loob ng stock room.

"Hello?!! May tao ba dyan?!!" Sigaw ko na nagbabasakaling baka may tao. Kakatok na sana ako ng may biglang may humablot ng kamay ko na ikakatok ko na sana, gulat at takot ang naramdaman ko kaya nilingon ko kung sino ito.

"What are you doing here?" Seryosong sambit nito pero hindi ako nakasagot ng makita ko nang kaunti ang mukha nito dahil sa munting liwanag na nag rereflect sa mukha nito. Maangas na mukha, matangos na ilong, makinis na mukha, medyo moreno, matangkad na hanggang leeg lang ako nito, may isang hikaw sa kanang tenga na ang disenyo ay cross na kulay itim, in short bad boy. Oo tama feel ko bad boy siya dahil ang angas ng dating nya, 'yung feeling na walang kinakatakotan, gano'n. Kaya bigla akong nanlamig sa titig nito sa akin na parang mangangain.

"Hey. Tinatanong kita. Ano ang ginagawa mo dito?" Ulit nito na hindi man lang nagbago ng emosyon.

"A-ahhmm a-ano m-may na nar-rinig k-kasi a-akong k-kalabog kaya p-pumunta ako d-dito." nauutal kung sagot sa kanya. Sino bang hindi mauutal? Eh grabi kung tumingin nakakatakot parang mangangain ng buhay. Nakatingin parin siya saakin nang seryoso nang magsalita siya.

"Okay" maikling sambit nito.

"Hmmm....manoy aalis napo ako ha? Hehe babye" paalam ko dito at tatalikodna sana nang hablotin na naman nito ang kamay ko kaya napaharap ulit ako dito.  "Bakit? "  nagtatakang tanong ko dito.

"Wait. Anong tawag mo sa akin? Manoy? What?" Nagtatakang tanong nito at nakakunot ang noo.

"Ah manoy means kuya hehe. 'Yun kasi ang tawag sa mga lalaking hindi namin kilala o nakakatanda sa amin." nahihiyang paliwanag ko dito.

"So means hindi ka taga maynila?"

"Opo" magalang na sagot ko dito.

"Huwag ko akong ma 'opo' kasi magkaedad lang tayo, naiintindihan mo?" Ma autoridad nitong sambit kaya napatango naman ako ng mabilis.

Muling namayani ang katahimikan kaya pinakiramdaman ko siya habang nakayuko.
Nang maramdaman ko siya nakatingin sa akin ay nag angat ako ng tingin dito at sinalubong ko ang itim nitong mata na nakatingin ng seryoso sa akin. Magtatanong sana ako nang may kumalabog na naman sa pinto na may liwanag sa loob kaya napatingin ako sa pinto. Lalapitan ko na sana at bubuksan ng hilahin nito ang kamay ko at tumakbo kaya napasama ako sa pagtakbo palabas ng stock room. Nagtatakang tinigna ko ito, na seryoso lamang ang tingin sa daan.

"Teka namoy saan mo ako dadalhin?" Tanong ko dito at pilit na huminto pero hindi ko magawa dahil mas malakas ito, sinubukan ko namang bawiin ang kamay ko ngunit gano'n parin hindi ko mabawi.

"Manoy saan mo nga akong dadalhin? Bitawan mo ako." Tanong ko ulit dito, pero ni kahit isang sagot ay walang lumalabas sa bibig nito, patuloy parin sa pagtakbo.

Nang huminto kami ay pinalibot ko ang tingin sa paligid at napagtanto ko na nandito pala kami sa garden kaya napamangha ako sa ganda at kaayusan nito.

"Maiiwan na kita" sambit nito kaya napabaling muli ang tingin ko dito.

"Bakit tayo tumakbo pa punta dito?" Tanong ko dito.

"Nothing" maikling sagot nito at tumalikod na't umalis.

Today Was A Fairytale (Musical Series #1) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon