Ikaapat na berso

2 0 0
                                    

Pang-apat na Berso
Nasa anyo ng malayang taludturan



Mapagod ka sanang maghabol,
umapuhap ng atensyon at
pagmamahal mula sa iba .
Tumagaktak sana ang pawis
na tila kulong sa bwat yabag
mo na pasulong. Mamanhid at
mangalay sana ang iyong buong
sistema, para matapos na ang
lahat.

Umupo ka muna at magpahinga
para sa panibagong yugto sarili
sarili mo naman ang pagtuunan
mo ng pansin, sarili mo naman
ang iyong hahabulin, sarili mo
naman ang iyong aapuhapin,
bibigyan ng atensyon at higit
sa lahat mamahalin.

--Lirah

Nang Minsang Mahulog Ang Mga Tala (Katipunan ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon