Ikalimang Berso
Labindalawang pantigan at nasa anyo ng tulang tugmaanMuling sumalta ang tanglaw niring araw,
At ang hapis kagabi'y tila binahaw,
Hudyat niring liwayway isang—pag asa,
Na anaki'y labi nais matamasa.Sanay ng panalangin ang pares sa dagsa,
Nalilipos—pagpapala sa umaga,
Punan yaring sapantaha't—kinatigan,
Hanggang panglaw ng kahapo'y malimutan.Tabsing sa gunam-gunam nagsisiyasat,
Sigwa sa panimdim natalo't nalapat,
Malaya—na ang dili-diling nakulong,
Wala nang hahalinghing o 'di kaya'y bubulong.Matimyas—nga talaga niring umaga,
Lalo na kung ang Tagalikha 'yong kasama,
Ipagkatiwala panimdim kung gabi,
Liwanag kapalit; 'di magkukubli--Lirah
TUGMAANG: AABB
BINABASA MO ANG
Nang Minsang Mahulog Ang Mga Tala (Katipunan ng mga Tula)
PoetryAng librong " Nang Minsang Mahulog Ang Mga Tala " ay Katipunan ng mga berso o tula na aking isinatitik sa pagitan ng bawat parusa ng lumbay na minsan nang tumalo sa bawat piraso ng aking kagalakan.