Ikasiyam na Berso
Nasa anyo ng malayang taludturanLahat tayo'y may kanya-kanyang mundong pilit na tinatakasan.
At sa pamamagitan ng iba't ibang paraan nagkakaroon tayo ng oportunidad na iwasan at talikuran ito ng panandalian.
Magkakaiba tayo sa ideya kung paano tayo nirehas ng ating mga dilema. Simula sa pagkakabuhol-buhol nito hanggang sa ligaw na mga dulo o punto, na maaari mong maging lagusan kung sakaling makaya mong pakitunguhan ang mga bagay na walang namang kasiguruhan.
Mayroong mga taong tumatakas sa dilim,
sa kalungkutan,
sa lupon ng mga tao,
sa alon ng mapanuyang mundo,
sa mga mata na kritikal kung manghusga,
sa mga kagustuhang kahit kailan 'di naman ginusto,
at
sa digmaan kung saan siyang sarili mo ang iyong magiging kalaban.
Ngunit paano kapag naubos ang mga pagpipilian mo para makatakas sa reyalidad?
Piliin mo na sanang magpatuloy sa pamamagitan ng pagharap sa kanila, at hindi sa paulit-ulit na pagpili mo sa pagpipiliang panandalian.
--Lirah
BINABASA MO ANG
Nang Minsang Mahulog Ang Mga Tala (Katipunan ng mga Tula)
PoetryAng librong " Nang Minsang Mahulog Ang Mga Tala " ay Katipunan ng mga berso o tula na aking isinatitik sa pagitan ng bawat parusa ng lumbay na minsan nang tumalo sa bawat piraso ng aking kagalakan.