"Magkakilala kayo?"
Chapter 4 *Salamat ah*
Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig na nilagay sa ref tapos ngayun malamig na. S-si James yan ah. Panu naging Patrick? Kambal sila?
"Marie. Ikaw pala tong pinsan na kinikwento sakin ni Janice" sabi ni Patrick na James din. "Oo babe magkakilala kami. Isa kasi siya sa mga tinuturuan ko" saka niya niyakap si Janice. Sige sa harap ko pa mag PDA. >.<
"Ah ganun ba" napatingin sakin ng mapait si Janice. Shems! Nakwento ko pala sa kanya yung about sa tutor ko. Ngayun alam na niya kung sino. "James PATRICK"
"Hehe. Sige. M-mauna na ko sa taas. A-ano,si Louie nga pala?" tanong ko. Ugh,ang init ng pakiramdam. Ang awkward. Couz mamaya nalang ako mag eexplain.
"Ewan ko eh. Baka nasa school. Nagpapatutor sa crush niya" nakangiting sabi ni Janice pero halatang malaman.
***
"Siya pala si PC no" --Janice
Nasa kwarto kami ngayun. Ugh. "Couz galit kaba?... Hindi ko naman kasi alam na---"
"Bat naman ako magagalit? Hindi mo nga alam diba. Tsaka..." tumayo siya sa higaan niya saka umupo sa gilid ng higaan ko. "..crush lang naman yun diba?" :) mukang hindi talaga siya galit. Tsaka kilala ko tong pinsan ko. Alam ko kapag sarcastic na mga sinasabi niya.
"Akalain niyo yun, ang liit ng world." sabat ni Louie "Ang matagal mo ng kinikwento siya pala tong boyfriend ni Janice. Janice magalit ka sa kanya dali"
"Sira!" binato ni Janice si Louie ng unan. "Bat naman ako magagalit?... Marie hindi ako galit. Tas yung kanina?... Nabigla lang ako. Naalala ko kasi mga kwento mo nun samin eh.. Tongeks ko din no,hindi ko agad napansin"
"Ako kasi mali eh. Dapat pala talaga sinabi ko na una palang yung pangalan. Tapos hindi ko kasi talaga alam ung second name niya.Kaya sorry talaga." sabi ko tapos niyakap ko siya.
"Ito naman kung makasorry parang nag ahasan na" --Louie
"Ahm!" binato ko ng unan "Yan sayo,seryoso namin tapos ganyan ka"
"Hindi ako sanay eh" -___-
"Haha. Ako lang kasi tumatawag sa kanya ng Patrick. Lahat tawag sa kanya James" aaah. Pero nahihiya pa din ako. Kasi naman,bat ko pa nakwento. Kilig na kilig pa naman ako pag nagkikwento.
"Ah nga pala Marie. Kanina yung kaklase mo nakita ko sa labas ng bahay. Kasama mo daw siya kanina kaso nawala ka kaya lumabas nalang daw siya. Muntik ko na ngang mapagkamalang magnanakaw eh" sabi ni Louie.
"Hala! Shems! Si Richard!" napakagat pa ko sa kuko ko. Nakalimutan ko siya. Ala pa-tay.
(School: Classroom)
"Huy sorry na. Hindi ko naman sinasadya" nauuso sakin pag sosorry ngayun ah. Kasi tong si Richard! Kanina pa ko hindi kinikibo. >.< Kaninang kanina pa, umaga palang. Nakatingin lang siya sa book niya. "Mahilig ka palang magbasa" *Silence* Ugh! Pahiya ako! Hindi ako sinagot! "Bala ka na nga!" padabog pa kong umayos sa kinauupuan ko.
"Ang bilis mo namang sumuko" -___-
Napatingin ako sa kanya. Wow, may poker type pala siyang side ah. Kala ko maingay na siya porebah eh. Tapos ngayun ko lang napansin... "Nagpastraight ka ba?" umunat kasi yung buhok niya eh.
"A-ah" napahawak siya sa buhok niya. "Hindi ah. Natural na yan!"
"Haha. Pati pala lalaki nagpapa straight ng buhok. Infairness ah bagay sa kanya. May naging kamuka nga siya eh. Si... James. haha! Oy huh,kamuka niya nga,hindi ako nag didaydream dito. Tsaka nakamove on nako. Eh? Broken hearted?... hmm. Slight. Iba na kasi ngayun,pati sa crush nabobroken hearted na din.
Hindi ko na pwedeng gustuhin si James. Taken na siya. Hindi dapat ako mabroken hearted sa kanya. Tsaka isa pa,napagtanto ko lang na hindi pala niya ko pinapaasa. Nag assume lang ako sa mga ginagawa niya. Yun na pala ang normal niya. Namisinterpret ko lang all this time.
"Narinig ko kayo kagabi ah?"
"Anong narinig mo?" napatingin naman ako sa kanya. "Ah.Yung bf ni Janice. Bakit? Kilala mo ba yun?"
"Siya ba yung iniyakan mo sa park?"
"H-huh?" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Nakita ko kasi yung muka mo nung tumalikod ka sa kanilang dalawa"
"A-ano lang yun no----"
"Hwag ka ng magkaila" parang pilit niya kong pinapaamin. Sa totoo lang nahihiya na ko. Kaya tumayo ako tapos lumabas. Napakaepal niya talaga. Bat pati yun pinapakielamanan niya pa?
Nagpunta akong field. Dito ako sa may likod. Parang suddenly gusto kong mapag isa.
"Hindi siya worth it ng luha mo" kaso hindi pala ko makakapagsolo. Sinundan ako ng epal.
"Bat mo pa ko sinundan?"
"Iiyak ka ba ulit?" tanong niya. Nakita ko sa mga mata niya na ang seryoso niya. Anu bang problema niya?
"Bakit ba napakapakielamero mo ha?. Alam mo ba nakakanis na? Lahat nalang gusto mong malaman,lahat nalang napapasin mo. Baket? Bakit ka ba ganyan??" lumapit siya sakin tapos niyakap niya ko "Huy bitiwan mo nga ko!" Anu bang pumapasok sa isip niya. >.<
"Sige umiyak ka lang. Gamitin mo nalang balikat ko atleast you have shoulder to cry on" :) bakit ba ganyan siya. Abno ba talaga siya? Hindi ba niya naririnig mga sinasabi ko.
***
*After 6 months*
"Hello" ^___^ Bungad sakin ni Richard pag bukas ko ng pintuan. "Tara na?"
"Malamang" pabalang kong sagot. Hehe Ang cute niya talaga kapag nababasag ko.
6 months na din ah. Simula nung...ligawan niya ko. Haha nakakatawa mang isipin pero pumayag akong magpaligaw sa ugok na to. Kung anu ano kasing pinaggagagawa nun kaya nakulitan ako at pumayag na din. Kaya ngayun lagi niya kong hatid sundo kapag papasok ng school. Ginusto niya yan eh.
Actually. Thankful ako kasi dumating tong epal nato. Haha wala lang. Eh kasi napapasaya niya ko eh. Gusto ko na nga din ata siya kaso indenial lang ako.Hehe.
Uwian na. Hahatid na naman niya ko. Hindi ba siya nagsasawa sakin? Magkasama na kami sa school tapos magkatabi pa at ngayun hatid sundo niya ko? Pagtulog nalang ata kami di nag uusap eh. Kasi pag gabi tinawagan niya ko.
"Oy ano,pasok ka muna?" tanong ko sa kanya.
"Pwede ba?"
"Hindi" -____- "Haha. joke! Tatanungin ba kita kung di pwede"
Pagpasok niya nagkwentuhan lang kami sa sala. Nga pala,kapatid niya si James. Kaya pala sila magkamuka. Tch. Ang layo nila sa isat isa no?
"Marie." tawag sakin ni Louie "Kinuha ko to sa kabinet mo, labhan daw ni manang Rose" saka niya pinakita sakin yung Jacket.
"Sige okay lang" yun yung jacket na bigay ni James sakin nun eh. Kasi nga muntik na kong mahulog sa bangin tapos nadumihan ako kaya yan pinasuot niya sakin dati. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya yung nangyari dati,kasi sigurado naman ako na wala lang naman yun sa kanya. Pero no hard feelings naman ako.
"Teka Louie" tawag ni Richard kay Louie. Kinuha niya yung jacket na hawak nito. "Kanino to?"
"Ah kay James yan" sagot ko.
"Kay James?"
"Yap. Basta mahabang kwento" :) saka ko nalang ikikwento sa kanya
"Hindi to kay James. Akin to"
(VOTE COMMENT BE A FAN ^^ Sana magawa niyo kahit isa sa mga yan kahit pinost ko na ng sabay sabay. I need backup! Ohh Feedback pala. ^^)
*PA SUBSCRIBE PO ^^, https://www.facebook.com/janicamendigo?ref=tn_tnmn (ma-try lang. Salamat)
_AKI_
BINABASA MO ANG
A Bittersweet Feeling (Complete)
Romance[Short Story] Bakit kasi napakaPAASA mo?Tanong ko,kaso hindi naman siya paasa ASSUMING lang talaga ako. Property of AkiGreen