CHAPTER 6

4 2 0
                                    


P.S

Medyo mahaba ito compare sa mga previous chapter and I hope you like it *finger crossed*

ANOTHER P.S

May mga trigger points/word dito sa chapter at baka hindi kayo comfortable, sowie po

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rovilson POV

Nakita ko kanina yung ginawa ni Liam dun sa babae. Huh! onti nalang hahalikan niya na eh may gusto yata si Liam dun ano ba yan kadiri pangit pangit naman type ng kaibigan ko

"Kuya si kuya Liam saan?" tanong sakin ni Jorden na ngayon ay nagsisimula na agad kumain ngayong break at sa oras na rin na yun ay nakita ko na si Liam na papunta na saamin

"Wussup brothers!!" naka-ngiting bati ni Liam saamin

"Brothers mo mukha mo" pagsusungit ko

"Luh nireregla ka nanaman?" pang-aasar niya na sinabayan pa ng malakas na pagtawa ni Jorden.

Hindi ko nalang sila pinansin at inunahan ko ng matapos kumain. Nung paalis na ako nakita ko yung babaeng nabungo ko, kita parin yung sugat niya sa noo. Hindi niya ba napapansin na may sugat siya?

Wala ba silang salamin sa bahay nila? Kaya pinuntaha ko siya

"Hindi mo ba nakikita yung sugat mo sa noo? Lagyan mo ng band aid yan" sabi ko sakanya habang walang emotion yung mukha ko at saka umalis pero dahan-dahan lang akong naglalakad para marinig ko kung ano man ang sasabihin niya sakin

"Ay ano yun?" tanong nung isang kasama niya

"Baka na-kokonsensya sa nagawa niya sakin kahapon" sabi niya

Hoy sinong na-kokosensya? Bakit ako makokonsensya sakanya yun lang naman sugat niya kesa naman yung sugat ko sa likod ko.

Dumeretso na ako sa klase kong walang kwenta na natutulog lang naman mga classmate kong lalaki at tingin lang ng tingin mga classmate kong babae alam kong gwapo ako hindi niya na kailagan pang ipahalata pa sakin. Pero ang boring kasi wala si Liam dito, nasa ibang classroom siya dahil malapit na yung chess competition niya kaya excussed siya sa klase.

Last 10mins. nalang ang natitira nung makita ko si Liam na lagpasan yung classroom. Saan kaya pupunta yung lokong yun? Kaya nagpaalam ako sa teacher naming na mag-cr ako at pagkalabas ko ay hinanap ko agad si Liam.

Naikot ko na buong building wala parin siya hanggang sa nakita ko siyang lumabas ng clinic. Injured ba siya? Naka-upo lang naman mga chess players ahh

"Liam anong ginawa mo si clinic?" tanong ko sakanya at napansin kong may hawak siyang supot

"Ano yan?" sabay turo ko sa supot na hawak niya

"Ahh wala toh band aid lang" sagot niya sakin

"Anong gagwin mo sa band aid" tanong ko sakanya at hinawakan niya ako sa braso

"Narinig ko kasi na sinabihan mo si Mayumi na lagyan ng band aid yung noo niya eh mukhang hindi niya pa ginagawa kaya ako nalang" narinig niya pa yun eh ang layo ng lamesa naming sa lamesa nila

"Ako na" presenta ko at kinuha ko yung supot na hawak niya

"Wag kang mag-alala sasabihin ko galling sayo toh umalis ka na at mag practice baka matalo ka next week" pang-aasar ko sakanya

"Bro sabi mo yan ha pag hindi lagot ka sakin" hay ang kulet naman nito

"Oo nga sabi eh" at saka siya umalis. Saan ba yung babaeng yun? Sino nga ulit yun? Maya? Ay hindi Mayumi pala oo tama Mayumi at narinig ko nag ring yung bell, uwian na saan ba yung room nun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wait For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon