Prologue

9 2 0
                                    


Naniniwala ka ba sa reincarnation?

Naniniwala ka ba na kapag ang pag-ibig mo noon ay hindi napapos ay bibigyan ka ni Bathala ng pagkakataon na ipagpatuloy ito?

Saan ba nagkamali? Saan ba nagsimula? Sino ba ang may tunay na kasalanan?



Fermin POV

'Napakasakit nang aking mga nakikita. Hindi ko kaya na makitang umiiyak ang aking sinisinta.

"Mahal ko, tulingan mo kami ng aking Ina na makaalis parang-awa mo na mahal ko" pagmamaka-awa ni maya. Hindi ko na alam kung ano na ang aking desisyon. Ililigtas ko ba ang babaeng aking minamahal at maging taksil o pipiliin ko ang bayang akin ring lubos na minamahal. 

Sa punto ring iyon ay tumigil sa pag-iyak si maya at nagsimulang tumayo. Ang mukha niya ay nila bang nawalan ng buhay at kumaripas nang takbo papalayo saakin.

Aking tinignan kung saan siya papatungo at doon ko nakita na dinakip na ang kanyang Ama at isinasakay na sa isang kalesa ang wala ng malay na Ina. Doon ko nakita na lumuhod si maya sa harap ng isang lalaki at simula na ulit umiyak.

"¡Por favor, no te lleves a mi madre! Por favor" hindi ko man maintindihan ang kanyang mga sinasabi ngunit ramdam ko ang sakit sa bawat mga letrang lumalabas sa kaniyang magandang bibig.

 Sa pagkakataong iyon nawalan ako ng lakas ng loob at ako'y nanghina sa aking mga nakikita kaya ako naman ay bigla nalang napa-upo. Napa-tingin saakin si maya at siya ay muling sumigaw

"Fermin!!! Parang awa mon a tulungan mo ang aking Ina! Pakiusap Fermin!!!" patuloy sap ag-iyak si Maya. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kailangan ko nang magdesisyon...

Sino ang aking ililitas? 

Wait For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon