CHAPTER 1

4 2 2
                                    


Mayumi POV

V! Nuga nareul magado
Naui gal gireul gandago
Insaeng han bangirago
Leggo (Leggo!)
Leggo (Leggo!)
Dan harureul sarado
Huhoeneun jeoldaero eopdago
Han beon ttwieobojago

Let's jump! (Jump! Jump! Jump! Jump!)

Nagising ako sa alarm at walang gana kong binuksan ang mata ko at syempre ang una kong ginagawa ay ang hanapin ang isa ko pang phone.

Hindi alam nila mommy at daddy na may isa pa akong phone kasi naman pagdating ng 6pm confiscated na agad ibabalik lang ng 5am

Saan naman hustisya don?

BTW I'm Mayumi Taylan, 18, the only child of this family well 2 years ago Oo, ngayon pala hindi na. Nag ampon pa kasi eh dagdag palamunin lang naman sa bahay, sobrang tamad pa, lagi pang nagpapapunta ng mga plastik nyang kaibigan dito sa bahay. Ang bwiset na si Neiva.

Ang pangarap ko sa buhay ay maging Attorney.

Well pangarap pala ng parents ko yun, pero ang gusto ko talaga ay maging isang journalist. Sa radio man, sa tv, o kahit sa dyaryo masaya ako. Kaya kailangan ko rin ng dalawang phone kasi yun yung ginagamit ko pang text kay Chief.

Speaking of the devil nako yung baliw na yun dalawang buwan na akong hindi tinatawagan or whatsoever. Nako baka nakakalimutan niya kung hindi dahil sa sinulat ko hindi siya mabibigyan ng award last year

Hinayaan ko lang na ipangalan sakanya yung mga gawa ko kasi hindi pwedeng ilagay pangalang ko sa dyaryo baka ibitin ako patiwarik ni mommy.

"Miss pinapatawag na po kayo ni madam sa baba" sabi ni ate 1

"Ahh ok maliligo lang ako, Salamat 1" Hindi namin binibigayan ng pangalan ang mga katulong dito kasi hindi trip ni mommy, ilang beses ko ng tinanong lagi nalang walang sagot. Boss eh.

Kaya naman tumayo na ako at naligo. Pagkatapos na pagkatapos ay bumaba na agad ako.

Pagbaba ko nakatingin at nakangiti na agad ang pabibong Neiva. Ewan ko wala naman siyang ginagawa or hindi naman siya sumasagot saakin pero kumukulo na agad dugo ko sakanya. Hindi ko nga alam kung saang lupalop nakuha yan nila mommy eh basta pagdating niya dito sa bahay Malaki na siya at malaki naring sakit sa ulo ko.

Dati every Sunday after ng mass sa City Church namin kung hindi kami mag shopping ni mommy ay kakain kami sa labas, ngayon dahil "INTROVERT" daw ang bakulaw lagi agad kami umuuwi kaya dun narin ako nawalan ng gana magsimba. Lahat ng gusto niya ayaw ko.

"Mga anak good luck sa klase nyo ngayon ha?" Ngiting sabi ni daddy

"Daddy bakit ba sa CIA nyo rin sya pag aaralin?" Inis kong tinignan si Neiva at ang bruha naka puppy eyes tumingin sakin

"Anak grade 12 ka naman at grade 10 naman ang kapatid mo kaya sobrang layo ng mga building niyo" sabay tawa ni daddy at hinawakan ang kamay ni Neiva

Nakakainis talaga sila kaya inirapan ko sila at biglang tumayo

"First of all, nothing is funny so don't laugh dad.." at biglang nawala ang ngiti sa labi ni daddy tapos nakatingin lang sakin si mommy

"Second, wala akong pake kung isang kontinente pa ang layo ng building naming sa isa't isa basta alam kong lang na buhay siya at dito siya uuwi ay nakakairita"

"At lastly kahit pa anong mangyari hindi ko yan magiging kapatid so stop calling her my sister!!"

Pagkatapos kong sumigaw ay kinuha ko na yung phone ko at padabog na lumabas sa bahay. Wow naman kasi talaga anong akala nila na ok lang sakin na nandito yang nuno na yun sa bahay? Alam kong ang childish kong pakinggan pero wala akong pake! Hmmp!

Pagsakay ko sa kotse ay kinalabit ko yung driver ko

"Kuya mamaya huwag mo na akong sunduin at hindi ako uuwi" gulat sya humarap saakin

"Ma'am pero...." Angal nya

"Pag nagsumbong ka kanila mommy at daddy sinasabi ko talaga lagot ko sakin! Naiintindihan mo?" sabay tango nya at umalis na sa bahay.

Habang nasa sasakyan ako nag text agad ako sa groupchat naming tatlo

MAYUMIZ: Girls san na kayo?

Jade: Ahmm nasa bahay pa? AHAHAHAHA kasi naman niyayaya ka naming ni hope na sumama kagabi ayaw mo pa yan tuloy hindi mo Nakita yung scandal kagabi

MAYUMIZ: Scandal? Anong scandal? Sino?

Hopyang: Hay nako pagdating talaga sa mga chika ganyan ka... Well dumating ang great Liam Chengcuenca at si Rovilson Reyes edi nagkagulo ang buong bar sa dalawa

MAYUMIZ: Jusko yun lang? San scandal dun?

Jade: Patapusin mo muna kasi

Hopyang: Tapos may babaeng bigla nalang hinalikan si Liam tapos hinalikan niya rin si Rovilson! Edi nagwala yung ibang mga babae sa bar tapos umalis agad yung dalawa at kung nandun ka lang makikita mo yung pangdidiri sa mukha nung dalawa AHAHAHAHA

Jade: Tapos yung mga babae sinabunutan yung humalik sa dalawa kaya nabugbog sa ate ghorl AHAHAHAHA

Hopyang: Na-videohan ko yun eh pakita ko sayo sa room mamaya AHAHAHAHA LT talaga kagabi saying wala ka

Hay nako yung mga yun talaga mahilig sa mga away tsk tsk tsk

Malapit na kami sa school nag bigla akong may narinig na sobrang inggay na sasakyan

'BROOOOOOM'

'BROOOOOOM'

'BROOOOOOM'

Tumingin ako sa likod at Nakita kong may tatlong motor na nagpapaunahan. Hay nako mga pasikat sa kalye tsk tsk stk paisampal lang sa mga tao na mayaman sila. Saktomg yun ay nag go na ang signal light ng kaya umandar na yung kotse ko nang biglang isa dun sa tatlo na motor ay biglang kumanan kaya nagbunguan kami.

'BAAAAAANG'

Wait For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon