Chapter Eight

310 36 210
                                    

Aly's POV

I knew it! Something's wrong... But I didn't expect it to be this bad!

15 pa lang noong araw na nag-inuman kami ni kuya ah. Kung ganoon ay isang araw akong nawala? Pero bakit?! T-tama bang wala ako sa sarili noong 16? Unti-unti akong nanlumo sa ideyang ito. Napaupo ako sa sahig at kahit na alam kong marami ang titingin ay hindi ko maiwasan na mapatulala habang nakayuko.

"S-Sophie, nababaliw na ba 'ko?" naiiyak na tanong ko.

Inalo-alo naman ako nito sa likod at kahit na gusto kong pigilan ang pag-iyak ay hindi ko magawa. Kusang tumulo ang luha ko dahil wala na akong maisip na paraan kung paano ilalabas ang kaba at pagtataka sa mga nangyayari.

"Aly, 'yun din ang pinag alala ko sayo kahapon eh.'Wag ka magagalit ah," saad nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan na tanong ko rito.

"A-ano kasi, ang weird mo kahapon pa, daig mo pa ang sadboy sa sobrang lungkot mo. Tapos doon sa performance ay para kang robot, walang kabuhay-buhay ang presentation mo. Pero nagulat na lamang kami kasi bigla kang naiyak dun sa last part na nakakaiyak, kaya mataas pa rin kahit papaano ang grades mo," sambit nito saka ako hinarap ng maayos.

Gulat akong napatingin dito. Hindi ko pa rin magawang i-proseso sa isip ang mga sinasabi nito.

"Tapos hindi pa dun nagtatapos lahat kasi mas weird pa nung bigla kang nagwala nung pagkatapos ng presentation at konti na lang tayo nun, pero nandoon pa rin ang ibang teachers. Tapos nasira mo yung isang malaking speaker sa hall. Hinampas mo kasi yun gamit ng upuan. Tapos natamaan mo pa ng upuan si Joy sa balikat kaya kailangan pa siyang dalhin sa clinic after nun," mahabang kwento nito.

"S-sino si Joy?" takang tanong ko.

"First year, nakikitulong lang siya tapos natamaan mo ang balikat niya, siya yung kasama ko kanina kaya bigla na lang tumakbo. Kausap ko siya kasi ako na lang nag sorry sa kanya eh," paliwanag nito habang nakayuko.

W-what??? B...bakit??! Wala sa sariling napahawak ako sa buhok at mahina itong sinabunutan. Mas lalo akong naiyak sa nangyayari.

BAKIT!!!!

Niyakap naman ako ni Sophie para tumigil sa pag-iyak.

May posibilidad ba, na ang araw na inilagi ko sa buhay na 'yun ay...ay katumbas rin ng araw na nandito ako?? Pero bakit?!

Hindi ba't isang panaginip lang ang lahat ng iyon?

Napatingin ako sa mga palad ko at malakas na sinampal ang sarili. Rinig na rinig sa kabuuan ng hall ang malakas na pagtama ng sarili kong mga palad sa mukha ko. Napahinto ang ilan at sandaling napatingin sa akin.

Ayoko nito! Hindi ako nagigising! Bakit?

Paulit-ulit kong sinampal ang sarili ko at kahit na naririnig ko ang sigaw sa akin ni Sophie ay patuloy lamang ako sa ginagawa sa pag-aakalang magigising na ako sa reyalidad.

I HATE THIS SHIT!!!

PLEASE SOMEONE LET ME OUT OF THIS SHIT!!

Sophie POV

"Aly!!" pigil ko rito dahil halos walang katapusan ang pagsampal nito sa sarili.

"Hindi 'to totoo!! Hindi pwede!" mangiyak-ngiyak na iyak nito.

Wala na akong ibang choice kundi ang damputin ang kamay nito para matigil sa pagpalo sa sariling pisngi. Sandali itong natigilan kaya kinuha ko na itong pagkakataon para hilain ito papasok sa banyo.

Hindi ko alam ang nangyayari kay Aly ngayon. Sa totoo lang ay kinakausap ko siya kahapon pero tulad ng dati na hindi niya pa ako kilala, ay umaasta siya na parang hindi niya ako kaibigan bagkus ay isang kaklase lang.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now