Chapter Twenty-Seven

123 21 55
                                    

Aly POV

Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mga pisngi ko.

Geez... Kailan pa ako kinilig sa lalaking iyon?

"Goodevening Darling~~" malambing na bati nito.

Hindi ako makagalaw noon ngunit hindi rin nagtagal at bigla na lamang niyang inalis ang mga braso sa akin at binuhat si Fenella na nasa tabi ko na pala.

"Wahhh!! Hi baby? How are you?" panlalambing nito sa anak.

"Tsk...tabi!" sigaw ko rito habang buhay buhat ang kaldero.

Paharang-harang naman kasi eh!

Nagpunta na ako sa mesa at inihain ang mga iniluto ko. Nakita ko naman ang mga bata na agad na pumunta sa mesa at kumuha ng kanya kanyang pagkain.

"Wow~~Sarap naman nito, Darling," bati agad ni Keifer matapos matikman ang ulam na iniluto ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa totoo lang ay unang beses kong mapuri sa pagluluto dahil wala naman akong hilig magluto. Isa pa, palaging delivery ang kinakain ko lalo na tuwing wala si kuya Leander sa apartment.

"Darling, ayos ka lang?" inosenteng tanong nito habang humihigop ng sabaw.

Bigla akong napalunok nang makita kong sarap na sarap ito sa kinakain. Ngayong abala siya sa pagkain habang inaasikaso ang mga anak niya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

Kauuwi niya lang galing sa trabaho at long sleeve na puti lamang ang suot nito ngayon. Hindi pa rin niya natatanggal ang kanyang neck tie dahil sa excited itong kumain. Tinitigan ko siyang mabuti.

Sa totoo lang, hindi naman masamang maging asawa ng shokoy na ito eh, kaso...siya pa rin ang lalaking kinaaayawan ko. Siya pa rin si Keifer Peterson.

Nagising ako sa reyalidad kaya naman pumunta muna ako sa kusina. Geez! Kung ano ano na naman iniisip ko. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na rin silang kumain. Hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain dahil nahihiya ako. Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko.

Nang matapos na sila sa pagkain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan nila.

"Tsk! Bakit ko nga pala ito ginagawa?" takang tanong ko sa sarili habang mag-isa sa kusina.

"Masyado na ata akong mabait ngayong araw ah, una pinagtanggol ko ang batang iyon tapos pinagluto ko sila. Then ngayon, pinaghugas ng plato? Aba! Sinusuwerte ata sila!" angil ko habang mariing sinasabunan ang plato.

"Swerte talaga kami sayo, Darling~~"

Agad akong napalingon sa bandang pinto ng kusina.

Ay putakte!

Nagulat pa ako nang makita si Keifer na nakatayo rito. Nakapagpalit na rin siya ng sandong puti habang shorts pang ibaba.

Geez...I hate to admit it pero bagay sa kanya porma niya ngayon. Agad akong napatalikod. Pakiramdam ko ay nangamatis na naman ang mukha ko.Hinayaan ko lamang siyang nakatayo roon at ipinagpatuloy ang paghuhugas. Ilang saglit pa pero wala na akong naririnig na nagsasalita kaya naman sinubukan kong sumilip sa direksyon niya.

Ehh?? Nasaan na yon?

Inilibot ko ang paningin hanggang sa dumapo ito sa mesa. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakatungo ang ulo sa mesa. Ngunit nagulat ako nang makita kung saan iyo nakaharap.

"You have a nice butt, Darling," puri nito na ikinalaki ng mata ko.

ARGHH!!!

"Wha-what are you looking at! Bastos!!" sigaw ko rito habang tinatalsikan ko siya ng bula.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now