Chapter Nine

248 39 125
                                    

Aly's POV

"Please... Please someone help me!!"

Napasigaw ako habang unti-unti akong nahuhulog sa isang malalim na bangin. Hindi ko alam kung nananaginip lang ako pero sa pakiramdam ko ay may tumulak sa akin sa bangin na iyon at hindi ko alam kung makakaligtas pa ako mula doon.

"Aly!!" sigaw na narinig ko sabay marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Napatingin ako sa taong iyon. Wala sa sariling napaiyak ako habang nakatingin rito.Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana at walang ibang magagawa kundi ang makipaglaro rin dito.

"Aly, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

Dahan-dahan niya akong inalalayan na makaupo ng maayos sa higaan. Nagkalat pa rin ang mga basag at ilang gamit sa sahig. Hindi ko na magawa pang ayusin iyon. Sa ngayon, isa lang ang nasa isip ko. Iyon ay kung paano?

Paano ko matatakasan ang ganitong sitwasyon ko?

Napakahalaga sa akin ng notebook ko na 'yun. Wala akong kahit anong litrato ng namatay kong kapatid kundi ang mga nakasulat ko lamang rito. Natatakot ako na baka isang araw ay makalimutan ko si Blythe, ang kapatid ko at iisipin ko pa lang ay nasasaktan na ako.

Niyakap agad ako ni Kuya Leander nang maiupo na ako sa kama.

"Shhh, Kuya is here... stop crying Aly. Baka sabihin nila pinapaiyak kita eh," pagpapatahan nito sa'kin.

Minsan ko lang makita ang ganitong side ni Kuya Lean at medyo na-touch ako sa mga ginagawa niya pero sa tingin ko ay hindi sapat 'yun para mawala lahat ng inis at galit ko sa sarili. Maya-maya ay kumalma na rin ako kaya pinahiga na ulit ako ni kuya sa higaan at siya na ang nag-ayos ng mga gamit na nasira sa kwarto ko.

"Aly, I made some cereals for you. Alam ko gabi na for cereals but I know how you love cereals, please kumain ka na..." nag-aalalang alok ni Kuya sa akin.

Alam kong nagiging pabigat na ako sa kanya ngayon dahil may gagawin dapat siya pero ipinagpaliban niya muna ito para alagaan ako ngayong gabi. Kaya para hindi na ako masyado makonsensya ay tinanggap ko na ito. Besides, I need to eat at baka kulang lang ako sa pagkain kaya kung ano-ano ang nangyayari sa akin.

"Kuya, anong alak ba ang binili mo sa akin noong nakaraan?" nagtataka kong tanong.

Naisip ko kasi na baka dahil sa ininom ko ng araw na iyon kaya wala ako sa sarili nung kinabukasan.

"Wine lang 'yun, bakit? " nakakunot na sagot nito.

Napayuko ako.

"Hmm... wala lang naman, naisip ko kasi baka dahil sa alak kaya masyado akong lutang at ang daming nangyari kahapon na hindi ko alam. Pati ang petsa ay kanina ko lang nalaman."

"I doubt na alak 'yun. Aly, look even if it's your first time drinking like that, hindi naman 'yun makakapag palutang sa'yo ng ganun noh. And in fact that it's just a wine...maliit lang ang porsyento ng halong alcohol nun," paliwanag nito.

"I know kuya., sorry," paumanhin ko rito.

"W-wait, are you saying na hindi mo alam ang nangyayari sayo simula kahapon... at kanina mo lang nalaman?"

Tumango ako. Maybe for others they will say things like parang palusot ko lang 'yun but I know... I know I'm not crazy yet to think that kind of stuff.

"Or maybe lutang ka lang talaga," komento pa rito.

Nakahawak pa ito sa baba habang nag-iisip. I don't get it. I might be sound like I'm trying hard but I'm not! Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat but no one will understand!

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now