CHAPTER 14 Chapter ng mga BITTER

38 0 0
                                    

ROMINA’S POV

Lecheng Benjamin yun. Pinahiya ako sa harap ng mga classmates namin. Now what? Sirang sira na ang image ko! Ahhhhccccckkkkk! T.T Baka wala ng magkagusto sakin nito kapag nagkataon. Hindi ako makakapayag. 2 days ago nung nangyari yun pero fresh pa rin sa madla.

“Anems? Ikik na ay wagilotlot ng makakapoints kay Benjietots. WAHAHAHAHA!” Pang-asar sakin ni Ilumita. Hindi ko magets sinabi niya kaya pinatranslate ko na lang kay Escort.

“Sabi ni Ilumita, wala ka na raw pag-asang makaiskor kay Benjie.” Nakangising sabi ni Escort.

“Hmm, edi wala na kung wala! Lumayas ka nga dito Ilumita. Panusot naman to eh.” Asar na asar kong pagtataboy kay Ilumita. Hmm, basta alam ko na hindi na sila magkakabati ulit pagkatapos nung nakita ni C-ASS. That bitch deserves that. HA-HA-HA.

“Alam mo kaya ka kinakarma dahil dyan sa sama ng ugali mo. Hindi mo man lang iniisip muna kung ano yung mga bagay na pwede mong masira.” Sabat naman ni…ni Ryan?!

“Who are you to say those things to me?!” Nakakairita lang ha, sabat ng sabat tong lalaking to.

“Ako lang naman si Ryan Joyosa. Any problem with that?” Mahangin naman niyang sagot. Tss.

“Oh tapos? Anu naman kung sikat ka dito sa school? Anu naman kung famous cassanova ka? Kitam CASSANOVA ka remember? Kaya pati ikaw kinakarma din sa mga ginagawa mo! Loko ka.”

“Tss. Sila nakikipagbreak sakin hindi ako. Hindi ako Cassanova. Ikaw lang nagsasabi niyan. Gusto mo ko balikan no?” Sabay ngisi sakin ng nakakaloko.

“Takte! Lakas din ng apog mu eh! Dyan ka na nga!” Sabay dabog ko ng upuan at lakad papalabas ng room.

‘WALKOUT KA!” Narinig ko naman na sigaw niya sakin.

Habang naglalakad ako papunta sa garden ng school patuloy ko pa ring iniisip yung sinabi sakin ni Ryan. Nakakakonsensya nga yung ginawa ko. I’m so harsh para manira ng relasyon. Si Hannah kasi eh.

“Oh, bestfriend mag-isa ka ata?” Nakita ko sa tabi ko na uupo na si Hannah.

“Masama yung nagawa natin bestfriend. Kaya tayo kinakarma eh.” Sabi ko sa kanya.

“At kailan ka naman nagkaroon ng konsensya?” Tanong ni Hannah na puno ng sarcasm.

“Kanina lang. Tss. Kamusta nga pala kayo ni Law?”

“Ayun, wala pa ring improvement. Muchacha pa rin ako. Ready na nga akong sumuko eh. Kapag sa prom wala pa ring nagbabago. Hindi na ako magpapakasal sa kanya. Pero makikipagmerge pa rin kami. NakakaKONSENSYA kasi eh.” Pinagdiinan talaga niya yung KONSENSYA.

“Very good. Sa wakas nagkaroon ka na rin ng KONSENSYA.” Sabay smirk ko sa kanya. Ang sarap asarin nitong bestfriend ko eh.

“Hmm, mahal ko si Lawrence kaso, kung hindi naman niya ako matututunan na mahalin. It’s better to let go. Baka lalo lang akong mapamahal sa kanya at mahirapan pa akong pakawalan siya pag nagkataon.” Seryosong sabi skin ni Hannah.

“Oh well, better off muna ako bestfriend. May classes pa kami na kasunod eh. Nagwalk out lang kasi ako sa room kanina kaya ako napunta dito. Ayoko naman makasuhan ng cutting. Byieeeee.” Sabay beso beso k okay Hannah.

Tumakbo na ako palayo para bumalik sa room namin. Gotta see that Ryan Joyosa again. THAT SUCKS. Pero… we had history together.

RYAN’S POV

Nakaupo pa rin ako at inaabangan na bumalik si Romina sa room. Hahaha. I was just so harsh saying those words to her. Gusto kong magsorry. Pero totoo naman kasi na masama ang ugali niya. So, that’s all. Dapat nga magpasalamat pa siya sakin eh. Tinatama ko pa mga pagkakamali niya.

Huling Sulyap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon