CHAPTER 13 Revelation

33 1 0
                                    

BENJIE’S POV

Nakita ko na umiiyak si Cass pagkatapos basahin lahat ng mga sticky note. Ngayon, nahihirapan akong huminga pero kaya ko pa naman. Nagmadali kasi akong gawin yan eh, dala siguro to ng pagod isama mo pa yung pag-aalala na baka hindi niya tanggapin pati na rin yung galit dun sa Romina na yun.

Naalala ko na hindi pala ako nakainom ng gamut. Teka baka nasa bulsa nitong jacket ko, pero nung kinapa ko naman wala dun. Bahala na. Kakayanin ko pa to hanggang sa makauwi ako.

Nilapitan ko siya, habang naglalakad ako papalapit sa kanya, unti unti ng nasosobrahan sa kirot yung dibdib ko. Nung mapayakap ako sa kanya, napahigpit kasi parang maa-out of balance ako. Nahihilo na rin ako. I’m lacking of oxygen. Kaya ko to. Kaya ko to.

“I love you Cass.” Bulong ko sa kanya sa mahinang boses. I’m afraid of what’s gonna happen to me next.

“I love you too my Benj…I’m sorry if I misunderstood what I saw. Dapat pinag-explain muna kita.” Sabi naman sakin ni Cass sabay harap niya sakin at binigyan niya ako ng isang matamis na halik. Pero sa gitna ng mga halik na yun, nararamdaman ko ang tuluyang pagsisikip ng dibdib ko. Ang sakit.

Pagkatapos niya akong halikan ay nagdidilim na ang mundo ko. Pinipilit kong humagilap ng ilaw at ng hangin. Lumingon ulit si Cass sakin at napansin ata ang pagkaputla ko.

“Okay ka lang Koko ko?” Nag-aalala niyang tanung sakin.

“I..I’m O..okay *cough*” Kaya mo yan Benj.

“Hey look at me. Benj? Benj okay ka lang talaga?” Sabi niya sakin habang hawak ang mga braso ko. He lifted my chin to see my face if I’m really okay. Pagkakita ko sa mukha niya. Everything turned black and the only thing I could feel is this deadly pain in my chest.

““Benj! Benj!” Yan na lang ang mga huli kong narinig. Tapos nun nawalan na ako ng malay ng tuluyan.

Matagal tagal na rin akong natutulog. Pero nakaramdam naman ako ng ginhawa habang nagpapahinga. Naramdaman kong may mabigat na something sa may tiyan ko kaya naman unti unti ko ng minumulat ang mga mata ko.

Mula sa Malabo unti unting lumilinaw ang mga nakikita ko. Puro puti. Langit ba to? Nung tumingin ako sa paligid, saka ko lang naunawaan na nasa ospital pala ako. And Cass is sleeping beside me and her head was lying on my chest. She’s hugging me at the same time. I hugged her back while she was asleep and I kissed her in the forehead. I wish this moment will never last. I wish I can grow old with her. I wish we could have our own family and I wish we could achieve our dreams together.

Binuksan niya yung mga mata niya, nagising ata. Tapos kinuskos niya muna bago siya tumingin sakin. Bigla niyang pinahid yung tumulong luha galling sa mata ko. I was crying. Hindi kaya alam na niya ang lahat?

“Koko ko, wag ka na umiyak. Gising ka na ohh.” Sabay pisil niya sa ilong ko.

“I’m just happy na bati na tayo. Ngayon ko lang ulit naalala eh. Hehe.” Palusot ko naman sa kanya.

Huling Sulyap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon