CHAPTER 8 The Present,Future and Infinite Pain

89 2 1
                                    

CASSANDRA’S POV

“Ayun.. Pasensya ka na kung napahaba ang pagkukwento ko ha. Nadala lang talaga ako ng damdamin ko.,.” Sabi ko kay Benj habang pinapahid yung mga luha sa pisngi ko.

Lumapit sa akin si Benj saka niya ako inakbayan. Patuloy ako sa pag-iyak habang nakasandal sa kanya.

“Hayaan mo, marerealize din niya kung gaano na kayo katagal at yung mga pinagdaanan niyo.” Sabi niya sakin habang hinahaplos ang balikat ko.

“Tahan na… tahan na…”

“Halika na, baka maubos pa luha mo dahil lang dinala kita dito. May iba naman tayong lugar na pupuntahan.” Sunod sunod niyang sabi sa akin. Habang ako naman ay nakapikit na lang.

Unti unti kong minulat ang mga namamaga kong mata. Pagkamulat ko, tumayo na siya saka ako tinayo. Pagkatayo ko, nagulat ako… binuhat niya ako.

“Oy teka, tekk..teka lang huy. Wag na, mabigat ako nakakahiya.” Walang lakas na akong pumapalag.

“Okay lang yan. Halata ko namang masyado ka ng pagod. By the next next day may pasok nanaman tayo…”

“Oh anung meron kung may pasok na tayo next next day?” Nakapikit kong tanung sa kanya habang buhat buhat niya ako pababa dun sa lugar na yun.

“Baka muka ka ng Manny Pacquiao na nasapak. Miss Kulangot na nasapak.” Sabi niya na sinundan ng isang mapang-asar na tawa.

“Tse. Wala ako ngayon sa wisyo para makipag asaran. Antayin mong lumakas ako magsisisi ka at inasar mo ko ngayon..” Mahina kong sagot.

“Ohh, scary..” Sarcastic niyang sabi.

Hindi na ako nakasagot dahil nakapikit pa rin ako habang bumababa kami. Nasa bangin na ako ng pagtulog pero nararamdaman ko pa rin na isinakay na niya ako sa kotse at nagbibiyahe kami.

BENJIE’S POV

Habang nagmamaneho ako, hindi ko maiwasan ang hindi titigan si Cass habang natutulog siya. Napakatanga naman ni Lawrence para gawin kay Cass yun. Matapos gawin ni Cass ang lahat para sa kanya, yun pa talaga ang sinukli niya. Ang lakas naman ng loob.

Hindi ko alam kung saan ko dadalhin si Cass dahil wala siyang kasama sa bahay nila. Dinala ko na lang muna siya sa Condo unit ko para doon na muna siya magpahinga. Binuhat ko siya palabas ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa unit ko. Hiniga ko siya sa kama.

Oo, hindi maikakaila na maganda talaga siya. Naaalala ko sa kanya si Lourein. Lagi na lang bang kailangan na masakit ang nakaraan ng maraming tao?

Nagsimula akong kumanta.. Ang kantang huling pinakanta sa akin ni Lourein…

Somebody told me you were leavin’ I didn’t know.

Somebody told me you’re unhappy but it doesn’t show.

Somebody told me that you don’t want me no more, noohh.

So you’re walking out that door.

Walang may alam na mawawala ang minamahal namin bigla bigla. Tanging sila lang ang nakakaalam ng tunay nilang nararamdaman at nararanasan.

Nagsimulang pumatak ang luha ko sa pisngi ni Cass. Di ko mapigilang hindi umiyak.

Let me be the one to break it up

So you won’t have to make excuses,

We don’t need to find a set up where,

Someone wins and someone loses.

We just have to say our love was true but has now become a lie. So I’m telling you I love you one last time.. And goodbye.

Nahiga ako sa tabi niya. Just this once and just for now.. Let me be the one to make you happy. Hinalikan ko siya sa noo.

Huling Sulyap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon