FINAL CHAPTER The Prom Night

38 1 0
                                    

BENJIE’S POV

Everything’s set and I’m ready to go. Nakausap ko na rin yung kuya ni Cass pati na rin yung mama niya na nasa abroad I explained everything kahit na inulin ako ng galit at mura.Sinabi ko na rin yung about sa sakit ko. At ngayon, buo ang suporta nila sa akin. Bahala na. I can feel na I’m getting more weak each day passing. At ngayon, I need to take 5 tablets to ease my chest pain. Hindi totoo yung sinabi ko kay Cass na wala akong sakit, pandagdag lang yun sa kadramahan kong ginawa.

Ngayon, on the way na ako sa bahay nila para sunduin siya. Kahit na murahin niya ko okay lang, kahit sapakin niya ako okay lang. Basta ang gusto ko, wag na siyang mawala sa akin.

After 15 minutes nakarating na ako sa kanila. Nagdoor bell ako at pinagbuksan naman ako ng kuya niya. Pinaupo niya ako sa sofa sa sala. Tapos tinawag na niya si Cass. Eto na yun.

At nakita ko na siya sa harap ko. Natulala ako, she looks stunning with that blue gown. Walang nagsasalita. Tumingin ako sa kuya niya na kinindatan naman ako na parang sinasabing “sige na kausapin mo na”. Umakyat na yung kuya niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Halatang namumuo yung luha niya. Ako naman, nawalan ako ng salita kahit na kanina ko pa pinapraktis sa salamin ng bahay namin yung mga gusto kong sabihin. Siguro mas angkop yung ambiance kung mamayang prom ko na lang ipapaliwanag at sasabihin lahat lahat.

“Tara na! / Tara na?” Sabay pa kaming nagsalita. Gustong gusto ko na siyang yakapin nung mga panahong yun pero nakita ko yung gasa niya sa ilong. Nakonsensya naman ako.

Nagpaalam na kami sa kuya niya, saka kami naglakad palabas at sumakay sa kotse ko at nagpunta ng sabay sa school. Yun kasi ang tradisyon, kapag prom partners kayo, kayo na rin yung prom date. Inalalayan ko siya sa pagbaba ng sasakyan. Lahat ng tao nakatingin sa amin. Siguro nagtataka kung bakit nasikmura pa namin na magpartner eh mag-ex nanaman kami. Ang hindi nila alam, I’m willing to get her back to me. Kahit mamatay ako.

Magkatabi din kami sa upuan sa table. Isa to sa mga pinlano ng tropa kasi nasa iisang mesa kami. Pagkataps kumain ng dinner, nagsimula na yung performances ng bawat section. Opening number kaming IV-Ptewocarpus syempre kapartner ko si Cass. Ang corny naman nung tugtog kasi Waltz, kaya pang matanda. Hindi pa to yung tamang tiyempo para sabihin sa kanya. Sa buong oras na sumasayaw kami, hindi siya makatingin sakin at kadalasan pa nga na nagkakamali siya sa steps. Masyadong obvious na naiilang siya sa akin. Ako naman, sabik na sabik na para sa kanya. Para sa yakap niya. At higit sa lahat, para sa pagbabalik nung dating kami.

Pagkatapos sumayaw ay natapos na lahat ng performances kaya bumalik na sa pagkakaupo ang lahat. Mga 11 pm na nun kaya nagkaroon muna ng midnight snacks.  After ng midnight snacks, nagsimula na ang social hour. Puro sweet songs lang daw kasi nga prom ito, hindi party. Nahihiya pa rin ako kay Cass.

Naghihintay ako ng tamang kanta para lumapit sa kanya at para maisayaw siya.

Umalis naman siya at nagCR muna.

“Hoy! Anu bang hihintay mo dyan?” Pabulong na sabi sakin ni Hannah habang sinisiko ako.

“Eh, ampanget nung kanta! Mayamaya maghintay ka.” Pabulong ko rin na sagot sa kanya.

“Sabagay. Alam ko na!” Sabi pa rin ni Hannah habang bumubulong. Parang baliw tong babaeng to.

Bigla naman niyang tinawag sina Escort, Romina,Ryan at Ilumita. Ipinaliwanag niya sa kanila yung plano. Nag-agree naman yung apat. Sila na raw ang bahala. Hindi ko alam kung eepkto to. Bahala na. Kahit ano gagawin ko para sa kanya.

Bumalik na si Cass sa kinauupuan niya at halatang namamaga yung ilong niya. Tinawag na siya para sa kanyang vocal solo na intermission bago magtuloy tuloy yung social hour. Pero nagulat ang lahat nung nag-announce si ma’am Mendoza.

Huling Sulyap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon