CHAPTER 15 Sweetness, Apologies and Lies

42 1 0
                                    

LAWRENCE’S POV

Paano na ko neto? Eh wala na rin namang silbe. Si Cass masaya na kay Benjie. Mas gusto ko na lang tumulad dun kay Nica sa pagmamahal niya kay Josh. MARTIR. Tss. Ganti na rin to sa katangahan na ginawa ko.

Kasalukuyan akong naglalakad sa Mall of Asia, independently. Hmm. Makapangchicks na nga lang. Sasaya pa ako.

“Tsong!” Nakita kong nakaway si Escort sakin, at sino naman kaya ang bagong kaakbay nito? Teka, si Hannah yun ah?!

“Oh, pare musta?” Cold kong sabi. Wadda. Masaya na agad si Hannah. Ako na lang ang hindi. Shitlife.

“Ice lang pre! Kaw ba? Nga pala, tsong girlfriend ko. Si Hannah, yung dati mong fiancé.” Sabay kindat sakin ni Escort. Loko talaga to.

“Ohh, yeah I see. Gotta go folks. Marami raming chicks na pwedeng kalandiin dito eh. Ge.” Sabi ko sabay lagpas sa kanila.

Muli ay nilingon ko sila. Noon ko lang ulit nakita si Hannah na ganyan kasaya.

“Be happy Hannah.”

CASSANDRA’S POV

6 months later…

Yehey! December na guys. And that means—CHRISTMAS VACATION! Hephephep! Ang problema, two weeks pa before that momentum. Kasalukuyan kaming nakikinig ngayon sa Physics subject namin. As usual, magkatabi kami ni Benj. Habang ako nakikinig, siya naman natutulog. Ang boyfriend kong to. Porket mayaman, wala ng ginawa sa buhay kundi ang matulog. Pero ha, ang cute niya. ^^

Marami na rin ang nagbago sa loob ng anim na buwan. Naging mabait na si Romina at humingi na siya ng sorry sakin sa lahat ng nagawa niya. And I could see them back together ni Ryan. Ako lang ata sa school na to ang hindi nakakaalam na mag-ex pala yung dalawang yun. Ngayon, bestfriend ko na ulit yung lukaret na babaeng yun. Lagi namin silang kasama ni Ryankapag mga break time.

Same with Hannah naman, sumabog agad ang balita sa buong school na naging sila na ni Escort FOR REAL. Hanep nga yung dalawang yun eh. Away bati pero always happy. Pero ang nawalan ako ng balita ay kay Lawrence. I haven’t heard from him.. Siguro busy lang yun or whatsoever.

“Buubuu ko..” Sabin i Benj sakin habang humihikab.

“Hmm?” mahina kong sagot. Baka kasi palabasin kami netong teacher namin na to eh.

“Bell na ba?”

“Hindi pa Koko ko.”

“Sakit ng dibdib ko eh.”

“Oh my! Teka, papaexcuse na ko ha?”

“No, no, no… Iinom lang ako ng medicine then I’ll get back to sleep. Ok? Don’t be so much worried about me.”

Huling Sulyap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon