PART 27

9 6 0
                                    

TRISHA'S POV

Pagkasabi na pagkasabi ng lalakeng sumagip sa akin na umalis ako at gamitin ang sasakyan nito ay ginawa ko kaagad.

May dala din akong dos por dos incase na may makaharap ako na makakalaban.

Nang makita ko kaagad ang kotse ng lalake ay hinagis ko palayo ang hawak ko, sumakay ako agad at pinaandar ito.

Nangingig parin ang katawan ko sa takot at hindi makapaniwala na si Erick, ang kapatid ni Ellain ang gagawa sa akin nun.

Ano bang nangyayari sa kanila at pati ako nadamay sa kanila.

At ano ang ibig sabihin ni Erick about sa pinakikisamaham namin na kaibigan, si Elijah ba yun? Sya lang naman ang bago namin kaibigan eh.

If meron syang nililihim, bakit? Anong rason nya para itago yun?

Gaano sya kasama para sabihin na mas demonyo sya kesa kay Erick?

Naiiyak ako at natatakot. Ang dami daming pumapasok na tanong sa utak ko.

Ang dami kong gusto sabihin sa kanila.

Napahinto ako sandali sa isang tabi at umiyak ng umiyak.

Tumingala ako sa pagkakayuko at Inikot ko ang tingin sa loob ng sasakyan at tinignan maliit na compartment sa passenger seat nito.

Dala ng curiosity ko binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang baril at isang folder.

Kinuha ko ang folder Binuksan ko ito at napatakip ako ng aking bibig sa aking nakita.

Puno ito ng buong detalye sa pagkatao ng nagmamayari mg sasakyan. May ilang pictures din ang andito.

"H-Harris??" Sya ang may ari ng sasakyan na to? Inilibot ko ang tingin dito at nakita ang isang University Jacket sa likod ng sasakya at kinuha ito para makasiguradong sa kanya nga ito.

Tinignan ko ang likod ng Jacket at tumambad sa akin ang letrang nakasulat dito 'Smith'.

"S-si H-Harris ang sumagip sa akin kanina? P-Pero paano? Paano nya nalaman andoon ako?" Sunod sunod kong tanong sa aking sarili.

Itinabi ko muna ang jacket at Chineck ko pa ang ibang papel sa loob ng folder at nakita ko din ang file nila Erick, Ellain, ako, at si Dorothy andito din.

At mas lalo akong nagulat nang makita ang pangalan nya at buong detalye din ng pagkatao nya.

'Elijah Marie Clair
AKA Black Rose,
Leader of Black Dessert Gang,
21,
Half European, half filipina,
Father : Roberto Clair
Mother : Marie Rose Clair
Sister : Ellain Marie Clair
Hair: Burgandie,
Eyes : magenta,
Skills : know how to use of any kind of gun at the age of 10 yrs. Old, black belter,
Number one Assassin in the entire Europe. Under her father's Group. The Golder Dragon.

killed: more than 1000 people.

Feature : Soon to be Heir of the Clair family.

Friends : Maximus Hansen.
Location : villa Compound. '

Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko sa dami ng detalyeng nalaman ko sa kanya.

Kaya pala ganun sya kay Ellain, magkapatid pala sila at isa pa, kaya pala parang magkamukhang magkamukha silang dalawa.

Nakatira din sya malapit sa bahay nila Harris, posibleng magkakilala din sila.

Sinara ko na ulit ang folder at ibinalik ang mga ito sa compartment, pati na din ang jacket ni Harris sa likod ng upuan.

Kung ano man nalaman ko ngayon, ako nalang nakakaalam.

Kung ano man balak ni Harris sa amin, pipigilan ko sya. Kakausapin ko sya. Tama, kakausapin ko sya at aalamin ang totoo nyang plano sa magkapatid na Ellain at Elijah.

Gemini ♊ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon