PART 19

15 8 0
                                    

ELIJAH'S POV

After 3 weeks.

Isang bwan na after ng nangyari sa birthday ni mama. Binalitaan naman ako ni Ellain na ok na sya natrauma nga lang. She won't accept any gifts from anyone unless alam nya kanino galing. Ok na din yun, kesa maulit nanaman.

Max and Nica are done doing what i asked to them. Nakaenroll na si Max dito, at kaklase namin sya ni Nica.

Walang nakakaalam na magkakilala kami nila max kaya silang dalawa lang lagi magkasama ni Nica. But right now, andito kami sa cafeteria eating our lunch.

Nasa dulong part kami ng cafe, na animan ang pwedeng umupo. Nakasuot lang ako ng Headset listening to music, pampakalma. Kating kati akong puntahan at sabihin kina Ellain na doon na sila tumira sa bahay namin. Total ako lang ang andoon.

Kinalapag ng mahina ni Max ang lamesa para makuha ang atensyon ko kaya inalis ko muna yung Headset sa tenga ko. Di ko namalayan na andito na pala sila Ellain, Dorothy, Trisha and… the guy i saw at Mama's party, Harris smith and isa pang parang may pagkanerd na lalake na hawig din Harris.

" Hi Ellijah. Kanina ka pa namin hinahanap eh. " Ellain said. Halatang wala syang tulog dahil sa lake ng eyebags nya.

Umusog ako ng unti para makaupo sya ganun din ginawa nila Nica sa kabilang side ng upuan.

Umupo sila Dorothy at Trisha but yung dalawang kasama nila ay kumuha ng makakain nila.

" Bakit anong nangyari? Is it about tita? " I asked.

" No, namimiss ka lang namin and gusto lang namin ipakilala sayo yung mga kaibigan namin. " Paliwanag nito. Naalarma ako bigla akala ko about kay mama.

" Ah.. sure. " I just said.

Nang ilang sandali lang ay nakabaik na yung dalawa galing sa pag bili ng pagkain.

Kumuha ng upuan si Harris at umupo sa bandang gitna ng lamesa. Yung kasama nya naman na kamukha nya, ay umupo sa tabi ni Ellain. Naramdamn kong close na close din sila kaya tumukhim ako sandali at parang nakaramdam yung katabi ni Ellain kaya inayos nito ang salamin nya.

Si Harris naman, kumakain lang at nakatingin sa akin. Tinitigan ko din sya at nagtitigan kaming dalawa hangang sa sya ang bumitaw sa titigan namin.

' tsss ' i said back of my mind. Ano bang problema nito.

" Ahm.. Elijah, si Harris Smith, and Headrich smith. mga kaibigan namin, family friend actually pero si Headrich hindi nakapunta sa Birthday ni mama kaya ngayon mo palang sya nakita. Si Harris naman di gaano lumalapit sa taong di nya kilala kaya ngayon ko lang dn kayo napakilala sa isat isa. " Ellain explained.

" It's fine. Nice to meet you. " I said at binalingan ang dalawa. Pinipigilan ko maging isnabera, di ako sanay sa ganito.

Di ko sadyang napatingin ako kay Max na halatang pinipigilan tumawa same as Nica kaya sinamaan ko sila ng tingin kaya tumigil naman sila.

Tumikhim ako ulit para ipakilala din sila Max at Nica kina Ellain.

"Ahm.. Max and Nica. Mga classmates ko. " Pagpapakilala ko sa dalawa. Kumaway lang sa kanila si Max at ngumiti naman si Nica sa kanila.

" Saan pala si Erick? " Tanong ko kay Ellain. But si Dorothy ang sumagot.

" Kanina pa din namin sya di nakikita. Sabi may nakakita daw sa kanila na magkasama ni Amanda. Kakausapin nga sana namin si Erick bakit nya kasama yung Bruha na yun eh. " Dorothy said.

Bigla kaming nagtinginan nila Max at Nica, na parang sinsabi namin na 'that's it' Look pero di namin pinahalata.

" Diba alam naman ng kuya mo na si Amanda ang nagBubully sa atin dito? Bakit kasama nya? " Trisha asked.

Gemini ♊ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon