PART 7

16 15 0
                                    

Elijah's POV

Ring..
Ring..

Napatingin ako sa aking cellphone and tinignan kung sinong tumatawag, unknow number kaya di ko nalang pinansin. Inaasikaso ko kasi yung ibang papeles na sinend sakin ni max last time. About to sa mga naiwan kong trabaho doon. Like, pag transfers sa mga transactions namin sa mga kanya kanya namin account at kung ano ano pa.

Ring..
Ring..

Sinamaan ko na ng tingin ang phone ko at sinagot na ang tawag.

" BlackRose" sabi ng kabilang linya.

" Who the hell are you? " I said.

" It doesn't matter. I sent an email to you better check on it. " He said, at binaba na ang tawag.

Magsasalita pa sana ako pero nawala na talaga ang kausap ko sa kabilang linya.
Im wondering if anong email yon so, nirefresh ko ang emails ko at may nakahigh light na email doon na di pa nabubuksan. Marahil ito yung sinasabi ng tumawag na email.

Pinindot ko ang email at walang emosyon ko tong tinignan ng malaman ko kung kanino galing.

Its from the DOME.

So sila pala ang tumawag sa akin. Kamuntikan ko na makalimutan na wala pala silang permanenteng contact number once nag announce sila ng duel sa bawat kuponan, o kahit simpleng imbita lang.

Ang DOME ay isang under ground organization na halos lahat ng kasali ay mga kilalang mga gang sa buong mundo. At kagaya ng mga iba't iba mga Gang sa buong mundo ay may mga by ranking din ito, at di basta basta ang pagpapalit ng rank dito. Paghihirapan mo ito maiigi at syempre once sinabing gang ay automatic na madugo na ang labanan. Yes, kasama na ang patayan doon. Maswerte ka kung mabuhay oh mabaldado ka lang. Dahil minsan wala nang nabubuhay sa duel na yun once naimbitahan ka.

Yes, Im the Rank 1 on this Dark Organization, pero syempre di porket rank 1 na ako eh magpapakampante nalang ako. Ayoko naman na bitawan ang rank ko basta, malayo layo na din napagdaanan ko kaya di ko gagawin yon at malabong malabo kong gagawin yon, matagal kong iningatan at pinahalagahan ang Rank ko na to.

Nalaman ko itong organisasyon na to dahil na din sa mga tumulong sakin nung time na tumakas ako sa magaling kong ama.
Sila nagsanay sakin para maging mas matatag at mas malakas ako.

Once pumasok ka dito, di mawawala ang pustahan at bayad once manalo ka oh maipanalo mo ang rank mo. Dito, Bukod pa ang pusta sayo at sa ipapanalo mo. Yes, dito na din ako kumikita kaya minsan sila lang hinihintay ko para madagdagan ang pera ko. Minsan naman tumatanggap ako ng mission pero bihira lang. Mas focus ako sa duel kesa sa mission. Easy lang kasi yang mission mission na yan, pero pakikipag duel hindi, dahil may pinanghahawakan ako dun. Ang pagiging RANK 1.

Ang halaga ng mapapanalunan mo at ipupusta sayo is ranging of half a BILLION OR A TRILLION DOLLARS. Ganun kayayaman ang mga pumupunta at pumupusta sa amin.

Ginaganap ang duel sa PARIS. kung saan ako talaga nakatira noon. Aside sa mga gang at undergroud sponsors ng DOME, ay wala ng ibang nakakaalam nito. At iniexpect ko nang malalaman ni Papa yun dahil isa din sya sa mga kilalang mafia at a gang leader. Pero di nya alam na ako mismo ay kasali doon. He just know my code name, not my real identity once nagiinvite sila sa Dome.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang email.

At tinawagan agad si max about dito.

Nakadalawang ring na tsaka lang sinagot.

" Tagal mo sumagot? " I said.

" May ginawa lang. Ano ba yun? " He asked. Mukhang may gingawa nanaman kababalaghan tong lalakeng to. I know Max, he's a certified playboy. I just rolled my eye about it.

Gemini ♊ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon