PART 8

20 14 0
                                    

ELIJAH'S POV

Kakarating lang namin ng Cafeteria at nag-unahan naman sa pagorder sila Trisha at Dorothy ng pwede namin kainin sa garnder na sinasabi nila.

Medyo awkward kasi kaming dalawa magkatabi ni Ellain, and may napapatingin sa aming mga estudyante.

" Para silang kambal tignan noh? "  Girl 1.

" Oo nga, di kaya magkapatid sila? Pero malabo.. NERD yung isa, pero yung isa ASTIGIN, imposible!" Girl 2.

" Malay mo, sa iba pinalaki yung burgandy ang buhok tapos yung yung nerd sa MGA nerd na kagaya nya.. " Girl 3.

Sabay sabay tawanan nila.

What the--!! Sabi ko, pero syempre isinautak ko lang yun, baka lalo akong mahalata ng kakambal ko eh.

Nagpantig ang tenga ko sa mga pinagsasabi ng mga Chismosa na to, at marahas silang nilingon sa likod. Nang mapansin naman ako ni Ellain ay hinawakan nya ako sa braso at inilingan ako na parang sinasabi nyang wag ko nalang pansinin. Alam na nya siguro mangyayari sa mga yun once nilapitan ko sila.

Pinilit ko nalang ikalma ang sarili ko dahil doon at nilingon ulit mga babaeng nagchichismisan at masama silang tinignan, maya maya at nagtakbuhan ang mga ito paalis sa likod namin.

Nang makatapos sa pagoorder sila Dorothy at Trisha ay nagpasya na kami lumabas ng Cafetiria.

Pero sadya talagang malakas magtrip si tandahana..


"KUYA ERICK!!" Tawag ni Ellain.

Natigilan ako bigla ng tawagin nya si Erick. Shit!

Narinig naman ni Erick ang kakambal ko at maske sya ay nagulat na makita kaming magkasama ni Ellain.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at umastang walang nangyayari.

" Hi sissy!!!" Sigaw nito. What the fudge! Kailan pa Naging bakla si Erick?! Nanlaki ang mga sa inasal ni Erick ngayon.

Nang makalapit na sa amin si Erick ay ipinakilala na ako ng kakambal ko dito.

" Kuya, si Elijah nga pala, new friend namin. Elijah kuya ko, si Erick. "

" Hi~~~! Nice to meet you, " Erick said, at naglahad ng kamay sa akin. Di mawala wala ang tingin ko sa kanya, Gusto ko syang dagukan sa pinag gagawa nya.

Why Erick didnt tell that he's a gay. Im not against it pero bakit? Alam ko lalakeng lalake sya, sa way namin magusap sa phone lalakeng lalake sya.

Inabot ko ang kamay nito at diniinan ang pagkakahawak. Alam ko medyo nasaktan sya doon pero di nya lang pinahalata kina Ellain.

" Hey.." i just said, at umiwas na ng tingin sa kanya.

" San ka pupunta ngayon kuya? " Ellain asked. Di parin nawawala ang tingin sa akin ni Erick.

" Kakain na sis with my friends muna,c madami pa akong project today eh, and need na ipasa today. Namamaga na nga mga eye bags ko ehh.. look, " pag iinarte nito at itinuro pa nya ang kanyang mata na medyo nangingitim at namamaga. I secretly rolled my eyes on him. Arte!

" Sayang kuya, balak ka pa naman sana namin isama sa tambayan namin. " Trisha said.

" Maybe next time girls. I promise, bawi ako next time ok? " Erick said.

Gemini ♊ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon