PART 28

8 6 0
                                    

ELIJAH'S POV

Kakarating lang namin dito sa bahay at nakita ko na din ang sasakyan nila Max, halo halong Emosyon nararamdaman ko.

Kinakabahan ako, nagaalala ako, basta! I hope, maging maayos ang paguusap namin.

Naglakad na kami papasok at nakita ko sila Max at Nica nakatayo sa sala at si Trisha at Dorothy na nakaupo sa sofa.

"Trisha, Dorothy..!" Tawag ni Ellain dito at tumakbo palapit sa kanila.

Niyakap nya ang mga ito at ganun din ang dalawa.

"Elijah.." Dorothy.

Tumango lang ako sa mga ito, at umupo na din sa single sofa na malapit sa kanila.

Harris and Headrich is standing beside of them.

"How are you Trisha?" Tanong ko dito.

"O-okay naman, ito buhay na buhay pa. Nagpapasalamat ako doon sa taong tumulong at nagligtas sa akin para makaalis sa lugar na yun." Sabi nito at tumingin kay Harris, but si Harris ay umiwas ng tingin dito.

Did i saw it right? Tss.

"Did they tell anything Trisha?" I said para syang natigilan sa tinanong ko.

Umiling lang ito sa akin, at lumapit ako dito.

"Trisha, i want you to listen to every words that i would say." Sabi ko dito at lumuhod sa harap nito para magpantay kami at tinitigan sya maiigi sa mga mata, sabay hawak sa mga kamay nito.

"Kung ano man ang sinabi o ginawa nila sayo, wag mo na iisipin yun. Hayaan mong mga Awtoridad na ang magasikaso ng nangyari sayo, alam ko kumikilos na sila ngayon. Basta next time wag na wa wag ka nang aalis ng ikaw lang magisa, naiintindihan mo ba?" Sabi ko dito.

Tumango ulit ito. Palihim kong tinignan si Harris. Alam kong nakikiramdam din sya pero di ko nalang ipinahalata.

"At kung sino man tumulong sayo na makaalis sa lugar na yun, alam ko mabuti hangarin nun sayo. Alam ko ginawa nya yun dahil alam nyang doon lang sya makakatulong. " Sabi ko dito at palihim na nilingon si Harris.

"S-salamat, Elijah." Tanging sabi nito at tumingin ulit kay Harris.

Tumayo na ako at nagpaalam na pupunta lang akong kwarto.

Hinayaan ko muna sila magusap usap. Alam ko sobra din silang nagalala kay Trisha.

Kung si Harris man ang sumagip kay Trisha, nagpapasalamat ako doon. But i hope soon, he will tell me everything.

Pagkaakyat ko sa opisina ko ay kinuha ko na ang mga Kailangan kong kunin, lahat ng katibayan ko about kay Erick para once malaman lahat ni Ellain at Mama, mas mapapadali sa akin na ilipat sila dito sa bahay at may mga Ebidensya akong maipapakita sa kanila.

I texted Max para ihatid na sila Dorothy at Trisha sa bahay nila at sabi nito sumabay na din pauwi sila Harris at Headrich.

Iniwan ko na lahat sa lamesa ko ang mga kailangan ko ipakita kay Ellain.

I think its really time na malaman nya na lahat ng about sa amin magkapatid.

Alam kong mahihirapan sya, at alam kong mabibigla sya. But im praying that she will understand everything we did not only for mama, but also for her.

Lumabas na ako ng kwarto sumilip muna sa baba at nakita ko si Ellain na kausap si Nica.

Bumaba ako at pinuntahan silang dalawa doon.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sila tinawag.

"Ellain, Nica samahan nyo ko sa taas." Sabi ko sa mga ito.

Gemini ♊ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon