Chapter Eight

5 0 0
                                    

Chapter Eight


Human world


"Nandito sa librong to ang mga impormasyong kakailanganin mo sa iyong misyon. Sa ngayon ay wala pang nakakaalam tungkol sa misyong ito maliban na lang sa pinuno at sa buong konseho. Sa mundo ng mga tao ay kailangan mong mamuhay na parang tao rin. Tungkol naman sa dugong iyong iinumin ay wag kang mag-alala dahil ginawan na ito ng paraan. Gumawa si binibining Delia ng isang kwintas na siyang makakapagkontrol sa iyong uhaw nang sa gayon ay para ka ng isang tao." pagpapaliwanag ng kanang kamay ng pinuno. Napatango naman ako sa kaniya.


Sa totoo lang ay talagang kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang kahihinatnan ng misyon kong ito. Mayroon na naman akong kaalaman tungkol sa pamumuhay ng mga tao kaso iba pa rin kapag ako mismo ang gumaya nito.


Nandito kami ngayon sa dulo ng kagubatan kasama si binibining Delia. Agad siyang lumapit sa'kin at sinuot sa leeg ko ang kwintas na kulay asul. Nilahad din nito sa akin ang librong kanina'y hawak-hawak ng kanang kamay ng pinuno.


"Mag-iingat ka. Ang mundo ng mga tao ay sadyang puno ng panlilinlang kaya kailangan mong maging maalam at alisto sa lahat ng pagkakataon. Tandaan mo na kaunting oras lamang ang ibinigay sa iyo ng pinuno kung kaya't agad mong simulan at tapusin ang iyong misyon sa lalong madaling panahon. Naiintindihan mo ba ako, Alleyenah?" pagpapaliwanag ni Binibining Delia sa akin.


"Opo, binibini." seryoso kong sagot. Agad naman siya lumayo sa akin at humarap sa kinasisinagan ng araw. 


Pansin ko ang pagbulong-bulong niya sa hangin at ang pagkumpas ng kamay niya. Tila lumakas at lumamig ang pag-ihip ng hangin. Agad kong hinawakan ng mabuti ang libro, natatakot na mabitawan ito.


Matapos ang ilang minuto ay nagkaroon ng isang kulay puting liwanag sa harapan. Sa sobrang pagkamangha ko ay di ko napansin na tinatawag na pala ako ni binibining Delia.


"Alleyenah, dalian mo't pumasok na sa lagusan bago pa ito magsara ng tuluyan!" sigaw niya na nagpagising sa diwa ko.


Agad akong naglakad patungo sa lagusan at lumingon muna panandalian kina binibini at sa kanang kamay ni pinuno. Bahagya ko silang nginitian at agad na ding tumalikod kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. 


Siguro ay ito nga ang nakatadhanang mangyari sa akin. Inihakbang ko ang paa ko sa lagusang at pinikit ang mga mata ko. Kasabay nito ay ramdam ko ang pagkain sa akin ng liwanag.






"Miss!" napamulat ako at nabigla ng biglang may humawak sa kamay ko kaya napaharap ako sa kaniya.


"Miss okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Bakit ka ba kasi tatawid eh alam mong di dito yung tamang tawiran? May plano ka bang magpakamatay?" dire-diretso niyang saad kaya wala akong masyadong naintindihan.


N-Nandito na ako?


Nilibot ko ang aking paningin at agad napansin ang napakaraming tao at mga gumagalaw na parang mga metal na kung tawagin ay sasakyan ayon sa aming guro.


Inalis ko ang paningin sa mga sasakyan at humarap sa lalake na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang dalawang kamay ko. Bahagya pa siyang nagulat ng lumingon ako.


"P-Pasensiya na po. H-Hindi ko naman intensyon na magpakamatay. Ako po ay may iniisip lamang kaya bahagya po akong nawala sa isip. P-Pasensiya na po talaga." nauutal kong saad sa kaniya at binawi ang kamay ko upang ayusin ang salamin kong bahagyang tumabingi.


"A-Ano, hehe ayos lang. Sa susunod huwag kang magspace-out habang naglalakad baka masagasaan ka or what." kumakamot batok na aniya. Kahit di ko masyadong naiintindihan ang sinabi ay agad na lang akong tumango.


Agad ko namang naalala ang misyon ko kaya bahagya akong nataranta. Saan ako magsisimula nito?


"Miss." rinig kong saad ng lalake. Ako ba ang tinatawag niya? Hindi naman miss ang pangalan ko.


"Ako nga pala si Alleyenah Sheden." pagpapakilala ko sabay lahad ng kanang kamay. Tila nagulat naman siya pero agad din namang tinanggap ang kamay ko.


"I'm Micheal Raven." nakangiting sagot niya. Napanguso naman ako. 


"Ang haba naman ng pangalan mo. Wala ka bang palayaw? Ako kasi meron. Ash ang palayaw ko." saad ko kaya mas lumaki ang ngiti niya.


"Pwede mo akong tawaging love." sagot niya kaya naman napakunot ang noo ko.


"Love? Diba pagmamahal iyon? Bakit Love ang palayaw mo? Ang layo naman." naguguluhan kong saad.


"Mahal kasi ako ng mga magulang ko kaya love." Sagot niya at napatango naman ako. Ganun pala iyon?


"Masaya akong makilala ka, love." nakangiti kong saad sa kaniya pero naguluhan ako kung bakit siya tumawa na parang naaaliw pa.


"Damn." kagat-labing aniya.






--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Sorry for the typographical errors, if there are. This is still unedited so kindly understand. Thank you!

The Nerdy VampireWhere stories live. Discover now