Chapter Two

9 0 0
                                    

Chapter Two



Bullies


"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Kairanzel Ptaliano. Masaya akong maging kaklase niyong lahat!" nakangiting pagpapakilala ni Kai sa buong klase.


"Wa! Ang ganda naman ng anak ni Pinuno!"


"Grabe, siguro mas gaganda pa siya pagdating niya sa edad na labingwalo."


"Sana lahat!"


Rinig kong sabi ng mga kaklae ko na nakatingin kay Kai. Di ko naman sila masisisi kung masyado silang mamangha dahil sobrang ganda naman talaga ni Kai.


Matapos magpakilala ni Kai ay sumunod naman si Ron. Magkatabi kaming tatlo ng upuan. Nasa unahan kami pumwesto para mas madali.


"Magandang umaga. Ako si Kaironiel Ptaliano." maikling pagpapakilala ni Ron. Hindi din siya ngumiti. Ang suplado talaga niya. Sana naman ngumiti siya kahit konti, siguro mas lalo siyang gugwapo. Hehe.


"Pakasalan mo po ako!"


"Ang gwapo ni Niel!"


"Sana lamesa na lang ako para bukas ay tomorrow!"


Grabe naman kung magbulungan mga kaklase ko, rinig na rinig eh. Hayaan na nga. Ako na ang susunod! Kinakabahan ako pero dapat ngiti lang. Sabi kasi ni mama ay ngumiti daw ako para makita nila na gusto ko silang maging kaibigan.


"Magandang umaga mga kaklase! Ako nga pala si Alleyenah Sheden Avxorhia." sabi ko sabay ngiti. Tiningnan lang nila ako na parang walang pake. Di bale na nga, baka pakiramdam ko lang yun. Gusto rin naman nila akong maging kaibigan, siguro.


Nagpatuloy ang pagpapakilala hanggang sa matapos nga. Nagpakilala rin ang guro namin na si Binibining Seyara. Nang tumunog ang kampana ay nagsitayo na ang mga kaklase ko. Siguro pupunta sila sa kainan sa labas. Cafeteria ba yun? Di ako pamilyar eh.



Nilingon ko ang kambal at nakita kong inaayos nila ang kanilang mga kwaderno.



"Lalabas ba kayo at pupunta sa canteria?" inosenteng tanong ko.


"Cafeteria." Pagtatama ni Ron sa'kin. Napanguso ako.


"Oo nga, cafiria nga." sagot ko. Kita ko kung paano pigilan ni Kai ang tawa niya. Napanguso ako lalo. Tama naman ah.


"Tsk. Ewan ko sayo." Inirapan ako ni Ron. Minsan napapaisip ako kung bakla ba siya kasi panay irap eh. Pero sana hindi. Sayang siya. Hehe.


"Ah, hehe. Hindi kami pupuntang cafeteria, Ash. May baon kasi kami. Tsaka baka siksikan doon." Ani ni Kai pero mukha pa rin siyang matatawa.


The Nerdy VampireWhere stories live. Discover now