Chapter Ten
School
"Ayos ka lang ba, Miss?" napamulat ako ng marinig ko ang tinig ng isang babae.
"A-Ayos lang a-ako." nauutal na sagot ko.
"Pasensya ka na kasi di namin nakita na padaan ka pala. Kung pwede sumama ka samin, dadalhin ka namin sa pagamutan para makasigurado kung ayos ka lang ba talaga." dire-diretsong sabi niya at inalalayan akong tumayo. Hindi ko alam kung bakit pero sumama ako sa kanila, sabihin na lang natin na palagay ko ay di naman sila masama.
Inalalayan niya akong makapasok sa sasakyan nila. Grabe ang pagkamangha ko. Unang beses na nakapasok ako sa loob nito kung kaya't bahagya itong nagdulot ng kasiyahan sa'kin. Narinig ko ang pagtikhim ng isang lalake kaya bumalik ako sa wisyo. Nasa unahan siya at palagay ko ay siya ang nagmamaneho nitong sasakyan. Bahagyang nakakunot ang noo nito.
"Phil, dalhin muna natin siya sa ospital." saad ng babae na tinanguan naman ng lalake. Nanatili lamang akong tahimik hanggang sa narinig ko ang pagtikhim ng babae.
"Ano nga palang pangalan mo?" nakangiting tanong niya.
"Ash....pwede niyo akong tawaging A-Ash." nahihiyang sagot ko.
"Ako nga pala si China, Ash. Siya naman ang nakababatang kapatid ko na si Philip."
"A-Ah." maikling sagot ko. Di ko rin alam ang sasabihin ko. Baka kapag naging madaldal ako ay sabihin nilang masyado akong FC. Sabi ni Kai sa'kin, ang FC daw ay yung mga taong di naman magkakilala pero kung umasta ay parang kakilala na nila ng matagal na panahon ang isa't-isa.
"Matanong lang kita, Ash. Bakit ka pala tumawid kanina sa di tamang tawiran?" di tamang tawiran?
"A-Ah...ano... medyo wala ako sa isip k-kanina...oo 'yon nga." utal-utal na sagot ko at bahagya naman siyang tumango.
Ilang minuto ang nakalipas ng tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking gusali. Nagulat ako ng bumaba ang dalawa. Hala! Di ko alam pano ako makakalabas dito. Magsasalita na sana ako ng magbukas ang pintuan sa gilid ko. Agad kong nakita ang seryosong mukha ni Philip. Tahimik akong bumaba at nagpasalamat sa kaniy. Pumasok kami sa loob ng gusali at di ko maiwasang di ilibot ang aking paningin.
Marami akong nakikitang mga nakaputi. Kailangan kaya puti ang suot para makapasok dito? Hmm, hindi naman siguro.
"Anak, bakit kayo naparito?"napahinto kaming tatlo sa paglalakad ng may sumalubong saming isang babae. Bahagya pa akong nagulat ng yakapin niya sina China at Philip.
"M-May muntik na kasi kaming masagasaan kanina, ma. D-Dinala namin siya dito baka para patingnan." nakayukong saad ni China.
"What?! May muntik na kayong masagasaan? Iyan na nga bang sinasabi ko, e. Dapat di nalang pinamaneho sa'yo ng papa mo ang sasakyan, Philip." may diing sagot ng, uh, siguro mama nila. Hay, namiss ko tuloy sina mama at papa. Akala pa naman nila, patay na'ko ngayon.
YOU ARE READING
The Nerdy Vampire
VampireI am Alleyenah Sheden Avxorhia. I am a vampire. And this is my story... *** DISCLAIMER: This story is written in TagLish but most of the time, it is in Filipino.