Chapter Eleven

7 0 0
                                    

Chapter Eleven


First Kiss


"Ito nga pala ang magiging kwarto mo dito sa bahay. Bale this is the guest room pero its your room now. Uh, siguro papahiramin na lamang muna kita ng damit ko. You can take a rest muna, tatawagin na lang kita pag hapunan na. Bye!" nakangiting saad ni China bago tumalikod at umalis.


Agad kong inilibot ang aking paningin at lubos akong namangha sa disenyo ng silid. Malaki ang kama, puti ang kulay ng buong silid at talaga ngang napakalinis dito. Agad akong sumampa sa kama at napangiti ng mapagtantong napakalambot nito.


Matapos ang ilang minutong pananatili ay tinawag na ako ni China. Agad akong sumunod sa kaniya at nakita kong nasa hapag na sina tita, Philip at isang batang maliit at isa ring lalake na sa palagay ko ay papa nila. Eto na naman ako, tinutubuan na naman ng hiya.


"Magandang gabi po." nahihiyang bati ko.


"Magandang gabi din. Oo nga pala. Meet China and Philip's father and little brother. Pete, meet Ash. She'll stay with us from now on." ani ni tita Carla sa asawa.


"Hi, ija. You can call me tito Pete. Feel at home. Come and join us eat." nakangiting saad ni tito Pete.


"Rex baby, say hi to ate Ash." malambing na saad ni tita sa maliit na batang lalake.


"Hello ate Ash." nahihiya ring bati nito. Nginitian ko sila ng malaki. Ang babait naman nila!


Di ko inakala na makakakain ako ng marami ngayong gabi na di nakakaramdam ng uhaw sa dugo. Bahagya ko pang tiningnan ang kwintas na bigay ni Binibining Delia at hinawakan ito. Sa hapag ay marami ang napagkwentuhang mga bagay-bagay. Matapos kumain ay pinahiram sakin ni China ang iba sa mga damit niya.


"Goodnight, Ash!" nakangiting saad niya at nginitian ko na lamang siya ng malaki. Ano ba ang goodnight? Kinakain ba 'yon?


Inayos ko ang aking salamin at inumpisahang basahin ang libro. Ayon dito ay taga Trias, Cavite daw ang angkan ng mga JACKSON. HAY! Saan ang Trias Cavite? Itatanong ko bukas kina tita baka alam nila. Ngayon ay magpapahinga muna ako. Madami ang nangyari ngayong araw kaya ramdam ko ang pagod sa buong sistema ko.




"Magpapa enroll tayo ngayon. Binigyan ako ni mama ng pera, pa-Jollibee tayo pagkatapos." nakangiting ani ni China. Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng tumira ako sa bahay nila.


Nung sinabi ni tita na pag-aaralin niya ako, kinaumagahan ay agad niyang inasekaso ang mga papeles ko daw. Nagtaka pa siya ng mapag-alaman na kumpleto ang papeles ko ngunit kahit ganun ay di siya nagtanong sa'kin. Mabuti na rin naman iyon dahil di ko alam kung ano ang pwede kong isagot. Ni hindi ko pa naitatanong ang nais kong itanong dahil abala si tita at si China naman ay ganoon din. Nahihiya naman akong magtanong huhu.


"Saan tayo pupunta?" inosenteng tanong ko dito.


"Sa school!" aniya habang inaayos ang buhok niyang nakalugay. Nakasuot kami ngayon ng simpleng puting blusa at pantalon. Pinahiram ito sa'kin ni China kanina lamang. Agad kaming umalis at sumakay sa sasakyan na kung tawagin nina China ay taxi.


Matapos ang ilang minuto ay nakarating kami sa school. Agad kaming dumiretso sa may mga pumipilang estudyante at pumila rin. Nasa likuran ako ni China at luminga-linga. Ang daming mag-aaral. Mas marami pa kesa doon sa aming mundo.


"Tara!" hinila ako ni China papunta sa isang lamesa. Binigyan niya ako ng papel. Di ko alam ang gagawin kaya sinunod ko na lamang ang nilalagay ni China sa papel niya.


"Hay sa wakas, natapos rin!" humihingal na ani ni China, animo'y sumali siya sa isang patimpalak sa pagtakbo.


"Saan na tayo ngayon, Chi?" nakangiting tanong ko.


"Sa Jollibee!"


Agad kaming naglakad palabas ng pila. Panay ang kwento ni China kaya nasa kaniya ang atensyon ko. Tanging tango lang ang nasasagot ko kapag di ko naiintindihan ang sinasabi niya.


"Wah!" nagulat ako ng may sumigaw kaya napaharap ako sa lalaking pasalubong sa akin ngayon. Dire-diretso ang takbo niya at halatang di na kayang huminto. Napatid siya ng isang mag-aaral ng isang pulgada na lamang ang layo niya sa akin. Napapapikit na lamang ako ng dumagan siya sakin at sabay kaming natumba sa lupa. Nang magmulat ako ay nakita kong nanlaki ang mga mata niya, nagulat ako ng mapagtanto na nagsalubong ang aming mga labi. P-Paano? Agad siyang umupo mula sa pagkakadagan at bahagyang hinipo ang mga labi. Nanatili akong nakatulala habang bumabangon.



"Wala na ang first k-kiss ko." mahinang saad niya ngunit sapat na iyon para marinig ko.


First kiss? Ano iyon? Kinakain ba 'yon?





--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



HAPPY VALENTINE'S DAY!


Sorry for the typographical errors, if there are. This is still unedited so kindly understand. Thank you!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerdy VampireWhere stories live. Discover now