Chapter Five

9 1 0
                                    

Chapter Five


Transition period


Halos di ako tumigil kakaiyak. Mabuti na lamang at nandon si Kai at Ron upang alalayan ako. Kinabukasan ay halos tawanan na ako, hindi lang ng mga kaklase ko kundi pati na rin ng lahat ng mag-aaral sa paaralan lalo na kapag di ko kasama ang kambal.


Pinunasan ko ang luhang tumulo sa kabilang pisngi ko ng maalala ko ulit ang pangyayaring iyon. Simula noon ay di na ako kumanta pa. Nadala na ako kumbaga. Ilang taon na mula nung mangyari yun pero yung pagkakapahiya at pangungutya nila ay dala ko pa rin hanggang ngayon.

 

Naglalakad ako ngayon papunta sa paaralan ng makasalubong ko ang grupo nina Amelia. Napalunok ako at inihanda ang sarili sa kung ano man ang gagawin nila sa akin. Naalala ko pa noon nung sinabuyan nila ako ng isang timbang tubig. Ang nagawa ko lang noon ay ang umiyak. Basang-basa ako nun.


"Bakit niyo a-ako inaaway, Amelia?" naluluha kong tanong sa kaniya.


"Bagay lang yan sayo. Malandi ka kasi. Akala mo naman kung sino, eh nakipagkaibigan ka lang sa kambal akala mo bagay na kayo ni Niel?!" nakangisi niyang sagot.


"H-hindi ko naman sinabi na b-bagay kami—"


"Tumahimik ka!" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsampal niya.


Simula noon, kapag di ko kasama ang kambal ay lagi na nila akong inaaway. Wala ni isa ang nagtanggol sakin dahil halos silang lahat ay galit din sakin at tingin sakin ay malandi. Pero alam ko namang hindi ako ganoon eh. Kaya napagpasyahan kong balewalain na lamang sila at hayaan sa gusto nilang gawin. Alam ko naman na may kakayahan pa silang magbago. Hindi man ngayon pero balang araw ay maaaring ganoon.


"Oh, nandito na pala ang pangit." Ani ni Shaina sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa.


"Kaladkarin niyo 'yan papunta doon!" sigaw ni Amelia. Hinayaan ko lang sila na kalakarin ako. Sanay naman na ako. Dinala nila ako sa likod ng paaralan at sinabunutan. Ni umiyak ay di ko na nagawa dahil manhid nako sa pananakit nila sa'kin.


"Akala mo di ko nakita yung paghawak-hawak mo sa kamay ni Niel noong nakaraan?! Huwag ka nga, baka mahawaan mo pa siya ng sakit. Walang hiya ka!"


Matapos ng isang oras nilang pananabunot ay agad din silang umalis. Bumuntong-hininga ako at unti-unting inayos ang sarili. Pati ang uniporme ko ay nagusot na rin. Nang matapos ay agad akong dumiretso sa silid-aralan namin.


"Bakit ngayon ka lang, Ash? " tanong ni Kai pagkaupo ko.


"Inutusan pa k-kasi ako ni mama." pagrarason ko ng di tumitingin sa kaniya.


"Bakit nagusot uniporme mo?" nanigas ako sa itinanong ni Ron.


"H-Ha?" ang nasagot ko lamang.


Magsasalita pa sana ito ng biglang dumating ang aming guro. Hay, salamat!

The Nerdy VampireWhere stories live. Discover now