Kyungsoo's POV
" Ang sarap mo palang magluto Kyungsoo! Pwede ka ng mag chef nito! " sabi sa akin ni Tito.
Ewan ko ba bakit parang mas close pa kami nung tatay ni Kai. I thought talaga na masungit siya kaso hindi naman pala. Kinakabahan pa ako kanina tapos sabay sabi ni tito na joke?! Grabe kung hindi lang talaga yun yung tatay ni Kai nako baka tinusok ko na yun ng hawak kong tinidor kanina.
" ah salamat po. " Tinapik naman niya ako sa balikat. Napalingon naman ako kay Tito.
" Luto ka pa ah! " akala ko pa naman kung ano na.
" Oh sige po. " sabay naman nun ang pagdating ni Kai.
" Tara na. " anong tara na?
" Aalis na kayo agad?! Hindi pa nga siya nakakapagluto ulit papaalisin mo na siya agad anak?! Aba hindi pwede yan dito lang siya. " natawa naman ako dun. Ang ganda --este gwapo ko naman! Pinag-aagawan ako ng magtatay!
" Hinde pwede dad. Pupunta kami sa mama niya tsaka kailangan na niyang umuwi. Diba Kyungsoo? " nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya. Oo nga pala.
" Ah oo. Sige po tito next time po papadalhan kita tsaka lulutuan po kita. Kahit ano! Babawi ako sa inyo ^_^ "
" Sabi mo yan ah! O sige layas na nang makauwi na siya. Oy! Ikaw Kai ah ingatan mo tong boyfriend mo baka mamaya kung saan mo na dalhin yan ayokong malalaman ko na lang na isang araw eh makulong ka dahil ni-rape mo to. Kaya umayos ka kilala kita. "
Rape? O_o
Kai's POV
Nakita ko namang nanlalaki yung mas malaki pa ang mga mata ni Kyungsoo. Loko kasi tong si dad eh!
BINABASA MO ANG
Hired Boyfriend [ K A I S O O - HIATUS ]
FanfictionSamahan natin si Kyunggie kung paano niya pakikisamahan ang amo nya na kanyang 'BOYFRIEND' kuno na si Kim Jong In o mas kilala natin bilang Kai. / O N G O I N G - H I A T U S / Hired Boyfriend Date Published: November 11, 2014 Date Started: Decembe...