HB / N I N E /

666 39 5
                                    

Kyungsoo's POV

" Ayyyiiiiieeee!!! Lagot ka kuya!! Isusumbong kita!!! " at tumakbo na ang kapatid ko papunta sa kwarto ni mama.

Aish! Bakit ko ba kasi sinabi yun! Baka kung anong isipin nitong si K--

" Bakit mo sinabi! " nagulat naman ako nanh bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat ko. May problema ba sa sinabi ko?

" Bakit? Ano namang meron dun? Ayaw mo nun tayo na talagang dalawa. " nakangiti kong sabi sa kanya. Mas maganda na din kung sasabihin ko na agad kina mama para walang problema.

" Hindi... ba sila magagalit sayo? Na nagtratrabaho ka bilang.... ano... " 

" Syempre hindi ko sasabihin na nagtratrabaho ako sayo no! Baka makarating pa yun sa tatay mo. "

" So magiging tayo talaga... sa harap nila? " yung totoo? Sino ba talaga ang amo sa aming dalawa? -_-

" oo. Diba nga sabi ko sayo gagawin ko talaga ng mabuti ang trabaho ko sayo kaya.... " hinawakan ko ang kamay niya at tumingin ako ng deretso sa mata niya.

" Tara na? *^▁^* " sabi ko sa kanya at hinila na siya papunta sa kwarto ni mama.

--x

" Mama! " agad akong pumunta kay mama at niyakap siya habang si Kai naman ay nilapag ang mga binili namin sa table. 

Agad akong bumitaw sa yakap niya at agad kong nilapitan si Kai para ipakilala kay mama.

" Mama si Kai po... " tumingin muna ako kay Kai at binalik ko yung tingin kay mama. 

" Ang boyfriend ko. " Siniko ko si Kai para bumati kay mama.

Hired Boyfriend [ K A I S O O - HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon