H B / T H I R T E E N /
JongIn's POV
Umuwi ako sa bahay na may malaking ngiti na makikita sa mukha ko.
Hindi ko ba alam pero. Natutuwa talaga ako at sa unang pagkakataon eh si Kyungsoo ang humalik sa akin.
Humilata ako sa sofa at iniisip ang nangyari kanina.
Pero ang nakakapagtaka kasi biglang namula ang mata ni KyungSoo. Ano kayang nangyari sa mata niya?
" Sir JongIn. " agad akong napabanggon nang tinawag ako ni manang.
" Bakit po? " syempre kahit nagtratrabaho si manang sa amin eh dapat ginagalang ko pa rin siya. Wala din naman kasing kinalaman ang trabaho sa edad niya.
" Pwede po ba akong mag day off ngayon? Kinsenas na kasi ibibigay ko lang itong sinahod ko sa pamilya ko. "
" Ah sige po manang! " nasabi ko na lang at nagpasalamat siya sa akin bago umalis.
Kinsenas na pala ngayon?
Haist. Kung dati kapag kinsenas eh ako ang nagpapasahod sa mga empleyado ko sa kompanya ngayon hindi na. Si Dad kasi siya raw muna ang bahala sa kompanya at ituon ko lang daw ang pansin ko sa karelasyon ko na si KyungSoo. Haist kung alam lang ni Dad.
Teka? Sahod na rin pala ni KyungSoo ngayon!
Napangiti ako at tumakbo paakyat ng kwarto ko. Kumuha ako ng 50,000 sa vault ko. 100k sana kaso ayaw ni KyungSoo. Masyado daw kasing malaki. Ewan ko ba dun tinanggihan pa ang grasya.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kyungsoo. Limang rings pa bago niya sinagot.
[ H- hello? ]
" Kyungsoo ikaw lang ba diyan sa bahay niyo ngayon? " tinatanong ko lang baka kasi pag punta ko dun eh nandun ang nanay at kapatid niya. Mahirap na mabisto pa kaming dalawa na inaabutan ko siya ng sweldo.
[ Oo bakit? ]
Yes! " pupunta ako diyan ngayon. May ibibigay ako. "
[ Ano *sniff* ba yung *sniff* ibibigay mo? *sniff* ]
Napakunot ako ng noo nang nag iba ang tono niya. Parang sinisipon?
" Ah ibibigay ko yung sweldo mo ngayon. Kinsenas na pala hindi mo ako sinabihan. "
[ Ah *sniff* ganun ba? *sniff* sige ako na lang *sniff* ang pupunta diyan. ]
" Eh KyungSoo? sinisipon ka ba? Ako na lang ang pupunta. "
[ No! *sniff* Wala to. Nanonood ako ng *sniff* drama mamayang 3 ako pupunta diyan. *sniff* ]
![](https://img.wattpad.com/cover/26377468-288-k234106.jpg)
BINABASA MO ANG
Hired Boyfriend [ K A I S O O - HIATUS ]
Hayran KurguSamahan natin si Kyunggie kung paano niya pakikisamahan ang amo nya na kanyang 'BOYFRIEND' kuno na si Kim Jong In o mas kilala natin bilang Kai. / O N G O I N G - H I A T U S / Hired Boyfriend Date Published: November 11, 2014 Date Started: Decembe...