Kyungsoo's POV
Ano ba tong ginagawa ni Kai?! " sssshhh I got this okay? "
Hinayaan ko naman siya na ipagpatuloy ang ginagawa niya I got this daw eh. Pero hindi naman niya kailangan gawin yon isang linggo pa naman kaya ko pang makahanap ng pera.
" Nabayaran ko na po lahat. Okay na po ba? Wala ng aalis? " nakangiting tanong ni Kai kay Mrs. Lopez na kasalukuyang binibilang ang perang inabot ni Kai.
" hmmm oo naman madali lang naman kasi akong kausap. " nilagay niya sa kanyang bulsa ang pera at tumingin siya sa akin
Nginitian niya ako. Wushu~ plastic! " Salamat sa pagbayad! Uy! Gwapo ng kasama mo ah?! Boyfriend mo? " mausisa niyang tanong sa akin na siyang ikinapula ng mukha ko.
Teka?? Bakit ba ako namumula? Bakit ba feeling close tong megaphone na to? Nabalik ako sa totoong mundo sa sinabi ni Kai.
" Opo. Ako po ang boyfriend niya. " nakangiti pa siyang tagumpay habang sinasabi yan.
Tatanggi sana ako pero sumabat si Mrs. Lopez " Ayiie! Kaya pala ah! Geh una na ako. " at umalis na siya.
Agad kong hinampas sa braso si Kai at inunahan siya sa pagpasok sa bahay namin.
Nakita ko naman syang sumunod sa akin
" Bakit mo ako hinampas? " tanong niya sa akin habang ang hinihimas nya yung part kung saan ko siya hinampas
" Paano ba naman kita hindi hahampasin? Bakit mo binayaran yun? Kaya ko namang kumuha ng pera para makabayad sa kanya. Tsaka bakit mo sinabi sa kanya na ano kita?! " nakakainis lang kasi. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na gusto madali makakuha ng pera, depende na lang kung kinakailangan talaga. Kaso may 1 week pa naman eh kaya ko yun!
" As a reward sa pagtanggap mo sa offer ko. Don't worry treat ko na yun sayo. " Ano? Treat? As in libre?! Grabe talaga ang mga mayayaman!
Napailing na lang ako sa sinabi nya. " Tsaka totoo naman diba? You're mine. " namula ako sa sinabi niya. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?
Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso na ako sa banyo para makapagpalit ng damit nakakuha na rin kasi ako ng pamalit. Umupo naman sya sa upuan namin.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nakita ko siyang nakatayo at parang minamasid ang bawat sulok ng bahay namin. Punyeta daig pa niya ang detective eh!
Lumapit ako sa kanya at tinapik ko ang ulo niya. " Hoy! Alam kong maliit lang tong bahay namin! Wag kang magaalala walang mga ipis at daga dito. " lagi ko kaya nililinisan ang bahay namin. Ayoko kasi ng madumi. Nasa lahi na rin ata namin ang mahilig maglinis.
" Paano ka nakakasiguro? Ilipat ko kaya kayo ng bahay? " seryoso ba siya?!
" Nako huwag na basta alam kong malinis tong bahay namin! Nakakahiya na! " sabi ko habang umiiling iling pa sa kanya. Kinurot naman niya ang magkabilang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Hired Boyfriend [ K A I S O O - HIATUS ]
FanfictionSamahan natin si Kyunggie kung paano niya pakikisamahan ang amo nya na kanyang 'BOYFRIEND' kuno na si Kim Jong In o mas kilala natin bilang Kai. / O N G O I N G - H I A T U S / Hired Boyfriend Date Published: November 11, 2014 Date Started: Decembe...