H B /ONE/

1.1K 44 4
                                    

Kyungsoo's POV

Uhm hello? siguro naman kilala nyo ako diba? kita naman po sa magpo-point of view no? de joke!

Tama na...

So eto nga nandito ako ngayon sa hospital at binabantayan ang nanay ko na inatake sa puso. Kahapon lang nung sinugod sya dito sa hospital at araw pa ng birthday ko nun, January 12. Masaya na sana kaso sinugod pa siya dito. Ang tigas kasi ng ulo ni mama ayaw pa uminom ng gamot! Ayan tuloy!

Namomoblema nga ako ngayon kung saan ako kukuha ng pera pambayad dito sa hospital idadag pa natin yung kailangan na daw operahan ni mama. Ako na lang kasi ang nagtratrabaho sa aming magnanay, yung tatay ko wala na sumakabilang bahay na nung pinanganak ni mama ang kapatid ko si Kyung In kaya sa akin talaga napupunta lahat ng gastusin.

* I wanna be a billonaire so freakin bad~ *

Agad kong dinampot ang mumurahing cellphone ko sa ibabaw ng mesa katabi ng kama na pinaghihigaan ni mama. Tinignan ko kung sino ang tumatawag...

Calling...
Kyung In...

Parang alam ko na kung bakit siya tumawag...

" Hello? Kyung In? Bakit ka napatawag? "

[Kuya paano yan! Nandito sila!] rinig ko na nag-aalala siya. Alam ko na nga kung ano to.

" Ilang buwan na ba tayong hindi nakakabayad? " kalmado lang ako pero sa loob loob ko hindi ko na talaga alam kung saan ako makakahanap ng pera pambayad.

[Limang buwan na kuya! Paano na yan kuya papaalisin daw tayo p--- HOY SINO YAN? YAN BA YUNG KUYA MO A--- Teka lang ku---]rinig ko naman ang sigawan sa kabilang linya. Napatayo ako. Paano pag may nangyaring masama sa kapatid ko? Napatingin naman ako kay mama. Hindi ko naman pwedeng iwanan dito si mama.

Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko nang magsimula na syang magsisigaw sigaw. Bakit ba kasi ang laki ng bunganga ng taong pinagupahan namin ng bahay?

[HOY KYUNGSOO! PAG HINDI PA KAYO NAKABAYAD SA LOOB NG ISANG LINGGO, HINDI NA AKO MAGDADALAWANG ISIP NA IHAGIS ANG MGA GAMIT NYO DITO SA PAMAMAHAY KO!]isang linggo? Magkano ba ang babayaran ko? 5,000 sa isang buwan so bale pag limang buwan...

25,000??? O______O

Saan ako makakakuha ng ganong kalaking halaga?!

" Ah mrs. Lopez pwede ba pagusapan na lang muna natin to? Ka---"

[HINDI! MATAGAL KO NA KAYO PINAGBIBIGYAN! SA LOOB NG ISANG LINGGO YUN KYUNGSOO TAPOS ANG USAPAN!]

* toot toot toot *

Napaupo na lang uli ako sa upuan.

Pambayad sa hospital.

Pang opera kay mama.

Pambayad sa bahay.

Pambayad din sa paparating na tuition fee/ month payment ni Kyungin.

Napaluha na lang ako. Kinuha ko ang wallet kong maliit sa bulsa ng pantalon ko.

Binuksan ko iyon at tinignan ko ang laman.

100 piso at limang centimo.

Ngayon, saan ako kukuha ng pera?

-------x

" Oh Kyungin ikaw muna ang magbantay dito kay mama ha? " pinapunta ko kasi si Kyungin dito sa hospital para bantayan si mama. Maghahanap kasi ako muna ng pwede kong pagkautangan.

" Opo kuya. Teka paano na yu-----" pinutol ko ang sinasabi ni Kyungin. Ayoko kasi marinig.

" Ako na ang bahala. " Ngumiti ako sa kanya para maipakita na ayos lang ang lahat at malalagpasan namin iyon.

Lumabas na ako ng hospital at magsisi--- ay kahit rin pala ako hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula.

* whoooooooosshhh *

Ano ba yan! Umeksena pa ang hangin! Kaini---

" Pwe! Ano ba to! " agad kong inalis sa mukha ko ang papel na to. Bwiset na hangin to sumakto pa talaga sa mukha ko.

Binuklat ko ang papel.

" Ano ba naman kasi to buti sana kung mababayaran n---- 100,000?!!! "

Lord, eto na ba?! *o*

End of Chapter
-----x

Tin's Note:

Huhuhu ang common ng first chapter ko T^T lame ba?? Pero BTW, nakahanap na ng pwedeng pagkakitaan ang baby ko!! Buti naman!

Ang squishy talaga ng bebe ko!!! (see at the multemedia xD)
Vote & Comment po libre lang po walang bayad :)

TINLUVYESUNG

Hired Boyfriend [ K A I S O O - HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon