Chapter 2: Piggy ride back
Pretzel' POV"Grabe talaga Dre! Kinikilig talaga ako."
Kanina pa nya sinasabi yan. Kung bibilangin, nakamahigit isang daang sabi na sya simula nung tumawag sya. Nakatulog ako kanina habang nagdadrawing. Tapos naggising ako ng mga alas otso. Habang kumukuha ako ng hapunan tumawag sya para lang paulit ulit na sabihin na kinikilig sya.
"Oo alam kong kinikilig ka pero dre look at the time. Tumawag ka ng alas otso medya at tignan mo kung anong oras na ngayon, mag-aalas dyes na. Yung totoo dre? Di ka pa pagod?"
"Ako dre? MAPAPAGOD? Duh! Wala yan sa vocubulary ko. Anyway, sige Dre! Tulog ka na. Salamat sa pakikinig. Mwaahh :* . Love you."
*toot toot toot*
Tignan mo to. For sure yung mama naman nya ang kukulitin nya. Legal kasi sila ni Denzel. Kaya pagkinikilig sya at di nya ko makulit yung mama nya ang kinukulit nya.
Lumabas ako ng kwarto para hugasan na yung pinagkainan ko. Napatingin ako sa orasan. Langya, si Treshelle talaga. Anong oras na ee, tapos maaga pa kami bukas. Isa pa, wala na naman si Mama. San na naman kaya yun nagpunta. Baka di yun dito matutulog aa.
Pagkahugas ko ng plato, sinigurado ko na yung mga lock ng bahay pati yung mga bintana. Mahirap na. Mag-isa lang ako ngayon. Sabi kasi ni Mama pag wala pa sya ng alas dyes isara ko na daw ang bahay at dun na sya matutulog kanila Tita (kapatid nya) kasi daw ayaw daw nyang naaabala ako. Basta mag-aral daw ako ng mabuti, para daw sa kinabukasan ko yung ginagawa nya. Tinanong ko nga sya kung bakit ganun sya mag salita at baka illegal o masama yung ginagawa ee kaya minsan di sya nakakauwi abay binatukan lang naman ako ng bongang bonga, sabay tawa. Nakakaloko na nga minsan.
Pagkasiguro ko kung mga nakalock na yung pinto, pumasok na ko sa kwarto at natulog. Ano na naman kaya mangyayari bukas. May makakatupad na kaya ng pangarap ko?
- - - -
Kinabukasan.
"Dali Dre! Napakabagal mo namang tumakbo. Takbo na ba talaga yan?"
"Kaasar ka Dre! Hingal na hingal na ko oh. Kung ba nama- -."
"Kyahhhhhh! Ayun upuan. Tara daliii!"
Alam kong naguguluhan kayo sa nangyayari mas lalo na ako. Alam nyo yung tipong para kayong nakidnap? AY GRABE! Kakatapos lang nung klase kanina ng bigla akong hilain ng pasaway na to at pinasakay sa trycicle at namalayan ko na lang na papunta na kami sa Stick-o Mall.
"Kyaaaahhh!!!!!!"
Napapikit ako sa lakas ng mga sigaw, lalo na nitong katabi ko. Sana pala di na lang ako pumasok. Nandito kasi kami ngayon sa mall tour ni - -
"I love you Daniel Padilla! Kyahhhhh!"
"Dj please marry me! Wahhhhh!"
Nakakaalog ng utak dito. Sana matapos na to.
After two hours.
"Kyaahhh Dre! Kinikilig ako!" treshelle
Alam ko. Kagabi mo pa sinasabi yan. Di ka na ba nagsawa kakapaulit ulit?
"Oo na. Alam ko, kagabi mo pa kay- -." Yung totoo kanina pa napuputol yung pananalita ko?! (-_-)
(booogshh)
"A-a-arayy."
parang nagslowmo ang lahat. Mula sa pagkakabangga ni Treshelle hanggang sa pagbagsak nya. Tatawa na sana ako kung di lang sya nag 'aray'.
"Nako sorry ate. Di ko sinasadya."
Sasagot pa sana si Treshelle ng buhatin sya nung maliit na lalaki tapos pinatong sya sa likod nung matangkad na lalaki (yung nakabangga).
Te-te-teka. Piggy ride back?
"Ate pasensya ka na aa? Di kasi kita napansin at saka nagmamadali ako. Dadalhin na lang muna kita sa ospital."
Nagumpisa na sila maglakad palayo. Di ko maigalaw yung mga paa ko. Yang pangyayari na yan.
Pangarap ko yan.
"Hindi wag na. Ok lang ako. Hihilutin lang to."
"No I insist. And - -"
"At saka pa isa pa may kasama ako."
Tumingin sila sa gawi ko. Teka? Ganun di nila napansin na nandito ako?
"Ano kasi Ate- -"
Kinuha ko si Treshelle sa kanya. Syempre hindi ko siya inipiggy ride, inakay ko lang.
"Next time be reponsible enough. Not all things can be fix by mouth." sabi ko at inumpisahang maglakad palayo.
Tsk. Gwapo sana. Medyo nakakaturn off nga lang. Pagkalabas namin ng mall pumara agad ako ng taxi at dineretso pauwi si Treshelle. Medyo naiinis pa rin ako. Kasi sana, sana ako na lang. AKO na lang yung nabangga. Kasi kasama yun sa pangarap ko.
"Dre pasensya ka na aa? Naabala pa tuloy kita."
"Hindi ayos lang. At saka matagal mo na rin naman ako naabala. Hahahaha."
Pagkatapos kong hilutin ang paa nya umalis na ako. Pagkauwi ko kama agad ang deretso ko. Masyadong nakakapagod ang araw na to.
Panibagong araw na naman ang nagpamulat sakin.
Araw na nagpapatunay na wala talaga ang makakatupad ng pangarap ko.
- - - -
BabyChububu: Sobrang nainis ako. Ilang beses ko inulit ang chapter na to. Parating nagloloko yung tablet kung hindi tablet yung watty kung hindi yung watty yung internet. Anyway don't forget to vote! I'm telling you. -_-
BINABASA MO ANG
It started with my sketchy love story (Completed) #Wattys2015 Winner
Short StoryIts all about the things in the world. Imagination is your limit ika nga. Ginamit mo ang imahinasyon mo para makabuo ng iyong sariling love story pero kung paano nagkakatotoo ang ginawa mong love story? Anong gagawin mo?