Chapter 14: Miss

793 21 6
                                    

The long wait is over! Enjoy! Comment your opinions.

Chapter 14: Miss
Pretzel's POV

"Nako ma. Nakita ko na si Honey. At ang bruha gumanda." sabi ko kay mama habang naghuhugas ng plato. Nakaupo sya sa lamesa habang nagsusulat nako inaayos siguro ang listahan nya ng mga paorder nya.

"Nako, nagkausap na ba kayo ng maayos?"

"Hindi pa nga po eh." sabi ko at binuksan yung gripo at binanlawan yung plato. "Nakakainis kasi, biglang sumama yung pakiramdam ko." dagdag ko pa. Nakita ko syang tumango

"Sa tingin mo nak kung di ka man nakalimot ano kayang mangyayari? O kung sakali man na sinabi ko sayo yung totoo anong mangyayari?"

"Nako ma, kalimutan mo na yun. Ang di ko lang maisip bakit nakipagsabwatan ka sa bruhang Treshelle na yun?" tanong ko. Tinigil nya yung ginagawa nya at tinanggal muna ang reading glass bago nagsalita.

"Di ako nakipagsabwatan dun. Malay ko bang yun ang intensyon nya." sagot nya sakin. "Isa pa wag kang masyadong magalit sa kanya dahil kahit papaano naging kaibigan ka nya." dagdag pa nya

"Tss. Naging kaibigan nga. Ma aanhin ang mga ala ala kung puno naman mg kasinungalingan. Sa ginawa nyang yun parang pag nag explain sya sakin at sakaling humingi ng tawad di ko alam kung paniniwalaan ko sya." sabi ko at tinaob na ang mga platong hinugasan ko. Kaunti lang naman to kaya mabilis akong natapos.

"Ipagpasadyos na lang natin. Ipagpray mo yan na sana maayos na ang lahat." sabi nya at inayos na yung mga gamit nya "Sige punta na ako ng kwarto ah at pagod na pagod na ako." sabi ni mama

"Nako ma, natanda ka na talaga." biro ko, tinignan nya ako ng masama

"Nako tawa ko lang sayo pag nagkaanak na kayo ni Sean." sabi nya with her evil smirk.

"Ma!!" sigaw ko. Pano naman mangyayari yun. Mukhang impossible na. Tumawa lang si mama at pumasok na sa kwarto nya. Nang makita ko na nakapasok na sya pumasok na rin ako ng kwarto.

Pagpasok ko dumiretso ako sa kama. Kinuha ko yung sketch book na bigay ni papa noong bata pa ako. Inisa isa ko yung page. Ang ganda ko pala talagang magdrawing kung titignan parang pang professional pero ang totoo hindi. 5 years lang ako ng iguhit ko ang mga ito. Nakapukaw ng tingin ko yung isang drawing na may mga pangalan. Ako at si Sean. Si Treshelle at Denzel. Si Honey at Jason. Si Hansel at si Gretelle. Teka? Gretelle? Sino sya?

Naghahanap ako ng possibleng kasagutan ng biglang magring yung cp ko.

Unregistered number calling ..........

Pinindot ko yung cp ko at sumagot.

"Hello? Sino to?" tanong ko

[Bruha! Kita tayo?!"] sabi nung nasa kabilang linya. Tinignan ko muna yung cp ko bago sumagot

"Honey?"

[Tumpak! Gala tayo?!"] sabi nya. Tinignan ko muna yung hawak ko

"Okey fine. San tayo magkikita?"

[Uhmmm. Festival! Sa nbs ah?] sagot nya

"Sige. Magbibihis na ako." Binaba ko ma yung tawag at nagbihis na. Lumipas ang isang oras at nakarating na ako ng festival. Gaya ng napagusapan nakatayo sya dun sa tapat ng national. Nakasauot ng black pants with old T-shirt, nakaconverse, nakashades, at earphone.

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang earphone nya.

"Ano b--?! Hehe. Hi Pretzel!" sabi nya.

"Tss tara na. San tayo?" sabi ko at inumpisahan ng maglakad.

It started with my sketchy love story (Completed) #Wattys2015 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon